Gabay sa Pagmisyon

Panoorin ang FULL Gabay sa Pagmisyon:

FULL VIDEO TRANSCRIPT:

Gabay sa Pag-Misyon

Ano ang Misyon?

Ang misyon ay ang pagsikap para sa kinabukasan natin sa kabilang mundo. Ito ay ang pag-iipon ng mabuting karma, puntos at enerhiya na magagamit bilang kayamanan sa kabilang mundo. Habang tumataas ang naaabot mo sa misyon, mas mataas ang maaabot mong benepisyo sa kabilang mundo. Ito ay ang investment para sa magandang kalagayan pagdating sa kamatayan natin.

Ang misyon na ito ay ang landas ng mga puting engkanto papunta sa Panginoon. Ang mga puting engkanto ang nilikha ng Panginoon at inatasan sa tungkulin na maggabay sa mga tao pabalik sa kanilang mga pinanggalingan. Ito ang trabaho talaga nila. Mahirap lang ay hindi alam ng tao ang katotohanan tungkol sa mga engkanto kaya nagkakaroon ng maraming di pagkakaunawaan.

Ang mga puting engkanto ay kasama ng Panginoon katulad ng mga anghel. Iba lang talaga ang trabaho ng mga puting engkanto. Ang pinakamatataas na mga puting engkanto ay pinakamatataas na anghel din. Sila si Kuya Loe at Ate Laneline na makikilala natin bilang Gabriel at Arkanghel. Sila ang mga supremo na nagpapatupad sa utos ng Panginoon.


Bakit Magmisyon?

Kapag nagtagumpay kayo sa misyon, makukuha ninyo ang:

  • Kaharian
  • Kayamanan
  • Kagandahan
  • Kaalaman
  • Kapangyarihan
  • Kadakilaan
  • Kabanalan
  • Katapusan sa reincarnation

Lahat ng ito ay makukuha ninyo sa pagdating ninyo sa kabilang mundo. Kailangan ninyo magmisyon para magkaroon ng katawan at kaharian sa engkantong mundo para doon kayo maghintay sa paghuhusga ng Panginoon. Hindi pa kasi bukas ang Langit para tumanggap ng mga tao kaya kailangan ng pansamantalang paglalagyan habang wala pa ang pagbalik ng Panginoon.

Makakaligtas ninyo rin ang inyong mga kapamilya. Kung nasa impyerno, kalbaryo, purgatoryo o salibhani ang inyong kamag-anak, makukuha ninyo sila doon para mailipat sa mas magandang lugar. Parang nagritwal na rin kayo para sa mga kaluluwa pero mas malakas pa dahil mas malakas ang epekto ng misyon sa pagligtas sa mga kaluluwa.


Pwede bang Mag-asawa ng Engkanto?

Marahil ang katanungang ito ay napag-isipan ninyo na. Ang sagot diyan ay oo. Pwede kayong magkaroon ng asawang engkanto. Pwede rin kayong magmisyon na makababa siya rito kung gustuhin ninyo. Maganda ang opsyon na ito lalo na sa mga taong wala pang asawa sa mundong ito.

Kung may asawa na kayo rito sa mundo, maaaring siya na ang asawa ninyo sa kabilang mundo na nagpakatao rito o hindi pa siya. Hindi ninyo siya kailangan hiwalayan. Minsan nga kapag nagmisyon kayo ay pwedeng mapalitan ng spirito ang kasama ninyo kung hindi iyon ang spirito ng tunay ninyong kabiyak para mapalitan ng spirito ng tunay ninyong kabiyak. Posible iyon.


Paano Kung Hindi Magmisyon?

Ang lahat ng tao na walang misyon ay mapupunta sa kalbaryo. Mabuti man kayo o masama, mapupunta pa rin kayo sa kalbaryo. May maganda at pangit na lugar sa kalbaryo.

Ang magandang lugar na tinatawag na Salibhani ay maginhawa para sa mga mabuting tao pero wala silang katawan. Mga naglutang lang silang spirito at walang mukha o bibig. Malamig at presko sa kanilang tirahan. Wala nga lang silang katawan, pagkain o kahit anong gagawin kundi lumutang lang sa kawalan — hanggang may kapamilya sila na nagmisyon at madamay sa puntos ng misyon.

Ang mga taong masama ay mapupunta sa pangit na lugar sa kalbaryo na halos impyerno na dahil sa init at hirap para sa mga nakatira doon.


Ano ang Basic na Misyon?

Ang pinakabasic na misyon ay ang pag-iwas sa mortal na kasalanan:

  • Pagpatay
  • Paglandi
  • Pagnakaw

Ano pang Dagdag na Misyon?

Pagkatapos ng basic na misyon, pwedeng magdagdag ng ibang karagdagang misyon para mas malayo o mas mataas ang maabot sa buhay, katulad ng:

  • Panggagamot
  • Pagtuturo ng spiritwal
  • Pagpamisyon
  • Pagtulong sa materyal na paraan sa mga kapwa-tao
  • Pagkain
  • Tubig
  • Kuryente
  • Medisina
  • Bahay
  • At iba pa

Pwede rin gumawa ng mga sumpa na hindi na babalikan ang mga makamundong kasarapan o kasalanan katulad ng:

  • Pag-inom ng alak
  • Panonood ng porno
  • Pagyosi
  • Paggamit ng droga
  • Pagpunta sa mga kahalayan
  • Pagpunta sa nightclub

Magkano ang Pagmisyon?

WALANG BAYAD NA PERA ANG MISYON.

Ang bayad dito ay ang pawis, luha at dugo sa pagsisikap na magmisyon.


Ano ang Mangyayari sa Pagmisyon?

Darating ang mga karma ninyo sa buhay. Mas dadami ang pagsubok na kailangan ninyong harapin. Ang dahilan nito ay sinusunog o pinapaharap na sa inyo ang lahat ng masamang epekto ng kasalanan ninyo sa nakaraan para mabayaran ninyo ang lahat ng ito sa pamamagitan ng pagdurusa.

Mas dadami ang tentasyon sa buhay ninyo dahil susubukan kayo kung gaano kayo katibay sa pananalig sa Panginoon. Habang mas lumalapit tayo sa Panginoon, mas humihirap ang buhay natin pero ito ay pagsubok lamang para palakasin tayo kaya dapat mas lalo tayong kumapit sa Panginoon para hindi tayo madala sa mga kasamaan.

Magkakaroon din kayo ng mga panaginip tungkol sa karanasan ninyo sa kabilang mundo — ang pakikipag-away, mga ala-ala sa nakaraan at mga pangitain sa kinabukasan.

Dahan-dahan, makikilala ninyo ang inyong sarili. Malalaman ninyo kung ano ang dahilan kung bakit kayo binagsak sa mundo ng tao, ano ang pagdurusang kailangan ninyong pagdaanan at saan ang kahariang uuwian ninyo pagdating sa kamatayan.


Paano Mag-Register sa Misyon?

Kailangan namin ang inyong:

  • Buong Pangalan Ayon sa Binyag
  • Kapanganakan

Halimbawa:

  • Juan Dela Cruz Santos
  • Enero 15, 1990

Ipadala ninyo sa amin sa messenger o sa aming opisyal na pahina.


Screening Period

May ilang buwan na tinatawag na screening period o panahon ng pagsasala. Dito sinusuri ng mga puting engkanto kung handa na ba ang tao o hindi. Pagkatapos ng panahong ito, malalaman natin kung bubukas ba ang lagusan ng taong interesadong magmisyon o hindi.


Pagsubok ng Perlas

Pagkatapos ng screening period, magkakaroon ng pagsubok na magpalabas ng perlas ng kapangyarihan ang tao mula sa kabilang mundo na sariling power nila ang pagkukunan. Iba na ito kaysa sa mga meditation na kami ang nagturo at nag-host dahil ang power namin ang ginagamit para makabuo ng perlas. Sa unang pagsubok na ito masusubukan ang pagkasinsero ng tao. Hindi lalabas ang perlas kung kulang ang pagkasinsero.


Gaano Katagal ang Misyon?

Ang karaniwang termino para sa misyon ay 13 taon. Ito ang itinakdang pamantayan para sa pagkumpleto ng misyon.

Subalit, maaaring tumagal pa nang higit sa 13 taon ang pagmimisyon. Ang ilan ay pinipiling ipagpatuloy ang kanilang paglilingkod at paggawa ng kabutihan nang mas mahaba pa sa itinakdang panahon upang lalo pang tumaas ang kanilang puntos at maabot ang mas mataas na antas ng gantimpala sa kabilang mundo.

Ang mahalaga ay ang patuloy na pagsisikap sa paggawa ng kabutihan at pag-iwas sa kasamaan habang tayo ay nabubuhay. Ang bawat araw na lumilipas ay pagkakataon upang mag-ipon ng mabuting karma at mapalapit sa Panginoon.

Maaari ring matapos ang isang tao sa kanyang misyon nang mas maikling panahon kaysa 13 taon kung mapagbutihan niya ang pagmimisyon at wala siyang bagsak. Ang iba ay makatapos sa 7 taon, 9 taon o 10 taon.


Ang Mga Ritwal sa Tagumpay

May iba’t ibang ritwal na gagawin para sa Misyonaryo ayon sa kung ano ang maabot niyang misyon sa buhay:

  • Bautismo
  • Koronasyon
  • Pagkabusilak

At iba pa depende sa kung ano ang maabot ng misyonaryo. Importante lamang ay magsikap ng todo sa misyon para gumawa ng kabutihan at umiwas sa kasamaan.


Handa Ka na Ba?

Bago ka magmisyon, pag-isipan mong mabuti kung handa ka na bang iwanan ang lahat ng kasamaan at magpatuloy sa kabutihan habambuhay hanggang kamatayan.

Kung ang sagot mo ay hindi, magmeditate ka muna at magdasal. Mag-isip ng malalim kung ano ba ang katuturan ng buhay mo.

Kung ang sagot mo diyan ay oo, magmisyon ka na.