Ganito po gamitin ang habak de spiritwal.
Pareho lang ang dasal sa kahit anong hugis ng habak de spiritwal.
Ilagay sa katawan sa lahat ng panahon. Pwede rin ilagay sa bulsa o sa bag na malapit sa katawan. Tanggalin lang kapag maligo para di mabasa at masira ang tela.
Ang isang habak ay para sa isang tao na magpapakain din sa habak gamit ng dasal. Hindi pwede mag-share ang maraming tao sa isang habak.
Wag na labhan para di masira ang tela.
Pwedeng ilagay sa iba pang tela o lalagyan kung gusto.
Wag isama sa pera.
Gamitin ang orasyon na binigay kasama ang habak sa kada gabi. Sabihin ang title isang beses at ang orasyon ulitin ng 3 beses.
Pagkatapos ay magdasal din ng 3 Our Father, 3 Hail Mary at 3 Glory Be tapos ihip sa habak.
Kailangan dasalan kada gabi para maging mabisang proteksyon sa lahat ng spiritwal na atake. Mas maganda ang umaga at gabi pero di kailangan kapag di ka nagmisyon.
Wag ilagay sa mababang lugar na malalakaran kasi makakabigay ng sakit yan.
