(0:00 - 0:19) Welcome sa course kapatid at dito mo malalaman kung ano nga ba ang misyon. Ang ibig kong sabihin na misyon dito ay ang misyon sa landas ng kabanalan bilang isang official na inkantaong misyonaryo. Ito na rin ang gabay sa pagmisyon na ginawa ko nga na isang pdf, isa po siyang free na mada download. (0:20 - 0:39) Pero dito nga po sa video course na ito ay magpapaliwanag po ako ng mga detaly na hindi ko po naisabi doon sa pdf na iyon. So sana po ay matapos nyo ito para malaman kung ano nga ba ang pagmisyon tapos kung desidido na kayo pagkatapos ng video course na ito ay magmisyon na kayo. Kitakits mga kapatid. (0:40 - 1:07) Para masulit ang course na ito ay kailangan tapusin mo ang buong video course. Isipin mo ng mabuti ang mga detaly na sinabi ko para malaman mo kung handa ka na ba magmisyon at basahin mo nga yung landas ng kabanalan. Isa pong pdf ang landas ng kabanalan na 66 pages at doon ko nga binabahagi kung ano nga ba ang kabanalan at paano natin gagawin ito sa ating pang araw-araw na buhay. (1:07 - 32:48) Pagkatapos ng gabay sa pagmisyon na video course na ito basahin yung landas ng kabanalan para malaman nyo kung desidido na kayo na maging official na inkantaong misyonaryo kasi yun nga yung purpose ng course na ito para malaman nyo kung ready na kayo sa ganyan. Ano nga ba ang pumapasok sa ating isip pag sinasabi kong misyon? Baka ang iniisip nyo kapag misyon ay may pupuntahan tayong mga malayong lugar para magdasal or magbigay ng mga charity goods o hindi kaya maghanap ng mga anting-anting o mga matatandang guru na nakatira sa mga bukid or bundok Pero ang maisasabi ko lang ay hindi naman ganoon ang lahat ng misyon Meron mga ganoon bahagi sa ating misyon kung gusto nyo at kung yun ang nakatakda para sa inyo pero gagawin kong mas simple pa kung ano ang misyon Ang misyon ay ang pagsikap natin para sa kabanalan Ganoon lang kasimple mga kapatid Kahit na hindi ka pupunta sa malayong lugar basta ay magsisikap ka sa kabanalan mo ay nagmimisyon ka Pero ang sinasabi kong misyon dito ay dapat talaga mag-commit ka o kumbaga magbibigay ka talaga ng pangalan at birthday mo at sinasabi mo na magiging banal ka ng tao hanggang sa katapusan ng buhay mo Hindi po ito isang biro na pwede mo lang palipasin tapos ayoko na magmisyon dapat ay desidido ka talaga kapag sinabi mong magmimisyon ka ay hanggang sa kamatayan mo na Ito ay ang pagsikap para sa magandang kinabukasan mo sa kabilang mundo Ito yung landas ng kabanalan Tapos magpapangako ka na nasusundin mo na yan hanggang sa katapusan Ang misyon nga na ito ay ang landas ng kabanalan papunta sa Panginoong Diyos Amang Makapangyarihan At ang mga naggagabay dito ay ang mga puting engkanto na palagi kong binabanggit Hindi lang masyado naiintindihan or nakikilala ng mga tao kung sino nga ba ang mga puting engkanto Pero para lang din silang mga anghel pero iba ang tinirha nila at iba ang trabaho nila Ang mga anghel ay kadalasan nagliligtas sa mga tao na may physical na panganib Tapos ang mga engkanto naman ay ang mga naggagabay sa mga tao papunta sa kabanalan O papunta sa Panginoon na hindi nga namamalayan ng mga tao kung sino sila Sila yung mga nagbibigay ng mga konsensya sa mga tao or lessons sa mga panaginip O kahit nga sa totoong buhay sa paligid natin gumagamit din sila ng mga tao Yes meron tayong sariling konsensya pero sila ang nagtutulong nga para mahubog ang ating mga konsensya ayon sa kung ano ang karapat dapat Mahalagang banggitin na iba ang mga puting engkanto kesa sa mga itim na engkanto na ang mga kilala nga bilang mga bugoy or mga masasama At mga 95% ng mga kwento tungkol sa mga engkanto na nalalaman ng mga tao ay tungkol sa itim na engkanto Kaya ang mga puting engkanto na mabubuting mga engkanto ay hindi pa nila kilala Kaya nga pinapakilala ko sa inyo ngayon kasi sila ang magiging gabay sa ating pagmimisyon sa landas ng kabanalan Panahon na para ipakilala ko sa inyo ang mga pinakamata taas na mga puting engkanto ay ang mga pinakamata taas na anghel din sa langit Ang mga pangalan nila sa mundo ng engkanto si Kuya Louie at Ate Laneline magkapatid sila na kambal at sila din ang kinikilala bilang mga Archangel at Gabriel Si Archangel si Ate Laneline, yes babae si Archangel hindi siya Archangel na parang sinasabing Archangel Gabriel Archangel Michael gano'n hindi Archangel ang pangalan ng babae na anghel nakakambal ni Angel Gabriel si Angel Gabriel si Kuya Louie sa engkantong mundo So sila yung pinakamata taas sa parehong mundo ng engkanto at sa mundo ng langit Si Ate Laneline at si Kuya Louie si Archangel at si Gabriel Medyo mas salimot kasi nga ay iba na ang antas ng buhay ng mga engkanto kesa sa tao na kaya nila gumawa ng iba't ibang mga katawan pero sila pa rin yun kasi isa ang espiritu Binahagi ko lang ito sa inyo para malaman nyo na ang mga puting engkanto at anghel ay nagtutulungan para nga maggabayan ang mga tao sa landas ng kabanalan papunta sa Panginoon Bakit nga ba tayo magmimisyon? Simple lang ang sagot mga kapatid dahil marami ang gantimpala sa pagmimisyon Bukod nga sa kaligtasan mula sa impyerno at parusa at lahat ng iba't ibang mga epektong masama ng kasalanan ay magkakaroon tayo ng magandang buhay Magkakaroon tayo ng kaharian, kayamanan, kagandahan, kaalaman, kapangyarihan, kadakilaan, kabanalan, katapusan sa reincarnation Magkakaroon din tayo ng sarili nating katawan na engkanto at asawang engkanto Tapos balang araw ay makakapunta tayo sa langit Lahat ng ito ay mabubuting mga bagay na ipapaliwanag ko isa-isa sa kung ano nga ba ang mga bagay na ito Kailangan nating magmisyon para makamtan ang lahat ng mga bagay na ito para magkaroon tayo ng mga katawan na magagamit natin pagkatapos ng ating kamatayan dito sa mundo ng tao Bukod pa sa makukuha nga natin ang mga magagandang rewards na ito, ay makakaligtas din tayo sa ating mga kamag-anak na hindi nagmisyon at merong mga ginawa na mga kasalanan na medyo mabibigat Kumbaga matutulungan natin ang mga kamag-anak natin na napunta halimbawa sa Imperno, Purgatorio, at iba pang mga hindi kanais-nais na lugar at maililipat sila sa mga mas magandang lugar Habang wala pa ang paghuhusga ng Panginoon ay mayroon tayong magandang lugar na mapaghihintayan natin habang hindi pa nga bumabalik ang Panginoon para husgahan ang lahat na mangyayari nga sa banda na Year 3000 dahil nga sinabi niya na tatlong araw ay babalik siya pero ang ibig sabihin niya ay tatlong araw ng Panginoon kasi ang isang araw ng Panginoon ay isang libong taon ng tao kaya tatlong araw ng Panginoon ay tatlong libong taon ng tao at nagsimula ang bilang doon sa pagkamatay ni Kristo Sa simpleng salita, ginagawa natin ang pagmimisyon para nga makakuha tayo ng magandang kinabukasan na nakukuha natin yung mga bagay na binanggit ko ngayon-ngayon lang Ang kaharianan Diyos, yan ay isang salita na madalas nga natin naririnig kapag tayo ay nakikinig sa mga preacher tungkol sa Bible Pero ano nga ba yung ibig sabihin yan? Tapos sinasabi rin na si Jesucristo ay ang hari ng mga hari, King of Kings So paano nangyari yun na hari siya ng mga hari? Sino yung mga hari na tinutukoy niya na yun? Mga kapatid, tayo ang mga hari at reina na tinutukoy doon sa mga verso na yan Kasi tayo nga yung mga hari at reina na galing tayo sa mundo ng inkanto pero binagsak tayo dito sa lupa dahil sa mga kasalanan na nagawa nga natin doon sa mundo ng inkanto Nang agaw tayo ng mga ibang kaharian, nang babae o nang lalaki tayo, nang patay tayo Kaya nga binagsak tayo dito at kaya pag nabayaran na natin yung mga kasalanan natin sa paggawa ng mga tinatawag nating penance or pagsisisi dito sa mundo ng tao Sa pamamagitan nga ng pagdurusa sa ating mga buhay kung saan nga maganda ay nagsisikap tayo para sa kabanalan Kapag natapos na natin yung pagbabayad ng ganyan lahat ay makakabalik na tayo sa ating mga kaharian Tayo ay mayroon mga milyon milyong sakop sa mga malawak na kaharian na tayo ang mga nirerespeto kinikilala bilang mga pinaka matataas doon na hari at reina Kung kaya ang pagmimisyon ay ang pagbabalik sa atin ng mga kaharian na nawala sa atin sa unang panahon Siyempre bilang hari o reina mayroon kang limpak limpak na kayamanan Mga kapatid, ang pinaka mayamang tao dito sa mundo ng tao I-search nyo kung sino yung mga pinaka mayayaman dito Meron silang mga bilyon bilyon na dolyares Ang pinaka mayaman dito ha? Ang pinaka mahirap sa kabilang mundo Kung baga yun ay yung pinaka basic na kayamanan ng mga pinaka mahihirap na engkantong hari o reina sa kabilang mundo Kung baga yung mababang hari lang na hindi nga masyado nagtagumpay sa misyon sa kabilang mundo Ay mas mayaman kung hindi kasing yaman lang ng pinaka mayaman dito sa mundo ng tao So isipin nyo yun ha? Ganoon kayaman ang mga engkanto So yung pinaka matataas talaga mga hari sa engkanto Hindi maiisip ng tao kung gaano karami talaga yung kayamanan nila Kasi yung buong palasyo nila ay puno ng ginto at diamante, pearls Lahat ng mga pinaka mararangya na hindi nga nandito sa mundo ng tao at hindi posible Lahat ng bahay, damit at kahit anong maisip mo na kayamanan ay nandoon Bumabaha sa ginto At yan ang makukuha natin kapag nagtagumpay tayo sa misyon Hindi bali na mahirap ka dito Basta ay nagsikap ka sa kabanalan ay makakakuha ka ng kayamanan Pagdating sa kabilang mundo Ang pinaka magandang mga babae at lalaki dito sa mundo ng tao Ay ang pinaka pangit na mga engkanto sa kabilang mundo Mga kapatid, hindi lang ako nagbibiro O sabihin natin ay sobra ako mag-exaggerate or exag doon sa mga sinasabi ko Talagang kakaiba ang balat at ang itsura ng mga engkanto kumpara sa mga tao Kasi wala tayong katulad ng kung ano yung meron sa kanila Kasi nga ay hindi sila sinumpaan na maging pangit at tumatanda katulad natin Nananatili silang bata kahit ilang daandaan o libo libo silang taon na mumuhay Wala silang kahit anong wrinkles o anuman na tanda na sila ay tumatanda Nagmingningning ang kanilang mga balat at ang pawis nila ay perlas Parang mga djamante ang kanilang mga ngipin at tila parang statue talaga sila tingnan Hindi natin mapapaliwanag kasi sa sobrang liwanag nila At yan ang makukuha natin na kagandahan na hindi nga natin maimagine Habang nandito pa tayo sa mundo ng tao kapag magtagumpay tayo sa mission Ang tao rito ay kahit meron siyang internet na makaka-research siya sa maraming bagay Ay hindi pa rin sapat ang kanyang kaalaman sa kung ano nga ba talaga ang nangyayari sa buong kalawakan Kahit nga na magpakabit siya doon sa tinatawag na Neuralink at yung mga ibang mga teknolohiya Na papasok yung computer doon sa utak na may direkta ng connections sa internet Ay hindi pa rin makakasapat sa kung ano ang kaalaman na pwede makuha ng mga engkanto tungkol sa kalawakan May limitasyon pa rin ang engkanto kumpara sa Diyos Pero mas malawak na talaga ang kanyang kaalaman at ang kakayahan niya na makakuha nga ng impormasyon kesa sa tao Kumbaga mas mulat lang talaga sila, naka built in na yung internet at wifi nila Na malalaman nila yung mga nangyayari sa kanilang paligid sa pagtingin nga lang sa kawalan At yan ang isang makukuha din natin pagkatapos natin magtagumpay sa mission Pwede tayong lumipad, magpalabas ng pagkain mula sa hangin At gumawa ng iba-ibang pagtransform sa ating mga katawan para maging mukhang hayop O ano man ang gusto natin magiging pwede tayong lumaki, pwede tayong lumiit Pwede tayong mag-teleport, pwede tayong magpagalaw ng mga bagay gamit nga lang ang ating mga isip Maraming mga kapangyarihan na magagawa natin bilang mga engkanto na hindi natin magagawa bilang mga tao At yan ang makukuha din natin ng mga kapangyarihan depende sa kung gaano kataas din ang maabot natin sa mission Kapag tayo ay nagtagumpay sa ating mission at nakauwi na sa kabilang mundo Bilang mga hari at reina, syempre nandyan yung kadakilaan At lalo na kapag nagtagumpay ka ng mataas sa iyong mission Ay makikilala ka bilang isang tanyag na hari o reina na nag-survive At nagtagumpay ng mabuti dito sa pagmi-mission mo sa mundo ng tao Dahil mahirap ang buhay sa mundo ng tao At pag nanatili tayo sa ating kabutihan Bagamat napakaraming tentasyon sa ating paligid Ay mabibigyan tayo ng mga korona ng kadakilaan At kikilalanin tayo bilang mga magaling Ang kabanalan nga gaya ng sabi ko sa ibang video ko kapag napanood nyo ay ang kabuuan ng enerhya So kapag magpatuloy tayo sa landas ng kabanalan at magtagumpay nga sa ating mga mission Ay makakaranas tayo sa kabuuan ng enerhya Na mas makakaramdam tayo sa pagkakonektado natin sa lahat ng bagay at sa Diyos At dyan pa lang natin mas mararamdaman kung ano nga Ang totoong kabanalan dahil dito sa mundo ng tao Ay meron nga tayong pagsikap sa kabanalan Pero nasasadlak pa tayo dito sa mundo na puno nga ng tentasyon at pinapatakbo ni satanas Kaya nga ay kapag nakatagumpay na tayo sa mission at nakapunta na sa kabila mundo Ay dun pa lang natin malalasap kung ano nga ba ang pakiramdam ng kabanalan Na wala na tayong hadlang sa kabanalan natin Kung familiar ka sa mga doktrina, sa budismo or hinduismo Ay meron tayong konsepto nga na tinatawag na reincarnation Ang may sasabi ko nga ay hindi lang ito konsepto kundi katotohanan Pero ang kailangan linawin nga ay merong katapusan ang reincarnation na may limitasyon ng ating mga buhay So halimbawa ay meron lang tayong sampung buhay tapos husgahan na Or sinkwenta na buhay tapos husgahan na Hindi walang katapusan yung reincarnation So mas maganda kapag nakapagmission ka tapos nagtagumpay ka ng mataas or marami Ay hindi ka na kailangan bumalik dito kapag naabot mo na kung ano yung kailangan mong abutin At kung meron mang buhay ka pa na bubuhayin sa sunod na mga reincarnation mo Kung meron ka pang reincarnation Ay hindi ka na mahihirapan tapos maghihintay ka na lang ng kandila mo Maga yung good karma mo ay magdudulot na nga lang sayo na maganda na lang yung buhay mo Kesa dadaan ka pa sa maraming pagdurusa So yan yung katapusan ng reincarnation ay mabibigay sa atin sa magandang pagnimission natin Na makakauwi na tayo sa kabilang mundo kapag naubos na yung kandila natin Or kung meron pa tayong mga kandila na kailangan natin na ubusin or upusin Ay hindi na masyado mahirap yung mga sunod nating buhay Kapag bumalik tayo dito tapos magaguide tayo sa kung ano ang kabutihan Para makauwi tayo ng matiwosay sa kabilang mundo Magkakaroon tayo ng katawan at asawang inkanto Gusto ko lang linawin ha Baka hindi nyo alam kung ano ang ibig sabihin ng may asawa na inkanto Or may katawang inkanto Ang inkanto parang tao lang din yung katawan Pero makapangyarihan, magaan, masarap, kumilos At hindi katulad ng taong katawan na maraming sumpa at sakit At hindi mo maintindihan bakit hindi masarap yung pakiramdam mo at maraming bawal Pero kapag meron kang katawang inkanto maraming niyang kapangyarihan At pwede mong gawin ang kahit ano Kasama yung asawa mong inkanto Tapos yung asawa mong inkanto kapag talagang totoong kabiyak mo siya Ay perfect match yung pagmamahalan nyo At wala kayo magiging problema sa pagmamahal Kaya nga ay napakahalagan yan na magkaroon tayo ng asawa na totoong kabiyak natin na inkanto At makakasama na natin sa walang hanggan Yan ang gusto talaga ng mga tao na klase ng pagmamahal Kasi ito yung namimiss nila na alam nila sa loob ng puso nila na meron talagang ganyan Kaya nga naghahanap yung tao sa one true love At sasabihin ko nga sa inyo na meron talagang one true love na perfect match natin Kapag nahanap natin sila At ang pagmimission ay makakatulong nga sa atin para mahanap natin At makasama habang buhay forever Ang tunay na kabiyak natin na asawang inkanto sa kabilang mundo Kapag nagtagumpay na tayo sa ating mga mission So paano naman kapag hindi tayo nagmission? Ang mangyayari is depende kung masama ka or mabuti ka Depende rin sa kabigatan ng kasamaan or kabutihan mo Kapag wala kang mission ay wala kang katawan Katulad ng meron tayo ngayon na pwede tayong makaranas ng pagkain, pag ihi, pag sipping, pag yakap, pag hawak, pag halik Ang mangyayari lang kapag walang mission ang tao Ay magkakaroon lang sila ng parang spirito na nakalutang Pero pwede pa rin magdanas ng sakit or ginhawa ang spiritong nakalutang na ito Kapag masama ka ay mapupunta ka doon sa mga masasakit, mainit, or madilim na lugar At ang pagkalala ng parusa mo ay depende nga sa kung ano ang kasalanan mo Tapos kapag mabuti ka naman ay mapupunta ka lang sa isang lugar na nakalutang ka At parang aircon maginhawa lang Pero wala kang bibig at wala kang katawan para ikaw ay makipag experience doon sa mundo Walang pagkain, wala din mga pwede mong mayakap, walang mga mukha Parang nakalutang lang kayo lahat doon sa aircon Ayan nga mahalaga sana mga kapatid na magmission tayo para hindi tayo makapunta doon sa mga masasamang lugar Or di kaya ay nakalutang lang tayo sa aircon Hindi naman masama na makalutang tayo doon sa may parang aircon or sa malamig or maginhawang lugar Pero wala tayong masyadong ma-experience at maghihintay lang tayo doon hanggang dumating ang paghuzga ng Panginoon sa year 3000 Tapos sakalan din tayo malilipat sa lugar na karapat-dapat para sa atin pagkatapos ng huzga At kung mabuti nga tayo ay mapupunta tayo sa langit At meron din ibang experience doon pero wala din katawan katulad ng mga engkanto na meron talagang katawan katulad natin at makakaranas nga ng mga iba't ibang bagay Tapos wala na rin kasarian pagdating sa langit Tapos kung masama naman ay matatapon doon sa talagang impierno Gaya lang sabi ko sa inyo ang langit ay hindi pa nagbukas kaya maghihintay pa ang mga tao na magbukas ito Bago makapasok yung mga tao doon sa mismong main area ng langit ay ganun din sa impierno Meron mala impierno o medyo impierno na rin na lugar na pwedeng mapuntahan ang mga masasamang tao Bago magbukas yung totoong impierno talaga Pero kapag maghuzgahan ay mabubuksan na talaga kung ano yung totoong impierno at doon mapapasok ang mga tao na karapat-dapat para doon sa impierno na yun Ang pinaka main difference kapag hindi tayo nagmisyon ay parang spirito lang tayo sa ibang mundo Ang pinaka basic sa pagmimisyon natin ay ang pag iwas sa tatlong bawal Ito yung pagpatay, paglande at pagnakaw Ang tatlo kasi nagawain yan ay mortal na kasalanan Kaya kailangan talaga natin na iwasan Ang pagpatay sa tao ang ibig kong sabihin Pwede na lang kapag self-defense or nagalit ang isang tao sa asawa niya na kasado siya ha Tapos napatay niya yung asawa o hindi kaya yung kabit ng asawa ay pwedeng may excuse yun Pero kapag nagpatay lang ang tao para sa ganansya yan ang mabigat na mortal na kasalanan Ang paglande ay bawal lalo na kapag may asawa ang nanglande or nilande Pero mauunawaan nga ang mga tao kung halimbawa ay nanglande ang asawa ay naglande din yung isa dahil wala na yung asawa sa kanila at hindi naging tapat kaya naghanap na lang din sila ng iba Parehong may kasalanan ang parehong mag-asawa Ang pagnanakaw naman ay masama kapag ginagawa ito para sa sariling ganansya lang Pero mauunawaan yan kapag talagang desperado ang tao na wala na siyang ibang choice Pero kadalasa naman ay may choice pa rin ang mga tao at nagiging tamad na lang ang mga tao sa kanilang pagnanakaw Kung kaya nang magtrabaho or gawin ang pagkuhan ng kabuhayan sa isang tapat na paraan ay dapat yun ang gawin kaysa gawin ang pagnanakaw na yan Mas pinag-usapan ko pa ang mga bagay na ito sa Landas ng Kabanalan so sana ay mag-refer na lang kayo doon sa libro na yon kung gusto nyo nang mas maraming detalye Ang ginagawa natin sa pagmimisyon ay ang pag-iipon ng mga puntos o enerhiya o ang pangkalahatan na tinatawag nating mabuting karma Kapag gumagawa kasi tayo ng mga kasalanan ay nababawasan tayo ng mga points o enerhiya or nadadagdagan tayo kumbaga ng negatibong karma or bad karma So yun yung masama na nangyayari sa ating spiritual na karagayan dahil sa mga ginagawa nating kasalanan Habang mas tumataas ang naaabot natin sa misyon ay mas tumataas din ang naaabot nating mga kagandahan, kayamanan, at kapangyarihan natatanggapin natin pagdating natin sa kabilang mundo Pag-uusapan natin dito kung paano nga ba magmisyon ang pinakasimple lang na pagsabi nito mga kapatid ay magpakabanal tayo Para sa mas detalyadong pagpaliwanag sa lahat ng mga alituntunin ng kabanalan ay basahin nyo po ang Landas ng Kabanalan I-download nyo po ang PDF ng Landas ng Kabanalan at basahin nito mula, simula, hanggang sa katapusan Gayon paman, ibabahagi ko po ang pinakabasic na mga bagay tungkol sa Landas ng Kabanalan o sa pagmimisyon dito sa baba Mayroon din tayong pwedeng gawin ng mga karagdagang misyon para maging mas maayos o mas mataas ang ating points or enerhya Kabilang na din dito ay ang panggagamot, pagtuturo ng spiritual ang mismong pagpapamisyon katulad ng ginagawa ko o di kaya ay nakahila ka ng ibang tao din para magmisyon Kumbaga, naghila ka ng mga tao para maging banal katulad mo Tapos nandyan din yung pagtulong sa material sa kapwa nating tao sa pagkain, sa damit, sa tirahan, sa trabaho, sa medesina o pagsagipbuhay at iba pang mga pamamaraan Bukod pa rito ay pwede kang manumpa or sumpaan mo yung mga bisyo para hindi mo nagagawin kahit kailanpaman Halimbawa nga yung pagyusi, pagdroga, pagalak pagpunta sa mga kahalayan o di kaya pagpunta sa mga nightclub o pagpapanood ng mga mahalay na palabas Yan ang mga karagdagan na optional na misyon na pwede mong gawin para ikaw ay mas lalong umangat sa iyong pagmimisyon Pero kung tutuusin ay natural naman na mangyayari ito kapag talagang nagseryoso ka kasi madali kang matitintal or maakit sa tentasyon kapag ginagawa mo pa rin ang mga bisyo na ito May bayad ba ang misyon? Mga kapatid, walang bayad na pera ang pagmimisyon Ang bayad dito ay ang pawis, luha at dugo sa pagsikap mo sa landas ng kabanalan sa misyon Pero ang maisasabi ko ay para nga makapunta sa koronasyon mo na nandito nga sa Sikihor ay kailangan sana makaipon ka para sa iyong pamasahe para makapunta dito sa koronasyon kung kaya kailangan sana ay magipon kayo para dyan sa event na yan Kailangan sana ng pera para nga sa pamasahe at para sa pagkain na sapat para sa isang linggo Pwedeng magdala ng duyan para magduyan dito sa resort ko sa may baba, sa may trellis banda At dapat sana makapagpatahi kayo ng sutana na puti na may karampatang sash Kung meron kayong pera at makaipon kayo ay sana na makabili kayo ng sutana mula sa amin na kami na ang bahala pati dun sa pagtatahi ng sash ayon sa kulay nyo bilang engkanto Magmessage na lang kayo sa akin para sa mga detaly kung gusto nyo talagang pag-usapan yan at interesado kayong gawin yan para sa inyong misyon pagdating ng panahon na umabot kayo sa koronasyon Ano nga ba ang mangyayari sa ating misyon? Darating ang mga karma sa ating mga buhay ko Kung ano yung itinanim natin dati ay aanihin na natin Ito yung tinatawag nga na pagburn o pagsunog ng karma na haharapin natin ang lahat ng kailangan nating harapin dahil dun sa mga ginawa nating bagay sa nakaraan para tayo ay matuto na at mapagbayaran natin ang lahat ng kailangan nating pagbayaran habang nandito pa tayo sa mundo ng tao Mas dadami pa ang pagsubok natin sa araw-araw para tayo ay maging malinis pagdating ng panahon para sa pagharap ng mga pagsubok na yan kasama ang ating Panginoon ay magtatagumpay na tayo sa ating mga misyon Mahirap ang mga pagsubok kaya nga ay lalo dapat tayong kumapit sa Panginoon para tayo ay magtagumpay Dahan-dahan din ay makikilala natin ang ating mga sarili sa kung sino nga ba tayo sa kabilang mundo sa pamamagitan ng meditation at ng panaginip at pati na rin yung mga spontaneous visions na bigla mo na lang naalala malalaman mo kung sino ka kung ano yung mga dahilan kung bakit binagsaka dito at malalaman mo din kung ano ang kailangan mong pagdusahan para ikaw ay makalaya na mula sa mga epekto mula sa mga kasalanan mo sa nakaraan at sa pagtatagumpay dito ay makakauwi ka na ng matiwasay sa kaharian mo Paano nga ba mag-register sa misyon? Ito ay simple magbibigay ka lang ng full name mo so yung first name, middle name, last name tapos ibibigay mo yung buong birth date mo kasama yung year ipadalan nyo lang sa email ko or di kaya sa public facebook page messenger ko. May tinatawag na screening period na ilang buwan na sisiya sa atin muna ng mga engkanto sa kabilang mundo kung karapat dapat ka ba tanggapin sa pag mimisyon, kung handa ka na ba at kung bubukas talaga yung lagusan para sa pagmimisyon mo Babalikan ka na lang namin kung pasado ka na doon sa screening period at magsisimula ka na sa misyon mo Ang pagsubok ng Perlas ay ang kasama doon sa unang bahagi ng pagmimisyon at dito masusubukan ang tao na magpalabas ng Perlas ng kapangyarihan para sa sarili niya sa pamamagitan nga ng mga meditation na tinuturo namin. Ito ay magiging patunay na sincero ang tao sa kanyang pagmimisyon At yan ang unang pagsubok dito sa pagmimisyon Ang pagkukunan kasi ay ang power ng tao na magmemeditate na misyonaryo para malaman natin kung gaano kasinsero ang tao sa kanyang pagmimisyon. Ang kabuoan ng misyon ay may termino ng 13 years o 13 taon 13 taon. Pagkatapos ng 13 taon ay tapos na ang panahon ng tao sa pagmimisyon At doon nahuhusgahan ang performance ng tao sa kanyang pagmimisyon sa lahat ng mga taon na nagmisyon siya. Ang mismong panahon ng pagmimisyon ay 12 years. Tapos yung natitira na 1 year dun sa tinatawag nating 13 years ng pagmimisyon ay ang pagsasarado sa lahat ng nabuksan para doon sa pagbibilang. Maaaring matapos ang tao sa pagmimisyon bago matapos nga yung 12 years o 13 years na yun At mas mabuti nga yun dahil nga ay nakakuha siya ng mataas na puntos dahil sa sinsero niyang pagsisikap na hindi niya na kailangan patagalin pa ang termino ng kanyang misyon. Magagawa itong mas maikling pagmimisyon na ito depende sa kung sino ang mga kamag-anak niya na tumutulong din sa pagmimisyon niya at kung wala siyang bagsak. Ang pinakamagandang gawin lang natin ay pagsikapan lang natin ang pinaka the best natin tapos hope for the best nalang tayo sa kung ano ang maibibigay sa atin sa pagmimisyon kung kailan din tayo matatapos. Mayroon ibat-ibang mga ritual o seremonyas na haharapin ang isang misyonaryo depende sa kanyang pagtatagumpay. Maaaring gawin ito ng literal o physical na talagang nandito ang misyonaryo pero kung hindi posible yun ay pwede naman din mangyari ito sa pamamagitan ng panaginip. Ang panaginip ay ang karanasan nga natin sa kabilang mundo na naaalala natin pagbalik natin dito pagising natin dito sa mundo ng tao Mayroong bautismo koronasyon, pagkabusilak at iba pang mga ritual na pwedeng maabot ng isang misyonaryo depende nga sa kung ano ang pagsisikap niya sa misyon. Importante ay itodo lang natin ang ating pagsikap at iwasan ang lahat ng mga kasamaan sa ating pagsikap sa kabutihan para maabot ang kabuoan na tinatawag nating kabanalan Congrats sa pagtatapos ng course na ito kapatid, alam mo na kung ano ang misyon, at least yung pinakabasic ng misyon, at makakapagdesisyon ka na kung gusto mo na talaga magmisyon. Sana kapatid ay maibahagi mo ang course na ito sa mga kaibigan mo na interesado din sa ganitong mga bagay at baka interesado sila sa pagmi-misyon na siseryosoy na talaga ang kabanalan. Kapatid, hindi lang basta-basta ang pagdesisyon na magmisyon dahil nga ay wala nang bawian to. Handa ka na bang iwanan ang lahat ng mga kasamaan at kamunduhan hanggang sa kamatayan? Kung ang sagot mo ay hindi ay magmeditate at magdasal ka muna at baka magpahinog ka muna ng ilang taon na pag-isipan mo nang mabuti kung ano nga ba ang purpose ng buhay mo. Kung ang sagot mo naman sa tanong ko kanina na handa ka na ba iwanan ang lahat ng kasamaan at harapin ang habang buhay na kabanalan e di magmisyon ka, kapatid. Isa lang itong imbitasyon para sa lahat ng mga tao. Habang nandito po ako sa mundo ay magpapamisyon ako. At kahit na wala na ang katawan at spirito kong ito dito sa mundo ng tao, ay meron pa rin mga magpapamisyon sa sunod na panahon maaaring meron ding katawan na lalabas o hindi kaya ay magtuturo lang sa spirito malalaman nyo sa panaginip o di kaya sa meditation. Sana ay makapag-desisyon kayo magmisyon pagdating ng panahon na talagang tinatawag na kayo. Maraming salamat po mga kapatid at God bless!