Ito ang PDF version ng libro:
Ito ang audiobook version ng libro:
Para i-download ang audiobook .mp3 file, click mo ang link sa ibaba:
https://media.rss.com/ericroxas/2023_11_05_09_16_37_30fd6172-bab5-4905-bb4b-cd1dc581a691.mp3
Lalabas ang player. Click mo ang 3 dots at press download. Enjoy.
Ito naman ang HTML file:
Page of 1 68 ericroxas.com 2023
Table of Contents
CH1: Intro Tungkol sa Kabanalan
3
CH2: 10 Utos ng Diyos
7
CH3: Iba pang pinagbawal
17
CH4: 2 Dakilang Utos ng Diyos
18
CH5: 3 Mortal na Kasalanan
20
CH6: Pag-Ermitanyo
28
CH7: Immortal na Kasalanan
31
CH8: Pagtimbang sa Kasalanan
34
CH9: 7 Deadly Sins (Nakamamatay na Kasalanan)
35
CH10: 3 Habilin ng Panginoon
51
CH11: Simpleng Pagkakasabi
54
CH12: Wastong Pamumuhay
55
CH13: Sarili kong buhay
62
CH14: Huling Salita
66
Page of 2 68 ericroxas.com 2023
CH1: Intro Tungkol sa
Kabanalan
Ano ang Kabanalan?
Ang Kabanalan ay ang kabuuan ng kabutihan sa isip, salita at
gawa dahil sa pagsunod sa kalooban ng Panginoon. Ang banal na
tao ay tinatawag na santo. Sa pagsisikap natin na sundin ang
kalooban ng ating Panginoon, tayo ay nagiging banal na tao – tayo
ay nagiging Santo.
Ano ang Landas ng Kabanalan?
Ang Landas ng Kabanalan ay ang paraan para tayo ay maging
banal na tao. Ito ay pareho lang sa lahat ng panahon ng mundo.
Hindi importante kung ano relihiyon mo. Hindi rin importante kung
ano ang pagtawag mo sa pangalan ng Diyos Ama nating lahat.
Kahit ano ang pagkakilalang imahe mo sa kanya, isa pa rin ang
kalooban niya na kailangan nating sundin. Ang kalooban ng Diyos
ay magtahak tayo sa Landas ng Kabanalan para maging katulad
niya.
Tayong lahat na tao ay ginawa sa imahe at kawangis ng
Panginoon. Ibig sabihin nito ay tayo ay may parehong porma sa
Panginoon. May mukha, nakatayo ang katawan, may 10 daliri sa
mga kamay, may 10 daliri sa mga paa, may ari, may pwet at iba
pang makikita natin sa ating katawan bilang tao. Mayroon din
tayong sariling pag-iisip, puso, lamang loob, dugo, laway. Huli sa
lahat at pinakaimportante, mayroon tayong spirito.
Dahil tayo ay nilikha sa imahe at kawangis ng Diyos, malaki ang
inaasahan ng Diyos sa atin. Ang Diyos ay hindi umaasa na ang
mga hayop ay tumahak sa Landas ng Kabanalan dahil hindi naman
sila ginawa ng Panginoon sa kanyang kawangis at imahe. Tayong
mga tao ang inaasahan na maging banal katulad ng Panginoon
dahil ito ang pamamaraan para tayo ay makaabot sa Kanya.
Kailangan nating sundin ang kalooban ng Panginoon para tayo ay
Page of 3 68 ericroxas.com 2023
maligtas mula sa epekto ng kasalanan ng mga ninuno nating tao sa
una at para tayo ay makaabot sa Kaharian ng Diyos.
Kung kaya’t nagtuturo ako ngayon sa kung ano nga ba ang
kailangan nating gawin at iwasan para tayo ay magtagumpay sa
ating purpose bilang tao na tinakda ng Panginoon. Kaya ako
nagsulat nitong libro para linawin ano nga ba ang Landas ng
Kabanalan.
Ang pagsunod ng Landas ng Kabanalan ay ang paghanda ng
magandang kinabukasan para sa sarili mo sa kabilang mundo
pagdating sa kamatayan mo. Ito ay lalo na kung magmisyon ka
kasi magiging official ang pag-rehistro mo bilang isang misyonaryo
na nagsisikap para sa magandang kinabukasan sa kabilang
mundo.
Ano ang Kasalanan?
Ang kasalanan ay ang paggawa ng mga masama o mali ayon sa
ano ang Sinabi ng Panginoon at ito ang nakakahina at nakakadumi
sa ating spirito. Kumbaga, ang bawat kasalanan na ginagawa natin
sa buhay natin ay parang butas sa ating spirito at tatagas mula dito
ang ating lakas at buhay.
May orihinal na kasalanan na ginawa ang ating mga ninuno dahil
hindi sila tumupad sa ano ang sinabi ng Panginoong batas.
Nangyari ito sa mga ninuno natin sa mundo ng engkanto at tao.
Ang kasalanan ay nagdudulot ng iba’t ibang masasamang epekto
ng kamatayan, katandaan, kahirapan at kapangitan. Ang ating mga
kasalanan sa mga mundong pinanggalingan natin ang nagdulot sa
ating pagtapon dito sa mundo ng tao para tayo ay magdusa sa
masasamang epekto ng kasalanan para makabayad sa ating mga
kasalanan.
Kung ang isang tao ay hindi nakabayad sa kanyang kasalanan
habang narito pa siya sa mundo ng tao, kailangan pa rin niya
bumalik sa pagdurusa dito sa mundo ng tao para makabayad sa
kanyang kasalanan.
Page of 4 68 ericroxas.com 2023
Ano ang Karma?
Ang karma ay ang batas ng buhay na nagsasaad na:
Kung ano ang itinanim, yan ang aanihin.
Ang karma ay hindi masama o mabuti. Ibig sabihin lang nito ay
aanihin mo kung anuman ang isip, salita at gawa na ginanap mo sa
buhay mo. Kung nagtanim tayo ng mabuti, mabuti din ang ating
aanihin. Kung masama ang ating itanim, masama din ang ating
aanihin.
Ganoon lang kasimple. Para tayong mga magsasaka sa spiritual.
Ang mga iniisip, sinasalita at ginagawa natin ay mga pagtanim ng
mga buto, pagpalago at pagpabunga ayon sa kung ano ang mga
tinatanim natin.
Pwede rin nating ilagay ang batas sa ganitong mga salita:
Kung ano ang iyong gawin, yan ay gagawin sa yo.
Ito ang basehan ng mga sinasabi ng tao na Golden Rule:
Gawin sa iba kung ano ang gusto mong gawin sa yo.
Ano ang Reincarnation?
Ang reincarnation ay ang doktrina na tayo ay nabubuhay ng paulit-
ulit sa iba ibang buhay dito sa mundo ng tao. Kadalasan ang
narinig ng mga tao tungkol sa reincarnation ay walang hanggan ito
hanggang maabot ng tao ang tinatawag na Nirvana. Ito ay
konseptong kilala sa katuruan ng Budhismo.
Sa kabilang banda, may mga taong nagsasabi na hindi totoo ang
reincarnation at isa lang talaga ang buhay natin bago tayo
husgahan ng Panginoong Diyos saan tayo ilalagay sa walang
hanggan.
Page of 5 68 ericroxas.com 2023
Ang masasabi ko rito ay may katotohanan sa parehong
pananaw pero may kailangang linawin.
Ang natutunan ko sa pagmisyon ko ay totoo ang reincarnation na
nabubuhay tayo paulit-ulit para magbayad sa ating mga kasalanan
pero hindi walang hanggan ang dami ng ating buhay na pwede
nating gamitin para mag-reincarnate. Mayroong limit ang mga
reincarnation natin at pagkatapos ay huhusgahan na tayo para
ilagay sa lugar na karapatdapat sa atin ayon sa karmang naipon
natin sa lahat ng mga buhay natin.
Totoo ang reincarnation. Totoo din ang husgahan.
Tungkol naman sa Nirvana na kaligayahan na walang hanggan,
hindi ito automatic na makukuha. Kailangan ay habang may
panahon ka pa dito sa mundo ng tao ay pagbutihan mo para
makaabot ka doon sa walang hanggang kaligyahan na yun kasi
kung patuloy ka pa rin sa kasalanan ay mapunta ka sa walang
hanggang pagdurusa sa Impyerno.
So maglagay tayo ng isang halimbawa:
Ang isang tao ay may limit ng 99 na buhay. Sa karamihan ng mga
buhay niya ay naggawa siya ng mabuti at sa ilang buhay niya ay
nakagawa ng medyo masasamang bagay. Pagkatapos ng 99 lives
niya ay titimbangin ang karma niya kung mas mabigat ba ang
mabuti o masama. Ayon sa kabutihan o kasamaan niya, yan ang
basehan sa kung saan siya ilalagay sa walang hanggang buhay.
Kung ang balanse ay mas mabigat ang mabuti, ede congrats sa
kanya dahil mapunta siya sa magandang walang hanggang
kinabukasan.
Ano ang Misyon?
Ang misyon ay ang official na pagrehistro bilang misyonaryo sa
Landas ng Kabanalan para makaipon ng enerhiya at puntos para
sa magandang kinabukasan. Kumbaga, ito ay ang seryosohan ng
pagtakda ng sariling buhay para tahakin ang Landas ng Kabanalan
habambuhay.
Page of 6 68 ericroxas.com 2023
Pagdating din ng punto na lampas na sa screening period at lalo
na kung makoronahan na, hindi na pwedeng bawiin ang desisyon
na magmisyon. Kung umatras pa sa pagmisyon, mas malaki na
ang parusa kesa kapag hindi nagmisyon ang tao dahil mas alam na
niya ang katotohanan.
Pwede rin magtahak ang tao sa Landas ng Kabanalan na hindi
nagmimisyon pero hindi masisimot ng tao ang benepisyo sa
pagiging banal na tao kung hindi sila magmisyon. Kailangan talaga
ang pagdesisyon sa misyon na habambuhay.
Kung gusto mo talagang makuha ang pinakamataas na
pwedeng makuha mo, dapat magmisyon ka bilang official na
misyonaryo at seryosohin ang Landas ng Kabanalan.
Kailangan magmisyon ang tao para mayroon silang titirahang
kaharian sa mundo ng engkanto habang hindi pa dumarating ang
paghusga ng Panginoon. Galing tayo sa mundo ng engkanto kaya
kailangan natin bumalik doon bago tayo pumunta sa Langit na
huling hantungan at tahanan natin.
Para sa mas detalyadong kasaysayan ng sino tayo, ano ang
purpose ng buhay natin at bakit tayo narito, basahin mo ang
Kaliwanagan ng Katotohanan: Kasaysayan ng Mundo na isa ko
pang libro (na tapos ko na ngayon).
Sa librong ito na Landas ng Kabanalan, ipapaliwanag ko ang mga
praktikal na pamamaraan para tayo ay maging banal na tao o
Santo.
Para malaman mo ang mga detalye sa pagmimisyon, basahin mo
ang Gabay sa Pag-misyon:
www.ericroxas.com/misyon
CH2: 10 Utos ng Diyos
Dito natin tatalakayin ang Sampung Utos ng Diyos na hango sa
Lumang Tipan ng Bibliya:
Page of 7 68 ericroxas.com 2023
1. Ibigin mo ang Diyos nang lalo at higit sa lahat.
2. Huwag kang sasamba sa mga diyos-diyosan.
3. Ipangilin mo ang araw ng Sabbath.
4. Galangin mo ang iyong ama at ina.
5. Huwag kang papatay.
6. Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa.
7. Huwag kang magnakaw.
8. Huwag kang magbibintang ng walang basehan at huwag kang
magsisinungaling.
9. Huwag kang magnanasa sa hindi mo pag-aari.
10. Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa.
Bakit natin tatalakayin ito?
Kasi ang mabuti at masama ay hindi pa rin naman nagbago.
Pareho pa rin sila. Ganoon pa din ang tama at maling gawin mula
sa una pang panahon. Sa modernong panahon, umiba lang ang
mga pamamaraan na pwedeng gawin ang mga kabutihan o
kasamaan, pero ganoon pa rin ang mga kabutihan at kasamaan.
Magandang giya pa rin ang 10 Utos ng Diyos sa ngayong panahon
at kailangan lang linawin para sa mga modernong tao ano nga ba
ang ibig sabihin ng mga utos na ito.
Ito lang ang ginawa kong basehan kasi common din naman ang
moralidad sa lahat ng relihiyon. Pwede ka ring bumase sa ibang
relihiyon basta ay pare-pareho lang ang pinapagawang code of
conduct o paraan ng wastong pamumuhay. Pareho lang naman
ang mabuti at masama sa lahat ng tao na alam natin sa ating mga
puso.
1. Ibigin mo ang Diyos nang lalo at higit sa lahat.
Ang pag-ibig sa Diyos ay ang pagpokus ng ating buhay sa Kanya.
Gusto natin siyang pasayahin dahil siya ang pinakauna natin sa
buhay. Higit pa sa pamilya, mga kaibigan o bayan – dapat ang
Diyos ang unahin.
Page of 8 68 ericroxas.com 2023
Kung inuna natin ang Diyos higit sa lahat, lahat din naman ng
aspeto ng buhay natin ay magiging maayos dahil ang Diyos ang
maggabay sa atin sa tamang paraan sa buhay. Ang iisipin at
ihuhusga ng Diyos sa atin ang dapat lang nating alalahanin, hindi
ang pag-iisip o paghuhusga ng mga tao, engkanto, anghel o iba
pang nilalang.
2. Huwag kang sasamba sa mga diyos-diyosan.
Ang pagsamba ay dapat lang gawin sa Panginoon. Wala ng iba.
Ang kailangan lang linawin dito ay ang pinakatinumbok ng Diyos na
hindi dapat gawin ay ang pagsamba ng rebulto ng hayop na
nagdudulot ng asal-hayop. Ang ginawa kasi ng mga Israelita dati
ay naggawa sila ng gintong toro at mag-aalay sana sila ng isang
birheng babae na tao sa torong ito. Sisipingin nila tapos papatayin
para ipaagas ang dugo sa gintong toro. Yan ang pinakatinumbok
ng Diyos sa ganitong Utos.
Hindi naman lahat ng rebulto ay masama. Ang ark of the covenant
ay rebulto ng dalawang anghel na gawa sa ginto. Mayroon ding
ipinagawa na rebulto ang Diyos na bronzeng ahas para ang mga
Israelitang matuklaw ng ahas ay pwedeng tumingin sa rebulto para
sila ay hindi mamatay. Sa parehong paraan, hindi rin masama ang
paggawa ng mga rebulto ng santos sa mundo ng tao. Hindi naman
sinasamba ang mga santos bilang Diyos kundi nagrerespeto lang
ang mga deboto sa kanila bilang tapat na lingkod ng Diyos at
humihingi ng tulong sa pagdasal sa Diyos kasi mas malapit na sila
sa Diyos kesa sa mga tao sa mundo. Kung ang rebulto ay gumamit
sa imahe ng Diyos para sambahin ng tao, importante lang
alalahanin na ang Diyos ay ang sinasamba natin na
nirerepresentahan ng rebulto.
Maaaring pumasok ang spirito ng Diyos sa mga rebultong yun na
gawa sa imahe ng Diyos kaya dapat silang respetuhin. Ang mga
taong magdisrespeto sa mga imahe na pinasukan na ng Banal na
Spirito ay magkakasakit. Kahit nga ang mga ostiya na
nablessingan na ay makakabigay na ng Sakit. Ang pagrespeto sa
pangalan ng Diyos ay nangangahulugan na dapat respetuhin natin
Page of 9 68 ericroxas.com 2023
ang mga binasbasan ng rebulto o mga bagay sa kanyang
pangalan.
Gayunpaman, may ilang mga tao na buhay pa at namuhay bilang
Santos. Pumasok na ang Banal na Spirito sa kanila at
nagsakatawan na sila ng kabanalan sa kanilang buhay. Kung
nagsamba ang mga tao sa Diyos at nakita ang santo na isang
instrumento ng Diyos na nagtulong sa mga tao na maging mabuti
sa mundo ng tao, hindi masama ito. Kasi nakatulong ito sa kanila
na maging mas mabuti at inisip nga nila ang paglapit sa Diyos,
hindi sa kasalanan ng kamunduhan.
Ang isa ring kailangang linawin ay hindi ibig sabihin na sinasamba
natin ang mga engkanto kapag nag-aalay tayo sa kanila. Para lang
itong paghanda ng mga pagkain para ang mga importante at
makapangyarihang panauhin ay makakain. Parang nag-imbita ka
ng mayaman o makapangyarihang tao sa business o pulitika. Ang
mga engkanto, lalo na ang mga puting engkanto, ay mga kasama
natin na may mga responsibilidad at kapangyarihan sa mundo ng
tao kaya kailangan natin makiayon sa batas katulad ng pakikiayon
natin sa batas ng gobyerno.
Nagiging masama lang ang pag-alay sa mga engkanto kung
gagawa ka ng masama at hihingi ka ng tulong o kapangyarihan sa
itim na engkanto para magawa mo ang kasamaan. Sinamba mo na
ang diyos-diyosan sa ganyang paraan dahil mas sinunod mo ang
utos ng kasamaan na hindi na ayon sa kalooban ng Diyos at
gumawa ka na ng kagustuhan ng itim na engkanto na sinamba mo
na siya.
Isang halimbawa na gusto ko linawin rito ay ang pag-alay para sa
isang lupa para hindi pakialaman ng mga engkanto. Sa totoo lang,
mas nauna ang mga engkanto kesa sa atin at mas mataas ang
pwesto nila sa antas ng buhay kesa sa atin. Isa pa, ang mga tao
rito ngayon ay mga engkanto dating nagkasala kaya nga nabagsak
tayo rito bilang mga tao. Kung kaya’t kailangan nating respetuhin
ang mga engkanto dahil sila ang mas may karapatan kesa sa atin
sa mga lupa. Kailangan natin magbayad at makiayon sa batas ng
buhay na galing din sa Diyos pero hindi lang alam ng tao.
Page of 10 68 ericroxas.com 2023
Tapos isa pang kailangang linawin ay ang pag-alay sa mga ninuno
natin. Hindi ito kasama sa pagsamba sa mga diyos-diyosan dahil
kailangan ng mga ninuno natin ng pagkain kasama na ang liwanag,
usok at dasal. Kaya nga nagkakaroon ng problema ang mga
pamilya dahil hindi sila nakakapagbigay ng saktong pagrespeto sa
mga ninuno nila. Kawawa tuloy ang mga namatay at ang naiiwan
na buhay pa kasi magdudulot ito ng pagdurusa sa buong pamilya
kung walang saktong pag-alay para sa mga namatay na.
3. Ipangilin mo ang araw ng Sabbath.
Ang araw ng Sabbath ay nagiging Sabado o Linggo depende sa
ano ang interpretasyon ng mga tao. Ang importante lang ay
mayroong isang araw na mas nakatakda para tandaan natin ang
Diyos. Kailangan ay mayroon tayong araw na hindi lang
makamundo ang ating isipan kundi nakapokus tayo sa spiritual.
Sa isang araw ng Sabbath ay sinusuri natin ang ating buhay kung
naaayon ba ito sa kalooban ng Panginoon o hindi. Nag-aaral tayo
sa mabuting mga payo ng Panginoon para matandaan natin at
tinitingan natin ang ating sariling buhay kung ano ang mga kulang
natin para mapunuan natin.
Sa pagka-busy natin, maaaring nakakalimutan natin ang mga
tagubilin ng Panginoon at ang pagsisikap natin para sa buhay na
walang hanggan kung kaya’t ang pagsantabi ng isang araw na
Sabbath ay ang utos ng Panginoon para mayroon tayong panahon
na alalahanin Siya at ang kanyang mga gustong para sa atin.
4. Galangin mo ang iyong ama at ina.
Tayong mga tao ay lahat nabubuhay sa mundo dahil mayroon
tayong mga magulang. Pwera na lang si Adan at Eba na nilikha ng
Diyos kaya wala silang magulang na tao, ang lahat ng tao rito sa
mundo ay mayroong magulang na tao. Kung kaya’t kailangan
nating galangin ang ating mga magulang na nagsilang at nagpalaki
sa atin dahil hindi tayo makakaabot sa kung nasaan tayo ngayon
kung wala sila.
Page of 11 68 ericroxas.com 2023
Ang paggalang sa ating mga magulang ay magbibigay sa atin ng
biyaya dito sa mundo. Mahirap maging masaya o matagumpay sa
buhay kung hindi tayo gumalang sa ating mga magulang. Kahit na
mayroong ginawang masama ang mga magulang natin o hindi sila
perpekto, mayroon pa rin tayong paggalang na dapat gawin kasi
magulang pa rin natin sila. Hindi naman ibig sabihin nito na dapat
hayaan nating magpa-abuso tayo sa mga magulang na hindi
maayos. Ibig sabihin lang ay magbigay tayo ng respeto sa kanila
bilang magulang natin.
Ang ama at ina una ay ang ating mga kadugo na kung nasaan
nanggaling ang binhi na nagbuo sa ating mga katawan bilang tao,
pero ama at ina rin ang mga taong nag-alaga sa atin sakaling hindi
naging kadugong ama at ina natin ang nakapag-alaga sa atin.
Halimbawa nito ay ang sa kaso ng mga adopted, abandoned o
orphan na children.
Hindi ibig sabihin na kailangan nating sundin ang lahat ng gusto ng
ating mga magulang. Pag malaki na tayo, may sarili na rin tayong
karapatan para magdesisyon sa ating mga buhay. Ibig sabihin lang
nito ay kailangan nating iwasan na makagawa ng mga bagay na
hindi ikatutuwa ng ating mga magulang kapag nasa piling natin
sila.
5. Huwag kang papatay.
Ang pagpatay na tinutukoy dito ay ang pagpatay ng tao. Kailangan
lang linawin ito na sa abot ng makakaya natin ay di dapat tayo
pumatay pero kung umabot sa mga sitwasyon na mangailangan
pumatay, hindi ito makasalanan.
Halimbawa na rito ay ang pagdepensa sa sarili. Kung may
magnanakaw na pumasok sa bahay at handa silang pumatay para
magnakaw o hindi mahuli, hindi kasalanan kung makapatay ka sa
pumasok sa bahay mo. Kung maaari, maganda sana ay hulihin na
lang ang salarin para ipapasok sa kulungan pero madalas naman
ay hindi nangyayari yan kapag naging bayolente na ang
engkwentro.
Page of 12 68 ericroxas.com 2023
Ang pagpatay para sa sariling ganansya ay ang masama. Sa kaso
ng kriminal na papasok sa isang bahay at handang pumatay para
magnakaw, hindi ito tama. Ito na ang mortal na kasalanan na
kailangan iwasan. Isa pa ay kung ang tao ay papatay ng tao para
kumain ng tao o mag-alay ng tao sa demonyo para sa mga
kapangyarihan. Ito na ang pinakamalaking kasalanan sa pagpatay
na kailangang iwasan kasi pinakamabigat din ang parusa.
Kung halimbawa ay sundalo ang isang tao at ginagawa lang niya
ang trabaho niya para makadepensa sa bayan niya, maaari pang
mapatawad ang pagpatay na ito kung umabot sa panahon na
kailangan niyang pumatay para sa kanyang misyon bilang sundalo.
Gayunpaman, tinitimbang ng Diyos kung talaga bang pumatay ang
sundalo bilang misyon o maaaring pumatay lang siya para sa
sariling ganansya. Kung halimbawa ay nanggahasa ang sundalo
tapos pinatay ang ginahasa o ang pamilya ng ginahasa, yan ang
mabigat na kasalanang pagdurusahan ng sundalo.
Ang pagpatay naman sa asawang pinakasalan pero nangaliwa ay
mapapatawad. Dapat lang ay nasa mismong akto nahuli para
walang sabit sa batas ng tao na mapakulong ang tao pero sa mata
ng Diyos ay mauunawaan ito. Gayunpaman, mas maganda na lang
na mapatawad ang asawa at hiwalayan ito kesa patayin. Mas
mataas ang puntos ng tao sa Langit kung ito ang gagawin ng tao
na nagtaksil ang asawa kesa patayin ang asawa.
Ang pinagbawal na pagpatay ay hindi tumutukoy sa pagpatay ng
mga hayop. Pwedeng patayin ang mga hayop para i-alay at kainin
ng tao. Gayunpaman, hindi naman dapat na pahirapan ang mga
hayop sa mga paraan na hindi na kailangan. Mas maganda ay
hayaan sila na magkaroon ng maganda at maginhawang buhay sa
abot ng kaya ng taong nag-aalaga sa kanila tapos gawin lang
mabilis ang pagkatay sa kanila kung kailangan na.
Isa pang kailangang tandaan ay hindi dapat magpalaglag o
magpa-abort ang isang nanay. Basta nag-abot na ang sperm at
ang egg ng lalake at babae, may buhay na yan. Kahit gaano
katagal ang pregnancy (ilang minuto, ilang linggo o ilang buwan),
masama pa rin gawin ang abortion. Pagpatay na yan sa isang
buhay ng tao. Hindi dapat gawin ito. Kaugnay sa di pagpatay,
dapat ay mag-iwas din sa paglandi para hindi nga umabot sa mga
Page of 13 68 ericroxas.com 2023
panahon na mag-isip mag-abortion dahil hindi handa magkaanak o
hindi naman talaga nagmamahalan ang mga taong nagsiping sa
isa’t isa.
6. Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa.
Ang pakikiapid sa hindi mo asawa ay madaling intindihin. Kung
hindi mo asawa, wag mong pakialaman, landiin o sipingin. Ganoon
lang kasimple. Mas strikto ang batas na ito sa mga taong may
asawa na. Isa man o pareho sa mga taong nakikiapid sa isa’t isa ay
may asawa, masama ito.
Gayunpaman, kahit na ang parehong tao na magsiping ay walang
asawa at hindi kasal, masama pa rin ito kung maglalandi ang mga
ito sa maraming iba’t ibang tao.
Kadalasan sa ngayong modernong panahon ay maraming mga
malalanding bata na nakikipagsiping sa maraming tao habang
binata o dalaga pa sila. Nakakalungkot ito dahil wala ng halaga ang
kalinisan o virginity.
Ang bawat isang tao ay may isang tunay na kabiyak lang at dapat
magsikap lang tayo na mahanap ang isang tunay na kabiyak na ito
para maging kasama na natin habambuhay dito sa mundo ng tao
at walang hanggan sa kabilang mundo.
7. Huwag kang magnakaw.
Wag tayo kukuha ng mga gamit na hindi sa atin. Pera, bagay,
pangalan, karapatan o anupaman na hindi sa atin, wag nating
kunin.
Ang pagnakaw para sa sariling ganansya ay ang kailangang
iwasan. Kung ang isang tao ay magnanakaw para malaki ang kita
niya kahit na may mga makatarungang paraan naman siyang
pwedeng gawin para kumita ng pera, kasalanan ito.
Minsan, dulot ng paghihirap at kakulangan ng ibang oportunidad
ay may mga taong napipilitan magnakaw. Mas mapapatawad pa
Page of 14 68 ericroxas.com 2023
ito lalo na kung talagang walang ibang oportunidad ang tao na
magtrabaho sa makatarungang paraan.
8. Huwag kang magbibintang ng walang basehan at huwag
kang magsisinungaling.
Kailangan mag-ingat tayo sa mga sinasabi natin na hindi tayo
magbitaw ng mga hindi totoo, lalo na ang mga makasakit sa mga
tao. Libel ang aabutin nating kaso dito sa mundo ng tao.
Pati sa mata ng Diyos, hindi mabuti ang pagbibintang na di naman
natin sigurado o mapatunayan. Mas lalo na kung pawang
kasinungalingan lang talaga ito.
Sisingilin tayo sa bawat salitang sabihin natin. Ang taong nasaktan
dahil sa maling pagbibintang ay maaaring makasumpa sa mga
taong nagbintang at makadulot ito ng sakit para sa mga
nagbintang. Ang inaasahan sa atin ng Diyos ay magsabi ng
katotohanan, lalo na kapag importanteng bagay ang pinag-
uusapan at reputasyon na ng ibang tao ang nakasalalay.
Mapapatawad pa ang mga pagsinungaling para proteksyunan ang
buhay ng mga tao, pero kung nagsinungaling para manira, yan ang
huhusgahan bilang masama.
9. Huwag kang magnanasa sa hindi mo pag-aari.
Kung mayroon tayong pag-aari, dapat ito lang ang ating
pagyamanin, pasalamatan at pahalagahan. Kung mayroong pag-
aari ang ibang tao, hindi natin dapat ito pakialaman. Maaaring
gawin nating inspirasyon ang mga kayamanan ng ibang tao para
magsikap tayo na magkaroon para sa sarili natin, pero hindi dapat
inggit ang mamayani sa ating kalooban.
Kung kaya nating maging masaya para sa sarili natin at sa kapwa
nating may-ari ng mga pag-aaring mayroon sila, ok lang yan. Hindi
tayo dapat magkumpara sa paraang mapupuno na tayo ng inggit.
Ang pagnanasa sa hindi nating pag-aari ang nagdudulot ng inggit,
kawalan ng kapayapaan at kawalan ng pagkakuntento sa ating
Page of 15 68 ericroxas.com 2023
mga sariling buhay. Natutulak tayo magnakaw, manira at
magreklamo kapag natental tayo ng pagnanasa sa hindi natin pag-
aari.
Kailangan nating matutunanan ang pagkakuntento sa ating sariling
pag-aari at magpokus sa sarili nating pagpapalago para hindi tayo
madala sa tentasyon ng pagnanasa sa pag-aari ng iba.
Mind your own business nga daw, ika nga. Kailangan pokus tayo
sa sarili nating buhay at kabuhayan para hindi tayo makialam sa
hindi na sa atin.
10. Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa.
Di tayo dapat magnasa sa hindi natin asawa, mayroon man tayong
asawa o wala.
Kung tayo ay wala pang asawa, dapat ay hindi natin pagnasahan
ang mga taong may asawa na. Ang pagnanasa para sa isang tao
ang simula para sa paglandi o pakikiapid sa isang taong yun.
Mas maganda ay magdasal tayo na mabigyan tayo ng asawang
para sa atin na magpapaligaya sa atin ng tunay – makakasundo
natin at makakasama natin sa walang hanggan.
Kung mayroon na tayong asawa, dapat ay pagpokusan natin ang
ating asawa. Hindi tayo dapat magnasa para sa ibang tao, may
asawa man sila o wala.
Ang pagnanasa ay ang pag-iisip tungkol sa ibang tao sa mahalay
na paraan at ito ang nagdudulot ng kasalanan sa salita at sa gawa
na magdudulot na ng mortal na kasalanan ng paglandi o pakikiapid
sa tao na hindi mo asawa.
Ang utos ng Diyos na ito ay nagpapaalala sa atin na ang lahat ng
kasalanan ay nagsisimula sa ating mga isipan. Kung matanggal
natin ang pagnanasa sa mga taong hindi natin asawa, hindi tayo
makakapaglandi sa ating mga salita at hindi natin matutuloy ang
pakikiapid sa gawa.
Page of 16 68 ericroxas.com 2023
CH3: Iba pang pinagbawal
Bakit Pinagbawalan Makipag-usap sa patay?
Kasi ang mga tao sa unang panahon ay napapahamak kapag
ginagawa nila ito mag-isa na walang tulong ng nakakaalam talaga.
Pwedeng mamatay ang tao kapag mahina enerhiya nila sa
pakikipag-usap sa patay. Pwedeng mapasukan sila ng ibang
spirito. Pwede ring pumasok ang ibang spirito sa namatay na tao
at babangon ulit ang namatay na tao. Ito ang tinatawag na
necromancy sa Bibliya.
Ang ginagawa kasing pag-alay sa mga kaluluwa ay ang paraan ng
pakikipag-usap sa patay para matulungan sila magkaroon ng mas
magandang kalagayan sa kabilang mundo. Hindi basta-basta
gawin ito at dapat bigyan ka ng basbas at autorisasyon ng
Panginoon para magawa ito ng hindi masasaktan. Kailangan may
saktong prosesong pagdaanan sa pag-alay sa mga kaluluwa.
Ano ba ang sinasabing bawal na pagdaan sa apoy?
Ito ang mga ritual na nagpapabaga ng mga uling para sayawan ng
mga tao. Tatapakan nila at minsan nga ay kinakain pa nila ang
nagbabagang uling.
Wala naman sanang masama sa mismong ritual na ito, pero ang
kaugnay kasing ritual ng pagdaan sa apoy ay ang pag-alay ng
birheng babae na tao para ipaagos ang dugo sa gintong toro. Ito
ang ginawa sana ng mga Israelita noong umalis si Moises pero sa
awa ng Diyos ay naabutan ni Moises para itigil ang mga ginagawa
nila.
Ano naman po ang pinagbawal na salamangka at
mga engkantador?
Ang tinatawag nilang salamangka ay ang magic o kapangyarihan
na ginagamit ng mga salamangkero o engkantador na mga black
magician kumbaga. Ang kapangyarihan nilang nakuha ay mula sa
Page of 17 68 ericroxas.com 2023
mga itim na engkanto at hindi sila sumusunod sa batas ng
Panginoon.
Kung kaya’t ipinagbawal ito dahil nga hindi naman mabuti ang
ginagawa ng mga engkantador katulad ng kulam, barang, gayuma
sa paglandi at iba pang mga mahika na salungat sa kalooban ng
Panginoon.
Marami pa ring gumagawa ng ganitong pamamaraan hanggang
ngayon at dapat umiwas tayo sa paggawa ng mga pamamaraang
yan. May mga kapangyarihan at mahika na galing sa Panginoon na
ginagamit sa kabutihan at kadalasan tinatawag ang mga ito na
milagro. Ok lang ang mga yan kasi ayon sa kalooban ng Panginoon
ang paggamit sa power.
CH4: 2 Dakilang Utos ng Diyos
Ang lahat ng Utos ng Diyos ay maaaring lahatin sa 2 Utos:
1 Mahalin ang Diyos sa buong pagkatao mo.
Ang ibig sabihin ng pagmamahal sa Diyos sa buong pagkatao
natin ay ang pagpokus sa Panginoon bilang #1 na pinakamahalaga
sa buhay natin. Ibuhos natin ang lahat ng ating katawan, isipan,
puso at spirito sa pagmamahal sa Panginoon.
Ibig sabihin nito ay sundin natin ang kanyang kalooban sa lahat ng
panahon at gamit ang lahat ng mayroon tayo. Kailangan isipin natin
siya araw-araw at paano natin siya pasasayahin. Mapapatunayan
natin ang pagmamahal natin sa Diyos kung sundin natin ang lahat
ng mga utos niya sa atin.
Marami tayong makakasalamuhang tao sa ating buhay pero isa
lang ang Diyos na makakasama natin sa buong buhay natin. Sa
katapusan at kaugatan ng lahat, wala tayong ibang gustong
pasayahin kundi ang Diyos. Kumbaga, siya lang ang pinaka-
audience natin na kailangan nating pagtuunan ng pansin.
Page of 18 68 ericroxas.com 2023
Hindi na natin kailangan magpapansin o di kaya magpasaya sa
mga taong nasa paligid natin. A ng Diyos lang ang dapat
pasayahin natin. Gayunpaman, kung sumunod tayo ng mabuti sa
kalooban ng Diyos, hindi natin maiiwasan na mapapasaya din natin
ang mga tao sa paligid natin.
Hindi lang natin din maiiwasan na may mga taong magagalit at
maiinggit sa atin dahil sa ating mabuti at magaling na paggawa.
Sila ang mga dapat nating hayaan at ipagdasal na lang. Hindi sila
ang kailangan nating pasayahin ayon sa gusto nilang mangyari kasi
hindi ayon sa kalooban ng Diyos ang pag-iisip nila na pagiging
inggitero.
2 Mahalin ang kapwa bilang iyong sarili.
Lahat ng tao ay nakakaalam sa kung ano ang basic ng
pagmamahal.
Alam natin ano ang mga pangangailangan natin bilang tao.
Bagama’t may pagkanatatangi ang bawat tao kung kaya’t may
mga unique na pangangailangan din, mayroon ding mga karaniwan
o common na mga pangangailangan ang lahat ng tao.
Alam natin ano ang makakabuti at makakasama sa ating mga sarili.
May mga kabutihan at kasalanan na malalaman lang natin sa
simpleng pag-obserba sa buhay ng mga tao at makikita ito kahit
ang tao ay galing sa iba’t ibang lugar, lahi o relihiyon.
Alam natin ano ang nakakatulong at nakakasakit.
May pangkaraniwang sentido ang mga tao sa kung ano ang mga
epekto ng mga bagay na ginagawa nila sa kanilang sarili at sa mga
tao sa kanilang paligid – kung pagtulong ba ito o pananakit.
Kung kaya’t ang gabay natin ay ang ano ang gusto nating
pakikitungo sa ating mga sarili. Ganoon lang talaga ka-simple.
Kung may gusto tayong gawin, isipin lang natin kung paano ito
makakaapekto sa ibang tao.
Ito ba ay makakatulong o makakasakit sa sarili ko?
Page of 19 68 ericroxas.com 2023
Ede malamang ay makakatulong o makakasakit ito sa ibang tao sa
kadalasang sitwasyon.
CH5: 3 Mortal na Kasalanan
Ano ang mortal na kasalanan?
Ang mortal na kasalanan ay ang mabigat na kasalanan na mahirap
nang pagsisihan at malaki ang parusa. Ito ang mga kasalanan na
makakaimpyerno na kapag hindi napagsisihan at napagbayaran ng
isang taong nakagawa ng mga kasalanang ito habang buhay pa
siya rito sa mundo ng tao.
Mayroong 3 mortal na kasalanan na kailangang pagbantayan ng
tao na hindi gawin:
• Pagpatay
• Paglandi
• Pagnakaw
Pagpatay
Ang pagkitil ng buhay ay di maganda kahit may wastong dahilan.
Ang masamang pagpatay ay ang paggawa nito para sa sariling
ganansya at hindi makatarungang dahilan.
Halimbawa:
• Pagpatay para magnakaw
• Pagpatay para mawala ang kompetisyon sa negosyo
• Pagpatay para mang-agaw ng asawa
• Pagpatay para sumikat
• Pagpatay para magkaroon ng kapangyarihan
Mayroon namang mga panahon na hindi kasalanan ang pagpatay
kung may karampatang dahilan. Gayunpaman, kahit ang mga
panahon na may karampatang dahilan ang tao para pumatay na
hindi makasalanan ay hindi pa rin dapat ikatuwa.
Page of 20 68 ericroxas.com 2023
Halimbawa:
• Pagpatay dahil sa pagtanggol sa sarili, pamilya o bayan
• Pagpatay ng asawa o nakikiapid sa asawa dahil nakiapid ang
asawa
• Pagpatay dahil ginahasa ka o ang minamahal sa buhay
• Pagpatay dahil pinatay ang walang kasalanan
Ang mga binanggit na halimbawa ay posibleng dahilan sa
makatarungang pagpatay, pero gayunpaman ay posible pa rin ang
pagpasensyahan ang mga ito depende sa ano ang kakayahan ng
tao na magpasensya at depende sa intensyon at kabigat ng
kasalanan.
Pinakamabuti talaga ang matutunan ng tao ang pagpasensya
at mas may puntos siya sa Langit kung magdesisyon na
magpasensya kesa pumatay.
Sa halip na patayin ang mga gusto sanang pumatay sa sarili,
pamilya o bayan, pwedeng ipakulong sila.
Sa halip na patayin ang asawa o nakiapid sa asawa, pwedeng
hiwalayan na lang ang asawa at ipakulong ang mga nagkasala.
Sa halip na patayin ang nanggahasa, pwedeng ipakulong na lang
sa preso.
Sa halip na patayin ang taong nagpatay sa walang kasalanan,
pwede ring ipakulong ito.
Kadalasan nga, mas mahirap pa ang buhay ng taong pinakulong
kesa pinatay lang diretso. Gayunpaman, mabibigyan sila ng
pagkakataon na magsisi sa kanilang mga kasalanan habang buhay
pa sila rito sa mundo ng tao.
Sa maaabot ng ating kaya, mas maganda ay hindi tayo manakit o
pumatay ng mga tao at sikaping ayusin ang lahat ng problema sa
maayos na paraan na walang pagkabayolente. Gayunpaman,
mauunawaan ng Diyos ang mga dahilan kunsakaling may
nangyaring pagpatay na hindi naman sinadya gawin para sa
sariling ganansya at napilitan lang dahil sa mga sitwasyon sa
buhay na protektahan ang sarili.
Page of 21 68 ericroxas.com 2023
Paglandi
Ang paglandi ay ang pakikipagsiping sa maraming tao.
Sa modernong panahon ngayon, hindi na pinapahalagahan ang
kabusilakan o virginity ng mga tao. Kung kaya’t laganap lang ang
pakikipaglandian sa maraming tao. Laganap ang pornograpiya,
prostitution, mahalay na tema sa mga palabas at maling turo
tungkol sa sekswalidad na makamundo lang at walang spiritual na
aral.
Ang dapat sana ay magkaroon lang ng relasyon sa isang tao na
mamahalin habambuhay at gawing sagrado ang pangakong ito sa
pamamagitan ng pagkasal. Masama ang pakikipagsiping sa
maraming tao. Sa kabilang banda, kung isa lang ang kakasamahin
mo at makasiping mo sa buong buhay mo, yan ang tama dahil ang
tunay na pag-ibig ay tapat.
Kung ang magkapares ay seryoso sa isa’t isa para magsama
habambuhay, maaaring ok lang na magsama sila at magsiping
kahit wala silang kasal. Pero nandyan pa rin ang panganib na mag-
iwanan sila dahil nga ay hindi sila kasal lalo kapag wala pa silang
anak.
Mas maganda talaga ang may blessing at pormal na pagtaguyod
ng mag-asawa dahil sa pagkasal. Gayunpaman, may mga mag-
asawang naghihiwalay pa rin kahit na kinasal sila sa husgado at sa
simbahan at hindi ang pagkasal ang magsisigurado na walang
problema ang mag-asawa. Kailangan magsikap ang mag-asawa
para maging maayos ang relasyon nila habambuhay.
Masama ang maglandi kapag wala kang asawa. Masama ang
makipaglandian ka sa walang asawa at mas masama ang
makipaglandian sa mayroon ng asawa.
Mas masama ang paglandi kapag may asawa ka na. Masama
makipaglandian sa ibang tao kahit na wala silang asawa dahil
nga may asawa ka na.
Page of 22 68 ericroxas.com 2023
Pinakamasama na makipaglandian ka sa ibang tao na may
asawa din katulad mo.
Gayunpaman, may mga dahilan din kung bakit nangangaliwa ang
mga tao sa asawa nila:
• Napapabayaan ng asawa
• Nangangaliwa na din ang asawa nila
Kung ganito ang nangyayari, dapat sana ay mapag-usapan ng
mag-asawa ang problema at kung kaya pa rin nila ayusin ito.
Madalas nga ay nangangaliwa din ang mga tao sa asawa nila dahil
napapabayaan sila ng asawa nila.
Kung nagsikap na rin ayusin ng tao na may asawang nangangaliwa
sa kanya ang relasyon pero hindi naman maayos o hindi rin gusto
makipag-ayos ang asawa nila, nagkakaroon sila ng dahilan para
mangaliwa sa asawa nila para matugunan ang kanilang mga
pangangailangan na matutugunan sana ng asawa.
Ang mga pangangailangan ng mag-asawa na nagiging dahilan ng
pangangaliwa para maghanap ng ibang paraan o tao na
matugunan ang mga pangangailangan na ito:
• Pinansyal
• Sekswal
• Emosyonal
• Spiritual
Ang mga sumusunod na pagpaliwanag sa sitwasyon ay ang
pagpalagay na ang trabaho ang dahilan sa paghanap ng iba, pero
maaaring bisyo lang talaga o pangangaliwa din ng asawa ang
dahilan na mangaliwa din ang isa.
Pinansyal:
Ang mga tao ay nangangailangan ng pera. Sa mag-asawa,
kadalasan ay may isang nagtrabaho para sa pera at may isang
nag-alaga sa pamilya at nag-asikaso sa bahay. Kadalasan din, ang
Page of 23 68 ericroxas.com 2023
nagtrabaho para sa pera ay ang lalake at ang nagtrabaho para
alagaan ang pamilya at asikasuhin ang bahay ay ang babae.
Minsan, nangyayari na ang babaeng naiiwan sa bahay ay
napapabayaan ng lalakeng nagtrabaho para sa pera. Hindi
nakakabigay ng sapat ang lalake sa babae. Dahil sa kakulangan ng
panustos sa bahay, napipilitan ang babae na maghanap ng pera.
Paminsan siya ay hindi nakakahanap ng pagkakataon para kumita
ng pera dahil walang trabahong makuha. Nangyayari din minsan na
mayroong ibang lalake na bukod sa asawa na handang mag
suporta sa babae. Ang ibang lalakeng ito ay ang nagiging bagong
kalaguyo ng babaeng naiwan sa bahay dahil siya ang mas
nagbigay ng pinansyal kesa sa asawa na dapat sanang nagbigay
sa kanya ng pera para panustos.
Maganda sana ay mapag-usapan ng mag-asawa ang mga
pangangailangan sa pinansyal para makagawa sila ng paraan na
hindi na kailangan mangaliwa o maghanap ng iba para lang
matugunan ang pangangailangang pinansyal.
Sekswal:
Minsan ang mga mag-asawa ay tumira ng malayo sa isa’t isa dahil
ang isa ay nagtrabaho sa malayo. Halimbawa, ang lalake ay
pupunta sa abroad para siya ay maging OFW. Ang babae ay
naiwan para mag-alaga sa mga bata at mag-asikaso sa bahay.
Dahil nga malayo sila sa isa’t isa, mayroong mas maraming
tentasyon na makipagsiping sa ibang tao para matugunan ang
mga tawag ng laman ng tao. Nariyan ang tentasyon pareho para sa
lalakeng lumarga sa malayo para magtrabaho at sa babaeng
naiwan sa pamilya at bahay.
Maganda sana ay maggawa ng paraan ang mga mag-asawa na
matugunan pa rin ang kanilang mga pangangailangan kahit nasa
malayo sila na hindi kakailanganing mangaliwa o maghanap ng
ibang lalake o babae na makakasama. Maaaring gumawa sila ng
paraan sa pagvideo call nila sa isa’t isa. Kailangan lang din ng
pagtitiis hanggang magkita ulit sila ng personal.
Page of 24 68 ericroxas.com 2023
Emosyonal:
Ang mag-asawa na nagmamahalan ay dapat nag-uusap at
nakikinig sa isa’t isa ng maayos na may respeto at nagpapakatotoo
sa ano ang kanilang mga damdamin, saloobin at kaisipan. Kung
walang ganitong maayos na pakikipag-usap ang mag-asawa, hindi
magdudulot ito ng maayos na relasyon.
Sa masyadong pagtrabaho o paggawa ng mga iba-ibang bagay,
maaaring hindi na nakakapag-usap sa ganitong paraan ang mag-
asawa.
Dahil dito, naghahanap ng ibang kausap ang napapabayaan.
Kadalasan ang babaeng naiwan sa bahay ang naghahanap ng
ibang kausap bukod sa asawa niyang pinabayaan siya na di na
siya nabibigyan ng oras para sa emosyonal na pakikipag-usap.
Maaari din namang mangyari ito sa lalake na hindi napagbibigyan
ng oras ng babae sa emosyonal na pakikipag-usap.
Maganda sana ay mag-usap ang mag-asawa para makagawa sila
ng paraan na magkausap ng maayos bilang mag-asawa at
matugunan ang kanilang mga emosyonal na pangangailangan.
Spiritual:
Pangangailangan din ng mag-asawa ang spiritual na pagtugma.
Ang mag-asawa ay maaaring hindi pareho ang relihiyon, pero
kadalasan ay hindi magiging maayos ang relasyon kung hindi sila
magkasundo sa kanilang mga spiritual na pananaw o paniniwala.
Ang spiritual na pagtugma ng mag-asawa ay kailangan para sila ay
magkasundo at tumagal ang kanilang relasyon.
Mahirap magpatuloy ang relasyon kung nag-aaway ang mag-
asawa sa kung ano ang katotohanang spiritual. Dapat ang
pagtugma nila sa spiritual ay itatag muna bilang pundasyon para
magkasundo sila dahil ang spiritual na pananaw ay ang nagiging
basehan sa kung ano ang tunay na mahalaga para sa mag-asawa,
ang purpose ng kanilang samahan at ano ang purpose ng kanilang
buhay.
Page of 25 68 ericroxas.com 2023
Mas maganda sana ay gawin ang paglinaw sa kung ano ang
spiritual na pananaw ng bawat isa sa magkapares bago magkasal
sila para maging mag-asawa. Kung mag-asawa na ang dalawang
tao, dapat ay patuloy silang magtulungan at mag-usap tungkol sa
kanilang spiritual na pagpapalago.
Minsan, nagkakaroon ng kakulangan sa pagtugon sa
pangangailangang ito kung hindi nga nagkakaunawaan ang
dalawang tao sa spiritual nilang pananaw bago sila nagkasal. Ito
ang nagiging sanhi ng kanilang di pagkakasundo. Dito na
magsimula ang paghanap ng isa o pareho sa magkapares ng ibang
makakapares nila na may spiritual na pananaw na mas tugma sa
kanilang spiritual na pananaw.
Kaya dapat ay magtugma ang spiritual na pananaw ng mag-asawa
at sabay sila sa kanilang paglalago sa spiritual.
Pagnakaw
Ang pagnakaw ay ang pagkuha ng hindi natin ari-arian na walang
paalam o permiso. Ito ang paggamit din ng pandaraya na hindi
naman ayon sa makatarungang paraan. Kung gawin ito para sa
sarili nating ganansya, masama ito.
Ang pagnanakaw para sa bisyo ay ang pinakamasama. Ito ay
lalo na kapag umaabot ka pa sa pagpatay o pananakit ng tao
para makagawa ng pagnanakaw.
Kung ang isang tao ay napilitan na kumuha ng bagay para sa
kanilang pangangailangan dahil walang ibang makatarungang
paraan na makakuha ng pangangailangan na yun, mas
mauunawaan pa yun at mapapatawad. Gayunpaman, maraming
paraan na makakuha ng bagay sa makatarungang paraan bago
umabot pa sa pagnanakaw. Sa maaabot ng ating makakaya, dapat
ay magsikap tayo na gumawa ng paraan na matugunan ang ating
mga pangangailangan na hindi na tayo magnanakaw.
Minsan, may mga taong nagnanakaw mula sa mga taong
nagnanakaw para ibalik lang ang ninakaw nila sa mga taong
ninakawan. Kung tutuusin, hindi yan pagnanakaw dahil kinuha lang
Page of 26 68 ericroxas.com 2023
nila pabalik ang ninakaw sa kanila. Kailangan lang siguraduhin ng
tao na totoo ngang nagnakaw sila sa kanila kunsagayon. Ang iba
ay naggamit ng husgado o korte para kasuhan ang mga taong
nagnanakaw at kung napatunayan na may kasalanan nga sila ay
makukulong o masisingil sila. Mas magandang dumaan sa korte
para sa saktong proseso pero minsan hindi naman nangyayari ng
maayos ang proseso sa korte lalo na kung sangkot din sa
kasalanan ang mga abogado, husgado at korte. Isa pa ay malaki
ang gastos sa mga korte kaya nauubusan ng kayamanan ang mga
tao dahil sa pagkaso na yun. Mas mahirap ito gawin lalo na kapag
mahirap din ang magsampa ng kaso kasi wala siyang pambayad
sa abogado o sa korte.
Kung nakuha ng isang tao ang kanyang kayamanan sa
makatarungang paraan na hindi siya nandaya o nagnakaw,
malaking kasalanan na nakawan ang taong yun. Lalo na kung
banal na tao siya at nagsunod ng mahigpit sa Panginoon, malaking
kasalanan ang pagnakaw sa taong yun.
Walang kasalanan sa pag-ipon ng kayamanan para maging
mayaman ang isang tao, basta ang pamamaraan niya ay ang
makatarungang pagsisikap dito sa mundo ng tao.
Ang paggawa lang ng mga hindi makatarungang pamamaraan
para yumaman ang masama – ito ang pagnanakaw.
Ang pagbigay ng kulang kesa sa pinagkasunduan sa isang
transaksyon ay pandaraya rin. Mas maganda pang may sobra kesa
sa kulang.
Ang pagbigay din ng iba kesa sa pinagkasunduan ay hindi rin
maganda at maaaring isang paraan ng pagnanakaw o pangloloko.
Lahat ng bagay dito sa mundo ng tao ay may katumbas. Wala
naman talagang libre sa mundo. Lahat ay may kapalit na
bagay.
Hindi lang pera ang kapalit sa mga bagay sa mundo kundi pagkain,
bagay, lupa, serbisyo, enerhiya, dasal at iba pa. Ang
Page of 27 68 ericroxas.com 2023
makatarungang paraan ay magbigay ng saktong kapalit para sa
mga bagay na kukunin.
Palagi tayong mayroong maipapalit sa mga kunin natin.
Kahit wala tayong pera, ari-arian o kayamanan, nandyan pa rin ang
ating sarili. Nariyan ang ating buhay na pwede nating gamitin para
magserbisyo, magsikap o magtulong sa paraan na kaya nating
gawin gamit ang ating labor o katawan.
Ang pagnanakaw ay ang hindi pagrespeto sa batas ng enerhiya na
ito. Ang pagnanakaw ay ang sapilitang pagkuha ng isang bagay na
hindi nagbibigay ng kapalit para sa kinuhang bagay.
Ang pagbigay ng libre na maluwag sa loob ng taong nagbigay
ay iba kesa sa pagkuha ng gamit mula sa may-ari na walang
paalam at permiso.
Kung magbigay ng kusa ang isang tao, may enerhiya ng
pasasalamat siyang matatanggap mula sa taong binigyan niya.
May kasiyahan din siyang matatanggap dahil sa mismong akto ng
pagbigay niya na galing sa kanyang puso. Kadalasan, ang taong
binigyan nila ng libre mula sa puso ay nagdarasal para sa nagbigay
sa kanila. Mayroon pa ring kapalit ito.
Kung nagnakaw ang isang tao, ang makukuha niya ay galit,
sama ng loob at sumpa mula sa ninakawan nilang tao.
CH6: Pag-Ermitanyo
Ang pag-ermitanyo ay ang pagtira ng mag-isa sa bundok para
magsisi at magbayad sa mabibigat na mga kasalanan – mga mortal
na kasalanan katulad ng pagpatay, pakikiapid/paglandi at
pagnakaw. Ayon sa tinalakay natin tungkol sa mortal na kasalanan,
ginawa nila ang mga mortal na kasalanan na may buong kamulatan
nila at para sa pansariling ganansya nila.
Page of 28 68 ericroxas.com 2023
Kung kaya kailangan nila pagdaanan ang malalang pagpenitensya
para mabayaran nila ang kanilang mga kasalanan habang narito pa
sila sa mundo ng tao.
Bilang ermitanyo, ito ang ginagawa nila kadalasan:
Mamuhay mag-isa:
Karamihan sa mga kasalanan sa mundo ay posible lang din dahil
sa kapwa nating tao. Ang pagpatay, paglandi at pagnakaw ay
posible lang kung may ibang tao sa paligid. Kung walang ibang
tao, hindi makakagawa ng kasalanan. Syempre, may haharaping
loneliness o pagkamingaw ang taong mag-isa lang at malayo sa
mga tao. Kasama na rin ang pagka-lonely na ito sa penitensya
para sa mga kasalanan.
Nagtira sa gubat:
Sa gubat, wala kang makakasamang ibang tao. Puro kalikasan
lang ang makakasama. Mga hayop, ibon, insekto, halaman at puno
ang makikita at mararanasan sa araw-araw. Ito ay maaaring
magdulot ng katahimikan sa ating kalooban dahil makakasagap
lang ng enerhiya mula sa kalikasan at walang ibang tao na
pwedeng makagulo sa ating isipan.
Kumakain ng kung anumang nasa paligid nila:
Bilang ermitanyo, hindi ka makakasama sa ibang mga tao na may
mga tindang pagkain kung kaya’t maghahanap ka lang ng
pagkaing makikita mo sa paligid mo. Ikaw magpipitas ng prutas o
halaman, magpatay ng hayop, magkuha ng mga herbs o ano pa
mang pagkain na makukuha mo sa paligid para lang makakain ka.
Nagdasal o nagmeditate:
Kasama rin sa pagiging ermitanyo ang pagdasal o pagmeditate
para magsisi sa kasalanan at magpalalim sa spiritual na kamulatan.
Ang ibang ermitanyo din ay may dalang mga orasyon para hindi
sila magutom dahil sa kakulangan ng material na pagkain.
Page of 29 68 ericroxas.com 2023
Kumbaga, ang orasyon na lang at dasal ang kinakain nila para
mag-survive sila sa matagal na panahon.
Magbilang sa mga araw:
Ang mga ermitanyo ay nagbibilang din ng mga araw nila gamit ang
mga bato at kahoy para magsulat sa mga nagdaang araw
alinsabay sa pagtingin nila sa mga bituin, araw at buwan.
Nagbibilang sila ng mga araw bago dumating ang kanilang
kamatayan.
Hanggang mamatay:
Ang mga tao na nag-ermitanyo ay nagdusa sa ganitong paraan
hanggang mamatay sila. Ang ilang mga tao ay nagsikap na
mabuhay bilang ermitanyo hanggang sa kaya nila bago mamatay.
Ang ilang ermitanyo ay nagtatagal ng ilang buwan. Ilan naman ay
ilang taon. Tapos mamamatay na sila. Mahirap din kasi mag-
ermitanyo kung kaya’t hindi naman masyado matagal ang ilan sa
ermitanyo. Lalo na kapag may nangyari na binisita sila ng
mabangis na hayop halimbawa.
Blessing para sa ermitanyo ang mga pagkakataong makitil ang
buhay nila. Kung kainin ang ermitanyo ng mabangis na hayop,
mabuting sign yan dahil matatapos na ang kanilang paghihirap.
Ganoon din ang iba pang mga paraan na darating sa kanila na
matatapos ang buhay nila. Kasama na dito ang mga digmaan,
pagkamatay dahil sa lason o di kaya sakit na makukuha nila mula
sa paligid.
Epekto:
Ang pagtagumpay sa pagiging ermitanyo ay magdudulot ng
pagbayad sa mga mortal na kasalanan at pagkamit ng buhay na
matiwasay kapag umuwi na ang spirito ng tao sa kabilang mundo
pagdating sa kanyang kamatayan.
Pag-Buddha
Ang pag-buddha ay isang klase ng pag-ermitanyo.
Page of 30 68 ericroxas.com 2023
Ang kilala ng mga tao kadalasan na buddha ay ang taong si
Siddharta Gautama na sumikat bilang Ang buddha na pinakasikat
sa maraming sekta ng relihiyon ng Buddhismo. Hindi lang siya ang
nag-Buddha dahil hindi lang siya ang gumawa ng ganitong klaseng
pag-ermitanyo.
Ang pag-buddha ay ang pagmeditate o pagdasal sa gubat ng hindi
kumakain at umiinom hanggang mamatay. Ang pag-buddha ng
isang tao ay ang pag-upo niya sa isang meditation at hindi na
tatayo hanggang maagnas na ang lahat ng kanyang katawan.
Kapag namatay ang isang tao sa pag-ermitanyo bilang Buddha, ito
ay magreresulta sa pagbayad sa mga kasalanan at makakapunta
ang tao sa magandang lugar sa kabilang mundo. Gayunpaman,
hindi kasintaas ang maaabot ng tao kumpara sa kung nagmisyon
siya talaga ng matagal na panahon habambuhay. Ginagawa lang
din ang pag-ermitanyo na pag-buddha ng mga taong may mortal
na kasalanan o sakit na hindi na gumagaling.
Kadalasan, ang mga buddha ay nagpipili ng isang puno kung saan
sila mag-uupo hanggang mamatay sila at nagiging bahagi na lang
ang katawan nila sa puno. Tutubo na lang ang mga halaman at
ugat sa kanila na parang niyakap na sila ng kalikasan.
Epekto:
Ang mga taong nag-buddha ay makakakuha ng permiso na
makapunta sa magandang lugar sa kabilang mundo pero wala
silang katawan. Kailangan ay magmisyon sa mga puting engkanto
para magkaroon ng katawan ang tao sa kabilang mundo na
magagamit sa pagkilos sa kabilang mundo. Ang taong
nagtagumpay sa proseso ng pag-buddha ay tinatawag na buddha.
Sila ang mga naglulutang na spirito at naglal akbay sa mga
maginhawang liwanag pero wala silang katawan.
CH7: Immortal na Kasalanan
Page of 31 68 ericroxas.com 2023
Ano ang immortal na kasalanan?
Ang immortal na kasalanan ay ang mga kasalanan na hindi
masyado mabigat. Hindi ito sapat para makatumbas ng buhay at
makapagpatapon ng tao sa impyerno.
Kung makita natin ang mga mortal na kasalanan, ito ay ang:
• Pagpatay
• Paglandi
• Pagnakaw
Kung kaya ang mga immortal na kasalanan ay ang mga bagay
na may pagkamali pa rin pero hindi umaabot sa kabigatan ng
mortal na kasalanan.
Isipin mo na may isang hagdan na pababa sa impyerno. Sa tuktok
ng hagdan ang mga immortal na kasalanan na hindi masyado
mabigat. May Ilang immortal na kasalanan na mas mabigat kesa sa
ibang immortal na kasalanan. Kunsagayon, parang mas mababa
na sa hagdan ang mas mabigat na immortal na kasalanan na yun.
Tapos pababa na ng pababa sa hagdan hanggang umabot sa
huling palapag ng hagdan sa ibaba na nasa impyerno ka na dahil
mortal na kasalanan ang ginawa mo.
Ang kabigatan ng immortal na kasalanan ay nakadepende
kung saan sila nangyari – sa isip, salita o sa gawa.
Pinakamagaan ang sa isipan. Ito rin ang pinakakaraniwang
immortal na kasalanan. Kadalasan, ang mga immortal na
kasalanan ay ang mga naiisip nating mga masama pero hindi natin
nasasalita o nagagawa.
Sunod naman na mas mabigat ay ang sa salita. Maaaring may
masabi tayong masama na makakasakit sa sarili o sa kapwa natin.
Maaaring intensyonal o hindi ang ating pagkakasabi. Mas mabigat
syempre ang intensyonal nating sinabi para manakit.
Tapos huli naman na mas bihira mangyari ay ang immortal na
kasalanan sa gawa. May magagawa na tayong hindi tama sa ating
kapwa. Maaaring may magawa tayo sa mismong tao, pamilya niya
Page of 32 68 ericroxas.com 2023
o sa kanyang pag-aari pero hindi pa umabot sa pagpatay, paglandi
o pagnakaw.
Dahil narito tayo sa mundo ng tao na pinaghaharian ni Satanas at
kumakain tayo ng mga pagkain na dumaan sa apoy, hindi tayo
makakaiwas na mayroon tayong immortal na kasalanan. Ang
pinakamabuti lang na magagawa natin ay ang magsikap na
bawasan o kauntian ang ating immortal na kasalanan.
Kahit na hindi ka makasabi o makagawa ng masama, maaaring
may maisip kang masama at kahit itong pag-iisip pa lang ay
kasalanan na – bagama’t immortal na kasalanan lang ito.
Pagsikapan natin na sa isipan na lang tayo magkasala at kung
naabot na natin ito ay pagsikapan pa natin na mas bawasan pa
ang immortal na kasalanan sa ating isipan na halos wala na tayong
naiisip na masama.
Halimbawa nito:
• Pagkaramdam ng libog para sa di mo asawa
• Pagkatamad minsan sa dapat mong gawin
• Pagsosobra sa pagkain sa ano ang kailangan mo talaga
• Pagkakaroon mo ng pagmamapuri na di na tama
• Pagkaramdam ng poot sa tao
• Pagpunta sa lugar na may kahalayan para manood
• Pagpanood ng porno
• Pagkaramdam ng pagkaarogante
• Pagkasabi ng masakit na salita
• Pagkaisip na gumawa ng masama
• Pag-iisip sa tentasyon na parang gusto mo gawin
• Pagsalita ng masama pero hindi totoo tungkol sa isang tao
• Pangarap na kunin ang asawa ng iba
• Pangarap na angkinin ang pag-aari ng iba
Ang tao ika nga ay makasalanan at hindi natin maiwasan na
magkakasala talaga tayo habang tao pa tayo.
Ang magagawa na lang natin ay palaging maghingi ng tawad para
sa ating mga kasalanan at patuloy tayong maglinis sa ating sarili
para matanggal ang mga kasalanan sa isip, salita at gawa.
Page of 33 68 ericroxas.com 2023
Maaaring makuha natin na halos wala na tayong nagagawang
kasalanan at ito ang kailangan natin para maging tunay na banal na
tao at magtagumpay sa misyon natin sa buhay.
CH8: Pagtimbang sa Kasalanan
Dito ko tatalakayin ang proseso sa paano timbangin ang
kasalanan.
Ang kasalanan ay may iba ibang bigat ayon sa mga sumusunod na
factor:
Mortal o Immortal?
Ang mortal ay ang pagpatay, paglandi at pagnakaw. Mas mabigat
syempre ang kasalanan na ito kesa sa immortal. Ang immortal ay
ang lahat ng mga kasalanan na hindi pa umaabot sa mga mortal na
kasalanan pero di pa rin ayon sa batas ng pagmamahal sa Diyos at
sa kapwa.
Sinadya o Hindi Sinadya?
Ang intensyon ng tao ng pagsadya ay mas mabigat kesa sa
walang intensyon sa pagsadya sa kasalanan.
Luho o Pangangailangan?
Minsan may mga tao na nagkasala lang dahil sa kagustuhan nila
magkaroon ng ganansya na hindi naman na nila kailangan talaga
sa buhay. Mas mabigat ang kasalanan kung ganito ang dahilan sa
paggawa ng kasalanan kesa sa napilitan dahil sa pangangailangan
para magsurvive.
Pinagdiwang o Pinagsisihan?
Ang kasalanang pinagdiwang at pinagmalaki ay mas mabigat kesa
sa kasalanang pinagsisihan dahil naging masaya pa ang tao sa
kasalanang ginawa niya kesa na maghingi ng tawad sa Panginoon.
Page of 34 68 ericroxas.com 2023
———
Syempre, mas gusto nating iwasan ang lahat ng klase ng
kasalanan, pero iba ang paghusga at karampatang parusa na para
sa iba’t ibang klase ng kasalanan. Lahat ng nasa kaliwa ay ang
mas mabigat at ang lahat ng nasa kanan ang mas magaan na
factor.
Sa pagtimbang, ang mas mabigat na kasalanan ay ang mas
maraming sagot sa kaliwa. Ang mas magaan na kasalanan ay ang
mas maraming sagot sa kanan.
Tayo bilang tao ay may isip para makapagtimbang ng kasalanan ng
ating sarili at ng ibang tao. Ang mga puting engkanto ay maaaring
makapagpayo sa atin tungkol sa mga kasalanan, pero ang
pinakahuli naman talagang Husgado sa lahat ay ang Diyos.
Mas maganda maging mulat tayo sa kabigatan ng kasalanan ayon
sa mga factor na ito para makaiwas tayo sa mga mabigat na
kasalanan.
CH9: 7 Deadly Sins
(Nakamamatay na Kasalanan)
Mayroong 7 Deadly Sins o Nakamamatay na Kasalanan. Ito ang
mga sumusunod:
• Kasakiman
• Katakawan
• Katamaran
• Pagmamapuri
• Inggit
• Poot
• Kahalayan
Iisa-isahin natin ang pagtalakay sa ano ang mga ito, ano ang
paggawa nito at ano ang pag-iwas sa mga ito:
Page of 35 68 ericroxas.com 2023
Kasakiman
Ano ito:
Ang kasakiman ay ang masyadong pagkakaroon ng matinding
pagnanasa para sa kayamanan, kapangyarihan at iba pang bagay.
Paano ito nagagawa:
Ito ay lumalabas sa paraang pagnanakaw, pandaraya, kawalan ng
pakialam sa kapakanan ng iba o pagpatay para lang makakuha ng
ganansya.
Kumbaga, mas nagiging mahalaga na ang kayamanan kesa sa
kapwa-tao. Nakakalimutan na ang moralidad na binigay ng Diyos
bilang Utos niya.
Ano ang tamang gawin:
Ok lang na mangarap at magsikap para makakuha ng mga material
na kayamanan dito sa mundo, pero hindi tayo dapat gumawa ng
kasalanan para makuha ang mga ito.
Kung gawin natin ang karapatdapat o makatarungang paraan na
kumita ng pera, mag-ipon ng kayamanan o magkuha ng
kapangyarihan – walang problema dito.
Basta sumusunod tayo sa kalooban ng Diyos, ok lang na kumita ng
pera at yumaman. Kailangan din natin ang kayamanan para sa
pagkonsumo natin sa araw-araw at pagpanustos sa mga
pangangailangan ng ating pamilya. Isa ring biyaya sa Panginoon
ang kayamanan na magbibigay sa atin ng kapangyarihan na mas
magbahagi din ng biyaya sa kapwa.
Ang pagbahagi ng grasya sa kapwa sa pamamagitan ng
pagpapapyesta, pagbigay ng trabaho, pagbigay ng mga regalo sa
mga angkop na panahon, pagturo ng mga kakayahan o kaalamang
mapapakinabangan at pagbahagi ng mga pagkakataon sa mga tao
na magkaroon ng kabuhayan din ay mga mabubuting gawain.
Page of 36 68 ericroxas.com 2023
Syempre, hindi dapat nating makalimutan na ang lahat ng mga
grasya ay galing sa Diyos Ama kung kaya’t kailangan natin siya
palaging pasalamatan.
Katakawan
Ano ito:
Ang katakawan ay ang pagsobra sa konsumo ng pagkain o inumin
na makakasama na ito para sa ating sarili o sa ating kapwa.
Paano ito nagagawa:
Ito ay lumalabas sa paraang kumakain at umiinom ang tao na
tumataba, sumasama ang kalagayan ng kalusugan at paminsan ay
nakakaubos na rin ng pera dahil sa pagkonsumo.
Maaaring nang-aagaw din ang matakaw na tao sa pagkain at
inumin na para na pala sa iba kung kaya’t nawawalan tuloy ang iba
ng para sana sa pangangailangan nila na mabuhay. Ang iba pa nga
ay sa sobrang katakawan nila para sa lasa ng mga masasarap na
pagkain ay pinasusuka nila ang sarili nila para lang makakain sila
ulit. Hindi ito dapat gawin dahil sayang ang grasya ng pagkain at
inumin.
Sa usaping inumin at lalo na ang mga makakalasing dahil may
alcohol, hindi tayo dapat sumobra sa limit ng alcohol na kaya ng
katawan natin. Ang pinakamaganda talaga ay hindi na
magkonsumo ng kahit kaunting alcohol, pero para sa mga
ordinaryong tao na di naman nagsumpa para sa misyon, sapat na
ang hindi lang malasing at hindi magsuka. Hindi rin dapat umabot
sa paraang maiba na ang ating mga ugali at manakit ng iba.
Epekto:
Marami sa mga sakit sa modernong panahon ay dulot ng sobra sa
pagkonsumo ng pagkain at inumin. Affluenza ang tawag ng ilan sa
ganitong sobra sa pagkonsumo na nakakadulot na ng sakit.
Diabetes, hypertension, heart attack, stroke at iba pa ay epekto ng
pag-abuso sa pagkain at pag-inom ng mga pagkain at inumin na di
Page of 37 68 ericroxas.com 2023
naman dapat ganoon kadami ang konsumo. Ito ay tumutukoy lalo
na sa mga modernong junk foods.
Ano ang tamang gawin:
Ok lang na kumain at uminom tayo ng masasarap na pagkain at
maghanap ng mga pagkaing ito, pero dapat matuto tayo
magkontrol sa ating mga sarili para hindi sumobra sa ano ang
pangangailangan.
Kung alam natin ang ating limitasyon at hindi tayo sosobra dito,
hindi tayo tataba at makakasira sa ating mga kalusugan. Pwede
pa rin tayo mag-enjoy sa sarap at sustansya na binigay ng
Panginoon sa atin sa pamamagitan ng mga pagkain at inumin. Mas
maganda din ay magpokus tayo sa pagbuo ng healthy na diet na
binubuo ng sariwa, masustansya at hindi masyadong processed
foods.
Dapat din ay pagsikapan nating maging mas aware sa ano ba ang
ginagawa natin. Dapat bigyan natin ng pansin ang proseso ng
ating pagkain para mas manamnam natin ang bawat kagat at lasa.
Hindi lang tayo basta kumain ng marami para mabusog. Minsan
kasi ay busog na nga tayo pero di lang natin maramdaman dahil
masyado tayong nagmadali kumain.
Ang pagtuon ng pansin sa lasa ng pagkain ay magbibigay ng
kasiyahan sa ating katawan na di magagawa kung kakain lang tayo
ng walang pag-ingat at pagiging aware. Maaaring minsan ay
magdami tayo ng pagkain katulad ng minsanang pagkain sa
piyesta, pero hindi dapat natin palaging gawin ang pagpasobra sa
dami ng kakainin o iinumin natin dahil yan ang makakabigay ng
sakit.
Dapat lang talaga na pasalamatan natin ang Panginoon sa pagkain
at inumin na mayroon tayo araw-araw. Kung dasalan natin ng
pasalamat sa grasya at blessingan ang pagkain at inumin, mas
kaunti lang ang kailangan nating kainin para mabusog kasi may
enerhiyang papasok sa pagkain na makakabusog. Hindi na tayo
kailangan tuloy kumain ng masyadong madami para makakuha ng
sustansya sa ating katawan.
Page of 38 68 ericroxas.com 2023
Katamaran
Ano ito:
Ang katamaran ay ang kawalan ng pagsisikap sa mga
karapatdapat gawin ng tao dito sa mundo ng tao.
Paano ito nagagawa:
Ito ay lumalabas sa paraang hindi na kumikilos ang tao para
makakuha sa mga pangangailangan niya o ng kanyang pamilya .
Kadalasan, ang isang taong ito ay nagiging pabigat sa pamilya niya
at kapwa dahil hindi siya nag-ambag sa pagtrabaho. Halimbawa na
nito ay hindi pagtulong sa paghanapbuhay, paglinis, pag-ayos ng
bahay o anupamang mga trabahong pantao.
Ang katamaran na gumawa ng mga karapatdapat ay nagiging
sanhi din para magsinungaling, mandaya o magnakaw ang tao
dahil mas madali gawin ang mga ito kesa sa pagsisikap sa tamang
paraan. Mas nagiging tentasyon para sa tamad na tao ang
pakikinabang na lang sa pagsisikap ng iba kesa magsikap siya
para sa sarili niy a.
Ang katamaran din ay kakulangan hindi lang sa pagsikap sa
trabaho para magkapera o material na pangangailangan, kundi pati
na rin sa pagsikap sa pag-improve sa sarili para maging mas
mabuting tao sa lahat ng klaseng pamamaraan.
Epekto:
Kung may pamilya ang isang tamad na tao, kawawa ang asawa at
anak niya. Kung tamad ang tao, hindi siya tumutulong sa
paghanapbuhay, paglinis at pag-asikaso sa mga pangangailangan
ng pamilya. Kahit ang sarili ay maaaring mapabayaan na din.
Ang katamaran ay magdudulot ng kapabayaan sa lahat ng mga
pangangailangan dito sa mundo ng tao at wala ring maaabot ang
Page of 39 68 ericroxas.com 2023
taong tamad dito sa mundo ng tao o sa kabilang mundo dahil hindi
naman sila magsisikap.
Isa pa, ang epekto ng katamaran ay hindi tayo makakaramdam ng
pakiramdam ng tagumpay sa ating buhay dahil walang nangyayari
sa ating buhay dulot nga sa kawalan ng pagsikap. Ito ay kadalasan
nagdudulot ng pagkainggit sa mga taong may ginagawang
pagsisikap para sa buhay nila.
Ang taong tamad ay walang pakinabang sa mga tao sa paligid niya
dahil hindi siya nagbibigay ng kanyang ambag sa pagtrabaho ayon
sa mga kakayahang binigay sa kanya.
Ano ang tamang gawin:
Ang kapaguran ay normal lang at nararanasan ng lahat ng tao.
Minsan, hindi natin pakiramdam na gusto nating magtrabaho, pero
hindi ibig sabihin noon na dapat tumigil na tayo sa ating
pagsisikap. Ibig sabihin lang nito na kailangan nating magpahinga.
Nakakapagod talaga ang buhay sa mundo ng tao dahil puno ito ng
pagdurusa at kahirapan para lang mabuhay, pero lahat tayo ay
humaharap sa ganitong sitwasyon. Minsan ay kailangan nating
magpahinga, pero dapat ay bumalik pa rin tayo sa pagsisikap
pagkatapos na nakapahinga na tayo.
Maganda ring gawin ang tinatawag na saktong paggawa ng
pacing. Ibig sabihin nito ay dapat alamin natin kung ano ang bilis at
dami ng trabahong magagawa natin na tuloy-tuloy na hindi tayo
masobrahan sa pagod o ang tinatawag na burnout. Ang burnout ay
maaaring pisikal, mental o emosyonal.
Dapat ay matutunan natin kung ano ang mga limitasyon natin sa
bawat isang aspeto ng ating buhay para hindi tayo aabot sa
puntong masobrahan tayo at tatamarin na tayo gumawa ng kahit
ano.
Bahala na hindi tayo sobrang bilis o madami ang nagagawang
trabaho, basta tuloy-tuloy tayo sa ating mga ginagawa.
Page of 40 68 ericroxas.com 2023
May tinatawag na pagtrabaho ng matalino. Totoo yan. Pero hindi
natin maiiwasan na ang pagtrabaho ay makakapagod din
pagdating ng puntong naabot na natin ang ating limitasyon.
Normal lang yan na mapagod kasi nga nagtrabaho tayo. Kailangan
din nating gamitin ang enerhiya ng ating katawan at isipan sa
pagtrabaho dahil kung wala tayong gagawin, hindi rin naman tayo
makakatulog o makakapahinga ng maayos sa gabi.
Bilang mga taong narito sa mundo, kailangan nating tanggapin na
ang pagtrabaho at pagsikap ay bahagi talaga ng buhay natin. Kahit
ang mga mayayaman ay kailangan ding magtrabaho para
mapanatili ang kanilang mga kayamanan – bagama’t ang trabaho
nila ay kadalasan mas mabigat sa mental kesa sa pisikal.
Pagmamapuri
Ano ito:
Ang pagmamapuri ay ang kataasan ng tingin sa sarili na
nagpapakumbaba na sa ibang tao na tinatrato na silang hindi na
kapwa-tao.
Paano ito nagagawa:
Ito ay lumalabas sa paraang pagtrato sa ibang tao bilang hayop o
gamit na hindi na karapatdapat sa respeto bilang kapwang ginawa
sa imahe at kawangis ng Diyos.
Natural para sa tao na may kayabangan o pagkilala sa sarili niya
ayon sa ano ang kakayahan at nakamtan niya sa buhay, pero kung
ito ay gagamitin niya bilang dahilan na tapakan ang ibang tao
bilang hayop o gamit, masama na ito.
Nakakalimutan na ng mga taong mapagmamapuri ang
kahalagahan ng batas na sinasabing gawin dapat natin sa iba ang
inaasahan nating gawin sa ating mga sarili.
Lahat ng tao ay may kakayahan sa iba’t ibang larangan ng buhay.
Ang ilan ay magaling sa ilang aspeto, ang iba ay mas magaling sa
ibang aspeto. Kahit na mas magaling ang isang tao sa iba sa isang
Page of 41 68 ericroxas.com 2023
larangan ng buhay halimbawa, hindi ito dahilan para tapakan niya
ang iba at isipin na wala silang halaga.
Epekto:
Kung ang isang tao ay nagmamapuri, siya ay hindi marunong
makiramdam sa kapwa niya dahil hindi nga tinuturing na tao ang
kapwa niya. Mahirap din na makinig siya sa iba dahil iniisip niya na
siya na ang pinakamagaling at walang kwenta makinig sa iba.
Ang pagiging mapagpakumbaba ay importante para umangat sa
buhay dahil hindi magugustuhan ng mga tao ang
pakikipagsalamuha sa taong mapagmamapuri.
Ang kayabangang ito ay nagiging sanhi din para sa lahat ng ibang
kasalanan dahil ang iniisip niya ay angat siya sa lahat at hindi siya
sakop ng mga batas na pantao. Kumbaga maaaring isipin niya na
masyado siyang mataas para sumunod sa kailangan sundin ng
lahat ng tao.
Kahit na hindi isipin ng mayabang na tao na siya ay lampas sa
batas, maaaring magkumpyansa siya na kaya niyang gawin ang
mga bagay na di kaya ng karamihan sa tao kaya ilalapit niya ang
sarili niya sa mga panganib na tentasyon o di kaya mga delikadong
bagay na makakamatay kung magkamali.
Sa katagalan ng panahon, magiging mas lonely ang taong
mapagmamapuri hanggang wala na siyang kasamang
makipagkapwa sa kanya ng mula sa puso.
Ano ang tamang gawin:
Ang tiwala sa sarili ay iba kesa sa pagiging mapagmam apuri.
Lahat tayo bilang tao ay may kakayahan at talento na dapat nating
pasalamatan, ipagdiwang at pahalagahan. Ibig sabihin nito na lahat
tayo ay may pakiramdam ng pagpapahalaga sa sarili.
Hindi masama na magkaroon ng pagtiwala at “yabang” sa sarili
pero hindi ito dapat maging kayabangan sa paraang tatapakan na
natin at ipapakumbaba ang ibang tao.
Page of 42 68 ericroxas.com 2023
Ang pagtiwala sa sarili nating pagkalikha bilang tao na nasa imahe
at kawangis ng Diyos ay mabuting gawain. Ibig sabihin nito na
mataas ang tingin natin sa ating sarili, pero hindi lang ito para sa
sarili natin kundi para na rin sa ibang tao.
Gayunpaman, iba iba ang kakayahan ng mga tao. May mga tao na
mas magaling sa ilang bagay kesa sa iba. Mayroon ding mga tao
na mas maraming kagalingan sa iba’t ibang larangan kesa sa iba.
Hindi ibig sabihin nito na may karapatan sila na yurakan ang
kanilang mga kapwa tao. Ibig sabihin nito na binigyan sila ng
biyaya ng Panginoon para magamit nila ang mga kakayahan at
talento para sa ikabubuti nila, ng pamilya nila at ng buong
sambayanan.
May mga bagay na makakamtan dahil sa patuloy na pagsisikap ng
tao. Ito ay mga bagay na dapat ipagdiwang basta ginawa ang mga
pagkamit na ito sa makatarungang paraan na naaayon sa kalooban
ng Diyos. May sense ng pride sa pagtagumpay ng tao at normal
ito.
Ang tamang pamamaraan ng pag-angat sa buhay na hindi tayo
magiging mapagmamapuri ay ang pagtubo natin bilang isang
puno.
Habang tumataas ang mga naaabot ng ating mga sanga sa buhay,
mas lumalalim din ang ating mga ugat sa pananampalataya at
pagpugay sa Diyos. Ibig sabihin nito na may balanse tayo sa ating
pagkamit ng mga matataas na bagay sa buhay at sa
mapagpakumbabang pagtanggap sa katotohanan na lahat ng ito
ay posible dahil sa Diyos na nagbibigay sa atin ng buhay at
kakayahan.
Inggit
Ano ito:
Ang inggit ay ang pagkagalit sa kung ano ang mayroon ang kapwa
natin na wala sa atin.
Page of 43 68 ericroxas.com 2023
Paano ito nagagawa:
Ito ay lumalabas sa paraang nag-iisip o nagsasalita tayo ng
mapanakit sa kapwa nating mayroong mga bagay na wala sa atin.
Minsan ay kung umabot na sa malala, nagiging mapanakit na rin
ang gawa sa paraang naninira na ng gamit o di kaya nagnanakaw
ang mga taong naiinggit. Ang paninira ng pangalan sa
pagpapakalat ng tsismis na hindi naman totoo ay isang paraan na
pinapalabas ang inggit.
Tinatawag din itong pagbash o pagbastos sa tao na gumagamit ng
mga salitang mapanakit sa taong kinaiinggitan. Sa modernong
panahon, mas madali nang gawin ito dahil sa social media. Lalo na
at pwedeng magtago sa pekeng imahe at pangalan tapos yan ang
gamitin para magsabi ng kahit anong masasama o masasakit na
salita na bunga ng inggit.
Epekto:
Kung ang isang tao ay naiinggit, sila ay papangit. Parang
nakakatawa isipin, pero kung matingnan mo ng mabuti ang mga
taong naiinggit, naglulukot ang mga mukha nila at namimilipit sila
sa sakit ng nararamdaman nila.
Nawawala ang kasiyahan ng buhay ng mga taong naiinggit kasi di
na sila nakakakita sa kung ano ang mayroon sila sa kakatingin nila
sa buhay ng kinaiinggitan nila.
Napapabayaan na ng mga taong naiinggit ang sarili nilang mga
buhay kaya mas lalo pa silang maiinggit dahil wala na silang
magawang mabuti o mapapakinabangan sa sarili nilang mga
buhay.
Ano ang tamang gawin:
Una sa lahat, dapat ay pagpasalamatan natin kung ano ang mga
biyayang mayroon tayo. Lahat tayong tao, kahit gaano tayo
kahirap, ay may mga biyaya pa rin sa buhay. Kung kaya’t kailangan
nating pasalamatan ang mga bagay na mayroon tayo. Ang
Page of 44 68 ericroxas.com 2023
pagpapahalaga natin sa sariling buhay ay ang magdudulot sa atin
ng kasiyahan sa anong mayroon tayo.
Kailangan ay magpokus tayo sa sarili nating mga buhay at
pagyamanin ito. Ika nga, mind your own business. Ibig sabihin nito
ay dapat ang sarili lang nating buhay, kabuhayan, kayamanan,
kakayahan, talento at lahat ng iba pang mayroon tayo ang
pagtutuunan natin ng pansin.
Kung mayroon ang ating kapwa na bagay na wala tayo tapos
gusto nating magkaroon ng ganoon, gawin natin siyang
inspirasyon. Magsikap tayo para maabot din natin ang naabot niya
sa paraang kaya natin. Wag natin siyang siraan dahil ibig sabihin
lang noon ay tinatanggap nating di natin kayang mas umangat pa
sa kalagayan natin sa kasalukuyan. Ang mga naaabot ng kapwa
natin ay maaaring gawin nating sanhi ng inggit o sanhi ng mas
masugid na pagsikap para sa ating mas pag-unlad.
Isa pa, sa pagbigay ng saludo at pagiging masaya para sa ating
kapwa, mararamdaman natin ang kasiyahan nila na magdudulot
din ng kasiyahan para sa ating sarili. Iba iba lang talaga ang buhay
ng tao at nakadepende ito sa kung ano ang binigay din ng Diyos sa
atin.
Ang mga material na bagay ay maaaring kainggitan ng tao kung
hindi sila mulat sa kung ano ang katotohanan na hindi naman tayo
tatagal dito sa mundo ng tao. Ang mas importante nating
mapagpokusan ay ang kayamanan ng ating kabanalan na
magbibigay sa atin ng kayamanan pagdating sa ating pagpanaw
mula sa mundo ng tao at makapunta na tayo sa kabilang mundo.
Poot
Ano ito:
Ang poot ay ang pagkagalit ng tao na hindi siya makapagpasensya
at bayolente na siya dahil kinimkim niya ang galit niya.
Paano ito nagagawa:
Page of 45 68 ericroxas.com 2023
Ang mga tao ay natural magalit kung palaging sinasaktan. Ang
poot ay ang pagkapuno ng tao sa galit dahil hindi niya napahayag
ng maayos ang nararamdaman niya. Kung kaya’t bigla na lang
siyang sasabog sa paraang di na niya makontrol.
Ang mga taong nasaktan din sa buhay ay nananakit ng iba para
lang mailabas ang kanilang poot, pero hindi ito tamang paraan kasi
mas lalong dadami lang ang mga taong nasasaktan sa ganitong
paraan.
Ang kakulangan din ng kaalaman ng tao sa paano ang gagawin
ukol sa damdamin ang nagiging sanhi ng pagkapoot. Hindi alam
ng tao paano tanggalin ang nararamdamang sama ng loob na
natanggap niya sa iba kaya magdudulot na lang ito ng pananakit
sa sarili niya o sa iba na hindi niya makontrol.
Sa una, pwedeng lumabas ito sa paraang nagsasabi ng mga
masasakit na salita sa ibang tao. Sa malaon na, pwedeng
magcutting siya sa sarili niya, gumawa ng mga bisyo o di kaya ng
mga delikadong gawain sa buhay. Tapos balang araw ay pwedeng
magsuicide na lang siya o pumatay ng ibang tao.
Epekto:
Nagkakaroon ito ng masamang epekto sa mga tao kasi ito ang
dahilan na mag-aaway ang mga tao. Ang pagbabash, pagbully,
pananakit sa sarili o sa iba – lahat yan ay mga gawain na galing sa
poot ng tao.
Magkakaroon ng lamat ang mga relasyon dahil sa poot. Pwede rin
ngang umabot sa paraang makapatay na sa sarili o sa iba ang
taong napuno na ng poot.
Ang mga killer na pumapatay ng inosenteng bata ay kadalasan
inabuso at pinuno ng poot mula pa sa kanilang kabataan kaya yan
ang nagagawa nila sa iba.
Ano ang tamang gawin:
Page of 46 68 ericroxas.com 2023
Lahat tayong tao ay may pusong nasasaktan. Normal lang na
masaktan ang tao dahil sa marinig niyang masasakit na salita sa
mga tao, pero may paraan naman na hindi mapuno ang ating puso
sa poot.
Ang pag-iyak ay ang pinakapangunahing paraan na hindi
napapahalagahan ng mga tao sa ngayon dahil hindi naman tayo
tinuruan sa kung paano umiyak. Ang mga tao, lalo na ang lalake,
ay sinabihan na hindi tayo dapat umiyak at magpalabas ng sakit na
nararamdaman natin pero ito ang mali na nagdulot nga ng pagpasa
ng mga poot sa iba pang tao.
Sa pag-iyak at paglabas natin ng sakit na nararamdaman natin,
hindi tayo mapupuno sa poot na galing sa iba at
makakapagpatuloy tayo sa ating pagpasensya sa mga tao. Ang
pag-iyak ay hindi naman kailangan magdulot ng luha palagi.
Maaaring ramdamin lang natin ang lungkot, galit o anumang
enerhiya mula sa sakit ng kalooban ng iba at huminga lang tayo
para lumipas ito.
Ang pag-iyak o paghinga ng sama ng loob palabas ay dapat gawin
na may kasabay na pagdasal. Ang Diyos Ama ang palagi nating
maaalayan ng dasal at maiiyakan. Palagi siyang nariyan para
makinig sa atin. Ang pagdasal ay ang magbibigay sa ating sarili ng
kaginhawaan at kalakasan para harapin ang lahat ng mga sinasabi
ng kapwa nating tao. Sa pamamagitan din ng dasal, mauunawaan
natin ang mga tao bakit sila nagsasabi ng mga masasakit na salita
– dahil sila ay nasaktan din. Dito natin mauunawaan na ang
pananakit ng mga tao sa iba ay dulot ng kanilang natanggap ding
sakit na di nila alam paano ipalabas sa paraang di makakapanakit
sa sarili nila o sa ibang tao.
Ang pagmeditate din sa ating mga nararamdamang sakit o galit
mula sa iba ay ang magbibigay sa atin ng kalayaan na
makaramdam sa galit ng hindi tayo magreact agad sa galit.
Sa pamamagitan ng mga pamamaraang ito, matututunan natin
paano magpatawad. Ang lahat ng ito ay makakatulong sa atin para
pahabain ang ating mga pasensya. Makakaramdam tayo sa sakit
na ibabato sa atin ng kapwa nating tao at hindi natin maiiwasan
yan habang tao tayo. Pero kung mapalakas natin ang ating spirito,
magaan lang ang mararamdaman natin at hindi tayo mag-rereact
Page of 47 68 ericroxas.com 2023
agad. Kaya natin dahan-dahang sumagot sa paraan na
mauunawaan natin sila at maipaparating natin ang pagtuturo sa
tama na may respeto sa ating sarili at sa iba.
Kahalayan
Ano ito:
Ang kahalayan ay ang pag—abuso sa sekswalidad natin bilang tao
sa pamamagitan ng kalandian.
Paano ito nagagawa:
Ang mga tao ay likas na may lakas ng binhi dahil ito nga ang
kumikilos sa loob ng bawat tao na gustong magpalabas para
magpadami sa tao. Kung kaya’t malakas na tentasyon ang
kahalayan para sa mga tao.
Nangyayari tuloy ang paglalandi ng tao sa marami, pag-masturbate
sa samu’t saring mga imahe o tao, pagsiping sa iba’t ibang
kasama, pagpapanood ng pornograpiya o mahalay na palabas,
pag-aakit sa mga tao sa pamamagitan ng paghubad sa entablado,
pagbebenta ng laman sa prostitusyon at iba pang mga kahalintulad
na gawain.
Mas malala pa kesa sa mga nabanggit ay ang pagsiping sa iba
kung may asawa na ang tao o di kaya ang pagsiping ng tao sa
may-asawa na. Mas grabe pa kesa dito ay ang panggagahasa.
Tapos mas lampas pa rito ay ang panggagahasa ng sariling
kamag-anak. Pinakamalala sa lahat ay ang panggagahasa ng bata
pa at walang kamuwang-muwang sa nangyayari.
Pinakamadaling magawang bisyo ang kahalayan kasi ang
kailangan lang ng tao ang kanilang sariling mga ari – hindi katulad
ng ibang bisyo sa alak, droga o yosi halimbawa na kailangan mo
pang bilhin.
Lalo na sa ngayong sitwasyon sa modernong panahon ay laganap
na ang mga mahalay na palabas sa internet na makikita ng libre.
Page of 48 68 ericroxas.com 2023
Basta may internet na ang tao, pwede ng makapanood sa porno at
magpasarap sa mga bastos na makikita.
Epekto:
Nagkakaroon ito ng masamang epekto sa mga tao dahil nagiging
bastos na ang utak. Sa porno pa nga lang ay nagiging puno na ng
kahalayan ang isip ng tao hanggang sa umabot sa punto na bastos
na siya sa pagtingin niya sa lahat ng tao.
Karaniwan na nga ito mangyari na ang kalandian ang nagsisira sa
mga pamilya. May isa o pareho ang maglalandi sa mag-asawa at
yan ang nagdudulot ng lamat sa relasyon dahil may iba nang
kalaguyo. Nayuyurakan ang kasagraduhan ng pagkasal.
Dahil din sa mga pangangaliwa, nagkakaroon ng mga galit na
minsan ay umaabot sa puntong nagpapatayan ang mga mag-
asawa.
Ano ang tamang gawin:
Dapat ay pagsikapan natin na manatiling malinis mula sa
kahalayan ng mundo.
Kung binata o dalaga ang tao, pinakamaganda pero pinakamahirap
din gawin ay wag magtingin sa kahit anong mahalay, wag mag-
masturbate at wag magsiping sa kahit kanino hanggang
magpakasal sila sa tamang tao. Ito ang pinakabihira at
pinakamahirap na gawin sa lahat pero ito ang wastong paraan
sana.
Ang sunod naman na di masyado magandang paraan ay ok lang
naman na mag-masturbate ang tao kung gusto niya. Kung maaari,
ang pinakamaganda ay ang magpalabas na lang siya ng similya na
walang imahe ng ibang tao na iniisip o tinitingnan.
Kung hindi niya kaya ito, mas ok na lang na magpalabas siya sa
imahe ng tao na malapit sa kanya. Ito ay dahil mas madaling
maibalik sa kanya ang enerhiya kunsakaling magkagusto din ang
taong yun sa kanya.
Page of 49 68 ericroxas.com 2023
Pero wag sana siya gagamit ng pornograpiya lalo na ng mga taong
nagsiping na nasa malayong lugar at napakadami na ng siniping
dahil mahirap na maibalik ang enerhiya niya sa kanya at makukuha
din niya ang spiritual na sakit ng mga pinagpapasarapan niya.
Umiwas tayo sa paglalandi sa kahit sino lang. Protektahan natin
ang ating kabusilakan o virginity dahil yan ang ating kayamanan.
Kada tao na nasiping natin, tayo ay nababawasan ng kayamanan.
Maganda sana ay buong kayamanan ang maibibigay natin sa
asawang magtatagal na sa atin habambuhay.
Magdasal tayo at magpakabuti para makamtan natin ang matamis
na pagmamahal ng ating tunay na kabiyak pagdating ng panahon.
Mas maganda ay makamisyon tayo para makuha natin ang
pagkakataon na makasama ang ating tunay na kabiyak na
makakasundo natin dito sa mundo ng tao. Kung ang tao ay may
asawa na, dapat magpokus lang ang tao sa asawa niya. Di siya
sana mag-isip ng ibang tao kundi ang asawa niya, lalo na sa
panahon na magsiping sila.
Kung ang asawa ay nangaliwa, maaaring patawarin at bigyan ng
isa pang pagkakataon o hiwalayan. Nasa tao na kung ano ang
gagawin. Mas maganda sana ay hiwalayan na lang kesa patayin
ang asawa sa galit.
Dapat ay ang ibang lalake o babae ay ituring bilang mga kapatid,
anak o magulang. Kung lalake ka, hindi ka dapat magsama ng
ibang babae bukod sa asawa mo sa mga paraan na mag-isa lang
kayo sa loob ng kwarto o anumang kahalintulad na sitwasyon.
Kung makatingin man sa ibang tao, hindi dapat tingnan sa paraan
na hikayatin ang pagnanasa para sa mga taong yun at dapat ay
tingnan sila bilang kapamilya.
Hindi sana tayo tumingin sa mga pornograpiya o mahahalay na
palabas.
Umiwas sana tayo sa mga kahalayan na disco.
Magdamit tayo ng disente at hindi malaswa.
Page of 50 68 ericroxas.com 2023
Umiwas din tayo sa mga alak, droga o iba pang mga maaaring
magpaiba ng ating isipan at magpalandi sa tao.
Hindi din tayo dapat uminom ng similya na lumalabas sa ating
mga ari – lalo na sa ari ng lalake – kasi nakakalandi ito.
Manatili tayong malinis hanggang sa katapusan.
CH10: 3 Habilin ng Panginoon
Kinausap ako ng Panginoon at mayroon siyang mga sinabi sa akin
na pangkalahatang payo para magtagumpay bilang banal na tao
sa buhay.
Ito ay ang mga sumusunod:
• Maging Mabuti
• Maging Mabait
• Maging Matatag
Maging Mabuti
Ang pagiging mabuti ay ang paggawa ng tama at pag-iwas sa mali.
Ito ay ang pagsunod sa kalooban ng Diyos para sa ating personal
na moralidad.
Kumbaga, ito ang pag-ayos sa ating sariling isip, salita at gawa.
Ito ang pagsunod sa 10 Utos ng Diyos.
Saklaw na rito ang pag-iwas sa lahat ng bisyo. Alak, droga, yosi at
iba pa.
Narito na rin ang pag-iwas sa mga kasalanang mortal ng pagpatay,
pagnakaw at paglandi.
Page of 51 68 ericroxas.com 2023
Hindi maiwasan na minsan makagawa ng immortal na kasalanan
pero nagsikap tayong bawasan ang mga ito sa pamamagitan ng
pagdasal at pag-ingat.
Ang ating kabutihan ay dapat nating pagkaingatan katulad ng ating
kayamanan sa mundo (at mas importante pa nga ito kesa sa
kayamanang material) kasi ito nga ang ating kayamanan pagdating
sa ating kamatayan at paglipat na sa kabilang mundo na walang
hanggan ang halaga.
Maging Mabait
Ito ay tumutukoy sa pakikitungo natin sa ibang tao sa maayos na
paraan. Hindi tayo pumapatol sa mga tao sa kanilang mga galit,
landi o ano pa mang kasamaan. Hindi natin sila pinagtatawanan,
pinapahiya o pinapakumbaba.
Hindi ibig sabihin nito na hindi tayo pwedeng magsabi ng kung ano
ang tama at mali sa ating kapwa. Ibig sabihin lang nito na
kailangan natin itong gawin sa paraang may respeto.
Tapos kung may tao na nag-iinsulto, tumatawa o
nagpapakumbaba sa atin, hindi natin sila papatulan sa parehong
paraan na ginagawa nila na magiging masahol na rin tayo katulad
nila. Dapat ay manatili tayong kalmado, mapang-unawa at
mapagrespeto sa pagsagot natin sa kanila o di kaya wag na lang
silang pansinin.
Kung kausapin natin sila, iparating natin sa kanila ang tamang
mensahe na tatalab sa kanila pero hindi natin sila dinisrespeto.
Maaaring masaktan pa rin sila sa sasabihin natin dahil napalabas
na mali sila pero hindi tayo gumamit ng pagmumura, kasamaan o
pagkutya. Posible ngang magpatuloy na lang tayo sa ating pag-
broadcast ng mensahe sa lahat at di na natin kausapin ng personal
ang mga bashers natin. Doon na lang natin idaan ang pagsagot sa
mga basher natin – sa mensaheng pangkalahatan. Pahiwatig na
lang sa kanila at hindi na direkta.
Kailangan ay tratuhin natin ang ating mga kaaway na may respeto
kahit na hindi nila tayo tinatrato ng may respeto. Ang ating patuloy
Page of 52 68 ericroxas.com 2023
na pagtrato sa kanila ng may respeto ay magdudulot ng
pagtatanggol ng Diyos sa atin mula sa lahat ng ating mga kaaway.
Maging Matatag
Ang kalakasan ng loob ay kailangan natin dito sa mundo na puno
ng pagdurusa, pagsubok at pagsakit. Hindi maiiwasan na
masasaktan tayo at makakaramdam ng hirap ng buhay dito kasi
yun talaga ang kalikasan ng mundo ng tao.
Pati nga ang Panginoong HesuKristo mismo ay dumaan sa
maraming paghihirap noong bumaba siya rito para isakripisyo ang
sarili para sa kasalanan ng sangkalibutan.
Ang katatagan natin ay may iba ibang kahulugan.
Isang klaseng katatagan ay ang pagiging matibay natin laban sa
lahat ng tentasyon. Dapat matuto tayong tumanggi at umiwas sa
lahat ng klase ng tentasyon na darating sa buhay natin. Hindi
maiiwasan yan. Kailangan natin palaging magdasal at magtiwala sa
Panginoong Diyos Ama na magbibigay sa atin ng lakas para
matagumpayan ang lahat ng tentasyon sa buhay.
Ang isa pang katatagan ay ang pagiging matibay naman natin sa
mga darating na pagdurusa sa ating mga buhay. Minsan ay
magkakaroon ng di inaasahang pangyayari na magbibigay ng
kalungkutan, kaguluhan o kagalitan sa ating mga kalooban. Isa rin
yan sa hindi natin maipagkakaila na darating sa buhay natin. Sa
pagdating ng mga ito sa buhay natin, kailangan ay matuto rin
tayong panghawakan ang ating pananalig sa Panginoon sa patuloy
nating pagdasal sa kanya para mabigyang lunas ang ating mga
problema sa buhay.
Patuloy tayong susubukan sa lahat ng paraan habang narito tayo
sa mundo. Hindi titigil ang mga pagsubok hanggang wala na tayo
sa mundong ito. Kung kaya’t kailangan manatili tayong nakaugat
sa malalim na pagtiwala sa Diyos at i-angat ang ating mga kamay
sa Langit sa pag-alay ng lahat sa Kanya.
Page of 53 68 ericroxas.com 2023
CH11: Simpleng Pagkakasabi
Isang pinakasimpleng pagsabi sa ano ang kalooban ng Diyos ay:
Gawin ang Tama. Iwasan ang Mali.
Napakadaling sabihin, pero mahirap gawin. Dulot nga kasi sa
kasalanang nasa loob ng laman ng tao habang narito pa tayo sa
mundo ng tao na kontrolado ni Satanas, hindi magagawa ng basta
basta ang ganitong utos ng Diyos. Kung kaya’t kailangan nating
magsikap ng todo para kalabanin ang lahat ng kasamaan na nasa
kalamnan natin bilang tao.
May tatlong aspeto na kailangan pagbantayan sa ganitong tama at
mali. Ito ay ang:
• Isip
• Salita
• Gawa
Narito ang lahat ng mga lugar kung saan magkakaroon ng tama o
mali.
Isip:
Kailangan nating bantayan ang ating mga isipan kasi dito
nanggagaling ang lahat ng ideya sa kung ano ang sasabihin at
gagawin natin sa buhay natin. Hindi maiiwasan na magkaroon tayo
ng mga tentasyon sa masamang pag-iisip minsan, pero kailangan
lang nating iwaksi sa lalong madaling panahon ang mga kaisipang
ganyan para hindi na tumuloy sa ating mga salita at gawa. Dapat
ay magpokus tayo sa mga kabutihang pag-iisip para yun ang
magbubunga rin ng kabutihang salita at gawa. Sa pag-iisip pa lang
natin, maaaring makaramdam na ang mga taong sensitibo sa atin
kahit na hindi pa ito umapaw sa salita o sa gawa.
Salita:
Page of 54 68 ericroxas.com 2023
Kung palagi nating mapag-isipan ang mga bagay sa ating isipan,
magbubunga ito sa pagsalita natin tungkol dito. Kumbaga ay kung
napuno na ang ating mga isipan sa pag-iisip tungkol sa isang
bagay, aapaw ito sa salita. Kahit na gusto pa man nating itago ang
ating mga iniisip, balang araw ay lalabas ito sa ating mga bibig
kung magkataon na hindi tayo nakapigil sa ating mga bibig. Kung
ano ang mga lumalabas sa ating bibig, yun ang napag-iisipan natin
palagi. Ang salita ay makakaapekto na rin sa ibang tao dahil
makakarinig na ang ibang tao sa ano ang nasa kalooban natin at
maaaring makasakit o makatulong sa iba depende sa paggamit ng
salita.
Gawa:
Huli sa lahat na pinakamabigat na ang epekto sa mundo ay ang
gawa. Kung palaging napag-isipan at napag-usapan, ang huling
hakbang para sa katuparan ng nasimulan ay ang paggawa nito. Ito
ang malakas na ang timbang sa kabutihan o kasamaan dahil
kinilos na ang buong katawan para magawa ang intensyon. Dapat
bantayan natin sa isipan pa lang ang lahat ng intensyon natin para
ang magagawa natin ay ayon sa intensyong mabuti at hindi ayon
sa masama.
Sama-sama dapat nating ingatan ang ating isip, salita at gawa
para sumang-ayon ang lahat ng ito sa kalooban ng Diyos.
CH12: Wastong Pamumuhay
Ito ang mga gabay sa wastong pamumuhay sa iba’t ibang aspeto:
Pagtulog:
Dapat matulog tayo ng sakto at sapat para sa ating katawan.
Kadalasan, mga 7 hours ang pagtulog sa mga matatanda na at
mas matagal ang panahon para sa mga bata.
Pag-Gamit ng Gadgets:
Page of 55 68 ericroxas.com 2023
Ang paggamit ng mga cellphone, TV, laptop, tablet at iba pang
electronics na may screen ay dapat kontrolin. Mas maganda ay
maligo muna tayo bago tayo gumamit ng ganito at magpahinga
tayo sa paggamit ng mga ito kapag napapagod ang ating mga
mata – kahit mga 5 hanggang 10 minutes kada oras kung
nagtrabaho tayo. Sa gabi, dapat ay hindi na sana tayo
magcellphone ng 10 pm hanggang 5 am sa sunod na araw.
Pag-inom:
Kailangan uminom tayo ng sapat na tubig para sa katawan. Hindi
dapat natin paaabutin sa maninilaw masyado ang ating ihi. Ang
pag-inom ng tubig ay maganda sanang maligamgam lang o hindi
masyadong mainit o malamig para hindi mabigla ang katawan –
lalo na sa umaga na wala pang laman ang tiyan. Iwasan o limitahan
ang pag-inom sa mga alak.
Pagkain:
Kumain tayo ng masusustansyang pagkain na iba’t ibang kulay,
sariwa at natural. Dapat ay bawasan o iwasan natin ang mga
processed foods, junk foods at canned foods. Ang gumana para
sa akin na diet ay ang pagkain ng karne at prutas. Maaaring
gumana din ito para sa yo.
Pag-exercise:
Dapat lang tayong lahat mag-exercise para manatiling malusog at
malakas ang katawan. Importanteng magpapawis, mapadaloy ang
mga dugo, mapatibok ng mabilis ang puso, maunat ang mga kasu-
kasuan, ma-challenge ang mga muscle at manatiling active kahit
na medyo tumatanda na. Gawin lang natin ang kaya ng ating
katawan at wag din tayong sumobra para di ma-injure.
Pananamit:
Magsuot tayo ng mga disenteng damit na hindi nagpapakita sa
ating mga kayamanan na dapat itago sa mundo. Sa mga babae,
dapat matakpan ang dede, pepe at singit. Hindi sana dapat ipakita
ang mga balikat o ang pusod para mas disente. Ok lang na
Page of 56 68 ericroxas.com 2023
mahigpit ang damit, basta nakatakip ang balat. Ang mga lalake ay
dapat magtago sa pagbukol ng ari at pagpakita ng singit. Kung
pwede rin ay wag masyadong maghubad para ipakita ang
katawan.
Pananalita:
Dapat ay magsalita tayo ng may respeto sa lahat. Hindi tayo dapat
maggawa lang ng mga kwentong mali, sinungaling o makakasakit
sa mga tao. Iwasan natin ang pagmumura (p*tang ina at mga
ganyang kahalintulad). Hindi rin tayo dapat manira ng ibang tao
lalo na ang mga taong wala namang kasalanan sa atin.
Pagtrabaho:
Magtrabaho tayo ng mahusay at maayos para makilala ang ating
kagalingan dahil sa produkto at serbisyo na hinahatid natin sa mga
tao. Hindi tayo magtamad-tamaran kapag wala ang amo kung
namamasukan tayo. Hindi din tayo dapat mandaya o mag-abuso
sa ating mga trabahante kung amo tayo. Hindi rin pwede na
mandaya tayo sa ating trabaho na hindi natin ibibigay ang
pinagkasunduan o inadvertise natin sa mga tao. Dapat ay kung
ano ang sinaad mo na trabahuhin ay tuparin.
Pagkasunduan:
Pahalagahan natin ang mga binibitawan nating mga salita dahil
nawawalan ng halaga ang ating mga salita at spirito kung palagi
nating sinusuway o hindi sinusunod. Kung ano ang
pinagkasunduan mo sa isang tao, dapat tuparin mo. Kung ano ang
sinabi mong gagawin mo sa Diyos, anghel, engkanto o tao – dapat
ay sundin.
Pagmasturbate:
Karamihan sa tao lalo na kapag walang asawa ay
nagmamasturbate o nagpapasarap sa sarili para labasan. Ok lang
ito at normal para sa karamihan. Bihira lang ang maganda sanang
gawin na di magpalabas ng kahit anong similya. Kung kaya para sa
Page of 57 68 ericroxas.com 2023
karamihan, n agmasturbate ang mga tao. Pero dapat sana ay hindi
gagamit ng imahe ng ibang tao para magpalabas ng similya.
Di dapat sana gumamit ng imahe ng ibang tao ang magpalabas at
lalo na ang pornograpiya na ginagawa ng mga maruming tao na
marami nang spiritual at pisikal na sakit. Kung hindi maiwasan ng
tao na gumamit ng imahe ng iba, mas maganda ay gumamit ng
imahe ng taong malapit sa kanya na mas makakabalik pa ng
kanyang enerhiya kesa sa imahe ng taong nasa malayong lugar na
hindi niya makita sa personal at hindi na maibalik ang enerhiya niya
sa kanya.
Kung may asawa ang isang tao, pwedeng gamitin niya ang imahe
ng asawa niya para magpalabas. Yan ang karapatdapat kesa
imahe ng ibang tao ang palabasan.
Pagsex:
Ang sex ay dapat sana gawin lang ng mag-asawang kasal. Kung
hindi man kasal, sila ay committed na sa isa’t isa para sa
pangmatagalan habambuhay. Dapat sana ay pahalagahan natin
ang ating mga virginity o kabusilakan hanggang makahanap tayo
ng pwede nating makasama habambuhay bilang asawa.
Nguni’t hindi naman ito nangyayari kadalasan dahil ang karamihan
sa mga tao ay nagsisiping kapag binata o dalaga pa sila sa iba’t
ibang mga tao. Hindi na napahalagahan ang virginity. Parang
naging sumpa ang pagkavirgin na dapat tanggalin ng mga tao sa
lalong madaling panahon. Maling pag-iisip ito. Ang pinakaswerte
nga ang mga taong virgin dahil nasa kanila pa ang kayamanang
pwede nilang ibigay sa kanilang mga asawa.
Ang sex ay dapat sana gawin sa pribadong lugar ng mag-asawa at
hindi i-video o gawin sa publiko para ipakita sa ibang tao. Isa itong
sagradong kaligayahan ng mag-asawang nagmamahalan at hindi
dapat gawing biro lang o katuwaan. Ito ay may kaakibat na
responsibilidad dahil pwedeng makabuo ng bata kapag mag-abot
ang similya ng lalake at babae. Kung kaya’t dapat mag-ingat tayo
sa pagsex.
Page of 58 68 ericroxas.com 2023
Pagmeditate:
Kung magmeditate tayo araw-araw, malaking tulong ito para sa
ating katawan, isipan at spirito.
Ang kadalasang natututunan ng tao na uri ng meditation ay
mindfulness o awareness na nagiging mulat siya sa kanyang sarili.
Kapag gusto pa nating mas mapalalim ang ating meditation, dapat
ay sikapin nating maging mulat sa ating pagiging mulat. Ipaliwanag
ko pa ito ng mas detalyado sa ibang panahon at lugar puhon.
Tapos ang tinuturo kong FREE 3rd Eye Meditation ay
makakatulong na sa lahat ng aspeto ng buhay. Malalaman natin
kung ano ang katotohanan sa direktang spiritual na karanasan sa
pamamagitan ng pagmeditate. Mas maganda ay magawa ito araw-
araw at least isang beses. Pwede rin hangggang 2 beses. Isa sa
umaga at isa sa gabi o hapon. Sabayan mo ang LIVE meditation ko
kada Sabado ng 10 am at gamitin ang replay sa kahit anong oras
na pwede ka magmeditate.
Lahat ng benepisyo ng meditation ay makukuha sa paggawa ng
tinuturo kong pamamaraan sa meditation. Narito na rin ang
mindfulness o awareness at mas marami pang kamalayan na
masasaklaw pati ang ibang mundo.
15 minutes lang ang meditation tapos pwede pa nga paikiliin ng 9
minutes kung gusto ng tao. Malaking epekto na ito sa tao sa
buong araw. Para mas makapaghanda sa FREE 3rd Eye
Meditation, basahin niyo lang ang Gabay sa 3rd Eye Meditation:
www.ericroxas.com/gabay3rdeye
Pagdasal:
Ang pagdasal ay ang pagpapakain natin sa ating spirito para
lumakas ito. Kailangan ay at least 1 beses kada araw ang ating
pagdasal pero pinakamaganda ay 1 beses sa umaga pagkagising
at 1 beses sa gabi bago matulog.
Page of 59 68 ericroxas.com 2023
Ang dasal ay ang nagbibigay sa atin ng gabay, proteksyon at
kalakasan para manatili sa Landas ng Kabanalan papunta sa
Panginoon at mapagtagumpayan ang lahat ng pagsubok sa buhay.
Gamitin ang Gabay sa Araw-Araw na Pagdasal para sa saktong
pamamaraan ng pagdasal sa pang-araw-araw:
www.ericroxas.com/gabaydasal
Pagjournal:
Ang pagjournal ay ang pagsulat ng ating mga karanasan at
kaisipan sa isang notebook o journal. Dito sinusulat ang mga
nararanasan natin sa meditation, mga panaginip, mga
pinagmumuni-munihan, kababalaghan, pangarap at iba pang mga
pinag-iisipan para matandaan, mabalikan at mas mapalalim.
Magandang habit ang pagjournal dahil dito mas nagiging mahusay
ang ating pag-iisip.
Ang pagsulat ay ang practice ng pag-iisip. Kung kaya’t habang
mas nagsusulat tayo, nahahasa ang ating pag-iisip. Makatulong
din ang pagpalabas ng ating mga nararamdaman sa journal para
mawala ang stress natin.
Pagbahagi ng Mabuting Balita:
Isa pang magandang gawin ay ang pagbahagi ng mabuting balita.
Ito ay nangangahulugan na pagbahagi ng Bible verses o mga linya
sa sagradong libro para sa karamihan ng tao, pero hindi lang ang
mga galing sa lumang sagradong libro ang mabuting balita. Kahit
ano pong salita basta ayon sa kalooban ng Diyos at nakakatulong
sa mga tao ay mabuting balita.
Ang kahit anong impormasyon na makakabuti sa tao na
makakapagpalapit sa kanya sa magandang kalusugan ng kanyang
katawan, isipan at spirito ay mabuting balita. Ang pagbahagi natin
ng mabuting balita syempre ay nagsisimula sa pagsasakatawan
natin sa lahat ng mga payo na ipinapahayag natin sa ibang tao.
Tayo na ang buhay na mabuting balita.
Pagtulong sa Kapwa sa Material na paraan:
Page of 60 68 ericroxas.com 2023
Pwede ring magtulong sa kapwa sa material na paraan. Pagbigay
ng pagkain, tubig, damit, bahay, gamit sa bahay, pera at iba pang
material na bagay ay isang paraan din ng kabutihan. Kasama na
dito ang mga feeding program, medical mission at iba pang mga
material na pagtulong. Importante alalahanin na ang mas
magandang pagtulong ay ang pagtulong na tumatagal sa
mahabang panahon at hindi pangminsanan lang at umaasa pa rin
ang tao sa iba.
Kumbaga, sa halip sa pagbigay lang ng pera o pagkain sa tao na
magagamit niya, mas maganda ay mabigyan mo siya ng
kabuhayan at pamamaraan na makatayo sa sarili niyang paa para
makakuha sa kanyang mga pangangailangan. Kumbaga, ang
edukasyon at pagbigay ng mga pagkakataon para patuloy na
magsikap sa kabuhayan ang tao para sa kanilang mga
pangangailangan ay mas maganda kesa sa mga hand-out o ibang
minsanan lang na aasa pa rin sila sa iba kesa makagawa ng
sariling pagkataguyod.
Panggagamot:
Karaniwan ding ginagawa sa mga taong napapasok sa spiritual ay
ang panggagamot sa kapwa tao. Ginagamit ang mga langis,
haplas, orasyon, perlas, dasal, hilot, tawas, suob at iba pang mga
pamamaraan ng faith healer, albularyo o manggagamot para
makapagpagaling ng sakit ng mga tao. Malaking tulong din ang
panggagamot kasi ang manggagamot ang nagtulong sa mga tao
na mabayaran ang kanilang mga karma para matigil na ang sakit.
Gayunpaman, malaking responsibilidad at maraming panganib ang
nakapaloob sa pagiging manggagamot. Literal na nasa dulo ng
buhay at kamatayan ang manggagamot – lalo na kung hindi
maalam ang manggagamot sa batas ng panggagamot at paano
saraduhan ang mga sakit.
Bago manggamot, dapat malaman ng tao sa pamamagitan ng
masusing pag-aaral ano ba ang saktong proseso sa panggagamot.
Balang araw ay plano ko rin magturo sa wastong proeseso sa
panggagamot. Abangan niyo na lang din yan.
Page of 61 68 ericroxas.com 2023
CH13: Sarili kong buhay
Ganito ako namumuhay para ipatupad ang Landas ng Kabanalan
sa sarili kong buhay. Hindi ko sinasabi na tularan niyo ako sa lahat
ng paraan kasi medyo extreme ang halimbawa ko. Binabahagi ko
lang sa inyo ito bilang inspirasyon na makakuha kayo ng ideya
paano maging mas banal na tao sa sarili niyong buhay.
Ito ang mga sumpa ko na di na gagawin habambuhay. Ang pag-
iwas sa ganito kasama ang paggawa ng kabutihan ang nagpalakas
sa aking spirito at nagpataas sa nakamit ko sa misyon ng 3 na
taon:
• Manood ng porno
• Uminom ng alak
• Magdroga
• Magyosi
• Manglandi
• Magsadya na maghanap ng sexy / bastos
• Pumunta sa kahalayan, inuman, discohan
• Maghubad sa publiko
• Pumatay
• Magsugal
• Magnakaw
• Magmura sa asawa
• Makipagbalikan sa ex
• Tumigil sa misyon
• Maghiwalay sa asawa
• Sumama sa ibang babae mag-isa
• Magpasakay sa babae sa sasakyan na mag-isa
• Magpapasok sa bahay sa babaeng mag-isa
• Magtanggap ng kahit sino sa bahay sa gabi lalo na kung babae
• Makipag-video call sa mga tao ng basta-basta na walang
saktong proseso lalo na sa gabi
Ang mga sumpang ito ay dahan-dahan kong dinagdag sa buhay
ko isa-isa hanggang nagawa ko na sa buhay ko silang lahat sa
tatlong taong pagmisyon.
Buhay ko:
Page of 62 68 ericroxas.com 2023
Ako ay nagtira sa Sagradong Bahay ko dito sa Holy Paradise
Resort. Mag-isa akong tao sa bahay ko kapag natulog ako sa gabi
pero marami akong bantay na engkanto at nakakabisita minsan ng
personal ang asawa kong p engkanto na si Rose.
Mga kasama ko:
May mga bantay akong tao pero nasa ibang bahay malapit sa akin
at lalake sila. Hindi ako nagtanggap ng babae bilang bantay. Bawal
ang ibang babae sa gabi dito na hindi naman guest sa resort ko.
Hindi rin ako nagtanggap ng kahit sinong tao sa gabi sa bahay ko,
kahit guest ko sila.
Ang babaeng nakakasama ko sa bahay sa umaga ay si Ate Tece na
ang tanging pinayagan ng asawa ko dahil siya ang masasaligan na
hindi gagawa ng masama sa akin at gagabayan ako sa tama.
Si Ate Tece ay may kambal na si Kuya Loe na tatay kong engkanto.
Kumbaga, Tita ko si Ate Tece. Malapit din ako sa pamilya ni Ate
Tece na tinuturing kong sarili ko na ring pamilya. Si Ate Tece ang
pinakanakakaunawa sa akin dahil siya rin ang may maraming
karanasan sa mga engkanto at iba pang spiritual na bagay katulad
ko.
Si Ate Tece ay kasama kong nagtulong sa akin sa pagluto,
pamalengke, paggawa ng produkto, pag-asikaso ng mga bagay sa
resort, paggawa ng mga ritual, paghanda sa mga events,
pagsasaayos ng mga landscaping at paglinis. Siya ang
pangunahing kasama at gabay ko sa pagmisyon sa Landas ng
Kabanalan at nagmisyon na din siya mula noong 6 years old pa
siya. Nagtulong din ako sa paggawa ng lahat ng ginagawa niya
kapag di ako busy sa ibang ginagawa ko.
Ginagawa ko:
Nagsusulat ako ng libro, gumagawa ng video, nakikipag-usap sa
mga sakop o kliyente, nagsasagot sa mga tanong, nagbabahagi ng
mabuting balita, gumagawa ng produkto at nagpapaliwanag ng
Page of 63 68 ericroxas.com 2023
serbisyo. May mga ritual, blessing at pagbasa ako ng aura din na
ginagawa.
Wala akong time para sa mga games o di kaya magscroll sa mga
walang lamang content. Di ako nagtingin ng mga bastos o di kaya
ay kalokohan lang.
Ako din ang nagpapatakbo at nagpapagawa sa resort ko.
Nagtuturo ako sa mga trabahante sa mga pamamaraan ng trabaho
na matutunan ko sa tatay kong engineer, mula sa YouTube o di
kaya sa ibang nagpapagawa ng mga resort.
Nakikipag-ugnayan din ako sa mga magulang ko, kapatid, tito, tita,
pamangkin at pinsan na nasa malayo. Nagpapasalamat ako na ang
mga magulang ko ay mapagmahal sa akin at nagsusuporta sa akin
kung kailangan ko ng suporta nila.
Palagi akong nagdasal araw at gabi. Nagmemeditate ako palagi
kahit na ilang minuto lang kapag sobrang busy ang nagiging araw.
Minsan naman ay umaabot ako ng oras-oras sa pagmeditate kung
yun ang misyon ko.
Sa halip na may bisyo katulad ng yosi, ako ay umuupo lang at
humihinga. Nagiging aware lang ako sa sarili kong pag hinga.
Hihinga ako kahit ilang mga hinga lang o di kaya maggamit din ng
timer kung kailangan.
Ang mga panaginip ko ay maliwanag at mahalaga sa akin.
Paggising ko ay inuuna ko ang pagsulat sa mga panaginip ko para
matuklasan ang mga mensaheng nais iparating sa akin at makilatis
ang mga karanasan ko sa kabilang mundo.
Pagkapwa:
Tumutulong ako sa kapwa ko sa pamamagitan ng pagbigay ng
mga pera kapag nangailangan sila sa pagkain. Hindi ako
nagbibigay kapag alam kong bisyo ang bibilhin nila. Ito ay bukod
pa sa minsang pagbigay ko ng pambili ng mga materyales o gamit
para sa kabuhayan ng mga tao.
Page of 64 68 ericroxas.com 2023
Sinasabihan ko ang mga taong gustong mag-add sa akin sa social
media na dapat hindi bastos o hubad ang profile pic nila kung
gusto nilang tanggapin ko sila. Dapat disente ang hitsura.
Ang mga bashers ko sa social media o sa personal ay
pinagpapasensyahan ko. Di naman nila alam ang mga sinasabi
nila. Kadalasan din ay ang pinanggagalingan ng sinasabi nila ay
inggit. Kung kaya’t inuunawa ko lang sila. Tahimik lang ako at
minsan nagpapaliwanag ng maayos kung kailangan.
Alaga sa katawan:
Nag-eexercise ako ng weightlifting o calisthenics ng 2x a week
tapos sa ibang mga araw naman ay maglalakad. Kasama na rito sa
paglalakad ay ang paglakad para sa mga papeles o di kaya ang
paglakad para tingnan at pangasiwaan ang mga nangyayari sa
resort. Nakadepende din sa panahon. Kung maulan o mainit, mag-
adjust ako sa exercise na pwede kong gawin.
Sinisigurado kong malusog ang pagkain ko na kinakain. Sariwa at
natural. Iba’t ibang klaseng pagkain na makulay. Sa ngayon, karne
at prutas ang kinakain ko. Ang bagong lutong bahay ang
pinagsisikapan kong palaging makain. Paminsan din ay kumakain
sa mga kardinerya o restaurant.
Sa tubig naman ay umiinom ako ng sapat at malinis na tubig. May
filter ang tubig ko tapos ang tubig ay galing mismo sa natural
spring dito sa barangay ko. Pwede rin namang walang filter kung
di umulan ng malakas dahil di malagyan ng buhangin ang tubig.
Swerte ako na direkta ang source sa spring at di dumaan sa may
babuyan o labahan. Pinatesting pa namin ang tubig at malinis ito.
Ito din ang tubig na ginagamit sa aming swimming pool sa resort.
Sa damit ko ay gumagamit lang ako ng mga damit na ok na ang
quality pero good price pa rin. Pareho lang din naman ang hitsura
ng mga damit na mahal at mura kadalasan. Ang tinutukoy ko rito
ay ang mga ordinaryong pang-araw-araw na damit. Para naman sa
pangritual na damit, bumibili kami ng tela at nagpapagawa sa
sastre namin na si Lisa na anak ni Ate Tece.
Page of 65 68 ericroxas.com 2023
Sa paglinis ng sariling katawan, nagsasabon at nagshahampoo
ako. Nagtoothbrush ako, nagfofloss at nagto-tongue cleaner.
Sa pagpagwapo, may nilalagay ako sa sarili ko na bigay ng mga
engkanto sa akin bukod pa sa liwanag na binibigay nila sa akin.
———
Ang isip ko ay patuloy kong pinokus sa Diyos, sa asawa ko, sa
mga anak ko at sa aking misyon.
Hindi ako nagsimba sa kahit anong simbahan. Ang sarili ko lang na
bahay at altar ang ginagamit ko para magsamba sa Diyos.
Ang rehistrado kong relihiyon ay Roman Catholic dahil yun ang
relihiyon ng nanay ko pero ang spiritualidad ko ay sakop ang lahat
ng relihiyon.
———
CH14: Huling Salita
Itong Landas ng Kabanalan ay isang gabay para sa mga tao para
maging banal na tao.
Ang gabay ay nariyan para magpakita sa kung ano ang tama pero
nasa sa atin pa rin bilang mga tao kung gagawin natin ito.
Dasal ko lang na matupad mo ang lahat ng mga sinasabi ko sa
Landas ng Kabanalan para sa sarili mo.
Kung seryoso ka na talaga para tuparin ang Landas ng Kabanalan
at gusto mo nang magkaroon ng mas malaking epekto ang
kabanalan mo rito para sa kinabukasan mo sa kabilang mundo,
magmisyon ka sa tinuturo ko:
https://ericroxas.com/misyon
Page of 66 68 ericroxas.com 2023
Page of 67 68 ericroxas.com 2023
Marami akong FREE na gabay na nakakatulong sa mga tao sa
Pangkalahatang Self-Improvement Papuntang Langit sa website at
social media pages ko. Pagkatapos nito, kung gusto mo ng mas
masinsinan pang pagturo ko sa yo, pwede ka mag-avail sa mga
may bayad na memberships sa Eric Roxas School.
https://school.ericroxas.com
Maraming salamat po at God bless!
Relax tayo, dasal at enjoy sa ating kabanalan!
Page of 68 68 ericroxas.com 2023