Ganito po gamitin ang magic oil. Sakop na ng instructions na ito ang iba’t ibang klase ng magic oil:
- Anti-Kulam
- Anti-Barang
- Anti-Lason
- Anti-Aswang
- Healing Magic Oil
- Kontra sa Sumpa
Pwede inumin kasama ang maligamgam na tubig o diretso lang na pure oil. Ihalo ang isang kutsara sa maligamgam na tubig o inumin ang kutsara diretso.
3 to 5x a day pwede gawin hanggang mawala ang sakit. Maganda gawin ang maligamgam na tubig na may oil sa pagkagising sa umaga na wala pang kain.
Pwede rin ihaplas sa katawan sa apektadong lugar.
Wag lang ilagay loob ng ilong, mata, tenga at iba pang butas sa katawan.
Wag palakaran at ilagay sa altar kapag hindi ginagamit. Pwedeng dasalan ng extra kada inom para mas lumakas pa ang healing power bukod pa sa nilagay na naming pinakamalakas na orasyon.
Kung maliit na bote na may kahoy ang mayroon kayo, 3 refill yan ng coconut oil o olive oil pero mag-iwan ka ng kaunting oil at wag ubusin kada refill.
