Pwede niyo download ang PDF version ng ebook dito:

AUDIOBOOK VERSION available sa Spotify:

HTML Version

Page of 1 40 ericroxas.com

Kaliwanagan ng
Katotohanan
Eric Roxas

https://ericroxas.com

Page of 2 40 ericroxas.com

Talaan ng Nilalaman
Sino Ako na Naghayag?
4

Bakit Engkanto ang sinasabi ko?
5

3 Antas ng Buhay
10

Karma, Reincarnation at Paghusga
14

Bakit Tayo nasa Earth?
17

Saan Napupunta ang Tao Pagkamatay?
21

Misyon: Pagsikap para sa Magandang Spiritual na Kinabukasan
24

Pagsimula ng Mundo
28

Pagsimula ng Tao
29

Hanggang Kailan ang Mundo?
31

Kamatayan
33

Diyos
36

Ang Kaliwanagan ng Katotohanan ay nasaan?
39

Page of 3 40 ericroxas.com

Sino Ako na Naghayag?
Ako si John Eric Velilla Roxas na sinilang noong March 27, 1993 sa Maynila.
Noong bata ako ay nasa Bulacan ako. Noong naging edad na pwede na ako
mag-aral ay lumipat kami ng pamilya ko sa Quezon City at doon ako lumaki.
Mula pa noong bata ako, kakaiba na ang aking karanasan.
Noong grade school pa lang ako (mga 9 years old ako ata noong 2002),
natatandaan kong malinaw ang aking mga di-karaniwang panaginip tungkol
sa iba’t ibang mga mundo, mga pangyayaring kababalaghan at mga
mahiwagang nilalang na nakikipag-usap sa akin.
Nagsulat na ako tungkol sa mga panaginip ko upang subukang unawain ang
mga nangyayari sa akin. Naghanap ako ng mga taong makakatulong sa akin
na maintindihan ang buhay ko.
Naging spiritual seeker ako.
Mula noon hanggang 2019 ay naghalukay ako sa lahat ng mga babasahin,
nagsubok ng iba’t ibang meditation at spiritual na pamamaraan, nagsali sa
iba’t ibang grupo at kulto, naglakbay sa malayong mga lugar, nag-ayuno ng
walang pagkain o tubig, nagdasal ng mga iba’t ibang mga dasal, nagkanta o
nag-chanting, nagsayaw ng mga spiritual na tradisyon, nagyoga, nag-lucid
dreaming, nag-channeling, nakipag-usap sa iba ibang guro at iba pa.
Napakarami kong ginawa na mga bagay para sa aking paghahanap sa
spiritual, pero wala pa rin akong nahanap na kasagutan sa mga
pinakamalalim kong mga katanungan.
Dulot ng ganitong sitwasyon, nawalan ako ng pag-asa. Nagpakasarap na
lang ako sa kamunduhan dahil parang wala rin naman palang purpose ang
lahat. Nagwala din ako dahil wala na akong masumbungan sa mga
pinagdaraanan kong karanasan sa aking kalooban.
Kung kaya’t nagpakasala ako hanggang October 2019 sa panahong muntik
na akong nagpakamatay. Noong magpapakamatay na sana ako, nagdasal
ako na kung mayroon man Diyos, sana ay tulungan Niya akong maliwanagan
ng landas. Sa hindi ko maintindihang pangyayari, umalis ako mula sa
tatalunan ko sana para magpakalunod. Nagpahinga ako. Parang biglang
nagbago ang ihip ng hangin. Diyan na nagsimula ang sunod-sunod kong mga
panaginip, pangitain at kutob na naggabay sa akin para makarating kung
nasaan ako ngayon.

Page of 4 40 ericroxas.com

Noong November 2019, nagabayan ako para pumunta sa isang party ng
yoga teacher na si Dada Shiveshananda na kaibigan ko sa Parañaque at
doon ako nakakilala ng mga taong galing sa Siquijor na sina Ivan at Noel.
Kasama din nila si Amay na taga-Maynila. Dito na nagsimula ang misyon ko
bilang Engkantao. Dito na nagsimula ang kalinawan sa mga panaginip,
meditation, pangitain at kababalaghan na nagturo sa akin sa ano ang
katotohanan sa ating mga buhay dito bilang tao – hanggang sa dumating ako
sa panahon ngayon na sinusulat ko ito. November 2022 (bagaman matapos
ko ito sa 2023). 3 taon na akong nagmimisyon sa Landas ng Kabanalan.
Yan ang mga detalye sa buhay kong importante lang na maunawaan ninyo.
Ang simpleng salita ay dati akong makasalanan at naghahanap sa spiritual na
katotohanan dahil sa mga kababalaghang naranasan ko simula pagkabata
ko. Hinalughog ko ang lahat ng mga pwede kong malamang spiritual na
impormasyon at metodolohiya pero walang gumana sa akin na masagot ang
pinakamalalim kong mga katanungan kundi ang huling natagpuan kong ito.
Ang librong ito kumbaga ay ang isang pagbabahagi para sa mga taong uhaw
para sa spiritual na katotohanan at nais nang magbagong buhay mula sa
makasalanan papunta sa kabanalan. Kung nakaka-relate ka sa sinasabi ko,
ede magpatuloy ka.
Itong ibahagi ko ay ang Kasaysayan ng Mundo na natutunan ko mula sa
Panginoon, mga anghel at mga puting engkanto. Nawa ito ang magbigay sa
mga tao ng Kaliwanagan ng Katotohanan para magtanglaw sa kanilang
araw-araw na buhay.

Bakit Engkanto ang sinasabi
ko?
Engkanto.
 Ang naiisip madalas ng mga tao kapag nakarinig ng salitang
engkanto ay masama. Iniisip ng mga tao na pinapakialaman ang mga tao o
sinasaktan kapag natamaan nila ang mga engkanto o nasira ang kanilang
mga bahay sa gubat. Marahil ang ilan ay nakakaisip din sa treasure hunting
kasi narinig nila na ang mga engkanto ang may-ari ng mga ginto, diyamante
at iba pang kayamanan.
Baka inisip din ng tao na dapat may hawak silang asin para hindi sila matablan
ng mga engkanto.
Linawin ko lang. Ang engkanto, hindi lahat sa kanila ay masama.

Page of 5 40 ericroxas.com

Ang mga engkanto parang tao lang din yan pero may powers. Mga Hari at
Reyna sila sa mundo ng Engkan. Alam mo ba bakit importante tayong matuto
ano sila?
Kasi galing tayo sa mundo ng Engkan.
Oo. Ibig sabihin nito ay engkanto tayo dati.
Ang Engkan ang tawag sa ating mundo na pinangalanang ganoon dahil sa
Manliligtas nila na namatay para sa mga Engkanto. Oo, may pagkasala ng
engkanto at pagligtas din sa mga engkanto na nangyari doon kaya
kinailangan ni Engkan magpakamatay. Parehong spirito si HesuKristo at si
Engkan pero nasa ibang mundo.
Hindi na natin masyadong pag-usapan ito kasi focus muna tayo sa pagiging
tao natin, pero ang sinasabi ko lang dito ay bakit Engkanto ang tawag sa mga
engkanto. Ang ibig sabihin ng Engkanto ay Tao mula sa Engkan.
Oo, kapatid, Tao pa din ang mga Engkanto pero may pagkamahiwaga lang
sila kasi mas mataas nga Antas ng Buhay nila kesa atin. Mas malapit sila sa
Diyos at sila ang mas naunang nilikha ng Diyos kesa sa Tao.
Paano kamo na napunta tayo rito sa mundo na Tapunan or ang tawag natin
na Earth? Kasi ay nagkasala tayo. Nasa mundo tayo ng engkanto tapos
pumatay, lumandi at umagaw ng mga kaharian.
Ang mga sakop ng mga engkantong Hari at Reyna ay napakabihira lang din
magkasala dahila ng mga matitigas ang ulo ang mga Hari at Reyna. Kaya nga
ang mga taong narito sa mundo ay mga Hari at Reyna lahat. Mas madaming
engkanto ang nanatili sa kabila dahil mas madami ang sakop kesa sa mga
Hari at Reyna (milyon-milyon ang sakop ng kada hari o reyna)
Sa ngayon, importante mo lang malaman na galing tayo sa mundo ng
engkanto at binagsak tayo rito para magsisi sa ating mga kasalanan.

Puting Engkanto ang Gabay ng mga Tao
Sa pinakamatagal na panahon, ang mga puting engkanto na ang
naggabay sa mga tao pero hindi lang alam ng tao.
Ang mga tao ay nag-iisip na ang mga anghel ang naggabay sa mga tao
papuntang Langit. Hindi totoo yan. Maaaring nagsundo ang mga anghel sa
spirito ng tao para makapunta ng Langit, pero hindi naman pumupunta agad
sa Langit ang mga tao pagkatapos nilang mamatay.

Page of 6 40 ericroxas.com

Ang mga puting engkanto ang nag-aakay sa mga tao pagkatapos nilang
mamatay papunta sa Kalbaryo na tanggapan para sa lahat ng spiritong
namatay. Kung ang mga tao ay nagmisyon, dadalhin naman sila sa mundo ng
Engkanto at maging Engkantong Hari o Reyna. Mas pag-uusapan ko ang
Kalbaryo at kaugnay na detalye mamaya, pero balikan natin muna ang mga
puting engkanto.
Ang mga akala ng taong anghel at magagandang nilalang na tumutulong
sa kanila na maging mabuti sa buhay ay engkanto talaga.
Ang mga anghel ay nagpunta lang sa mga tao na nanganganib ang buhay
para iligtas sila mula sa kamatayan o disgrasya. Ang mga puting engkanto
ang mga nilalang na inatasan ng Panginoon na magturo sa kung ano ang
kabutihan sa mga tao para ang tao ay magkaroon ng magandang
kinabukasan sa kabilang mundo.
Hindi lang ng mga tao alam na ang engkanto ang naggabay sa kanila kasi
hindi naman nagpapakilala ang mga engkanto sa tao. Para lang din silang
anghel pero iba ang tinitirahan nila kasi nakatira sila sa Engkantohanong
Mundo tapos ang mga anghel naman ay nakatira sa Langit. Gumabay ang
mga engkanto sa tao sa sikretong paraan o ika nga ay behind the scenes.
Sila ang nagpapanaginip sa mga tao sa kung anong makakabuti sa kanila.

Mayroon ding Itim na Engkanto
Kung mayroong puting engkanto, mayroon ding itim na engkanto.
Ang ibig kong sabihin sa puti at itim ay hindi kulay ng balat kundi ang
kulay ng liwanag na nasa puso ng isang engkanto.
Kahit itim ang balat ng isang engkanto, pwedeng puti pa rin siyang engkanto
dahil sa kabutihan na nasa puso niya. Sa kabilang banda, pwedeng puti ang
balat ng isang engkanto pero itim naman ang kulay ng liwanag na nasa puso
niya dahil sa kasamaan niya.
Ang mga itim na engkanto ang mga mahihirap at loko-loko kadalasan na
nakikialam sa mga tao. Kumbaga, parang sila ang mga kriminal o matitigas
ang ulo sa mga engkanto dahil sila ang pumanig kay Satanas sa unang
panahon. Ang mga itim na engkanto din ang nagbigay ng kapangyarihan sa
mga tao na gustong gumawa ng masama katulad ng pagkulam para pumatay
ng tao pero may kapalit ang mga yan na hihiliingin ng mga itim na engkanto.
May alay na hihilingin ang mga itim na engkanto na hayop, pera o di kaya
buhay ng tao. Kasama din ang mga itim na engkanto sa mga demonyo pero
iba pang klaseng nilalang ang mga demonyo.

Page of 7 40 ericroxas.com

Ang pag-alay sa mga puting engkanto ay iba sa pag-alay sa mga itim na
engkanto kasi hindi nangangailangan ang mga puting engkanto sa alay ng
mga tao dahil hindi sila mahirap o nagugutom. Malinis din ang mga alay ng
mga puting engkanto at hindi sila gumagawa ng masama katulad ng paghingi
ng alay ng buhay na katawan ng tao. Ang itim na engkanto ay
nagdedemanda ng mga alay kasi gutom sila at handa gumawa ng mga
kalokohan para lang pansinin.
Kung ang mga puting engkanto ang naggabay sa mga tao, ang mga itim
na engkanto naman ang nagligaw sa mga tao.

Paano Nagkaroon ng Puti at Itim na Engkanto?
(Alignment sa Kabutihan o Kasamaan)
Sa unang panahon, nagkaroon ng paligsahan ang Panginoon at si Satanas.
Sino daw ang mas maraming papanig sa kanilang mga engkanto? Nagpakita
ng mga kapangyarihan si Satanas at nakakabighani sa mga engkanto. Kaya
maraming pumanig sa kanya. Pero mayroon ding mga engkanto na hindi
pumanig kay Satanas. Nanatili silang tapat sa Panginoon.
Nagkaroon ng mga kapangyarihan galing kay Satanas ang mga itim na
engkanto. Tapos ang mga nanatiling tapat sa Panginoon ay nagkaroon din ng
kapanyarihan pero mas malakas kesa sa kapangyarihan ng mga itim na
engkanto. Kung magkasala ang mga puting engkanto, magiging itim na
engkanto sila. Kung magpakabuti at magsisi ang mga itim na engkanto,
magiging puting engkanto sila.
Kung mabigat na ang mga kasalanan ng engkanto, ibabagsak na sila sa
mundo ng tao para maging tao. Ito ang nangyari sa karamihan ng mga tao sa
ngayon. Lahat tayong tao rito halos ay binagsak galing sa mundo ng
engkanto dahil sa mga kasalanan natin.
Ang alam lang ng tao kadalasan ay ang kwento ng mga itim na engkanto,
pero kaya nga dito ko pinaliwanag na mayroong itim at puting engkanto. Ang
mga engkantong pumanig sa Panginoon ay ang mga puting engkantong
nakatira sa engkantong mundo at bumibisita dito sa mundo ng tao para
tumulong sa mga tao na binagsak dito para makabalik sila sa kanilang mga
kaharian sa mundo ng engkanto. Sila ang mga gumagabay sa mga tao.
Kunsagayon ang pagiging PUTI at ITIM na engkanto sa ganitong paraan ay
ang kanilang ALIGNMENT o ang pinipili nilang Kabutihan (Puti) o
Kasamaan (Itim)
.

Page of 8 40 ericroxas.com

Ito ang kulay ng enerhiya sa kanilang puso, hindi ang kulay ng kanilang
balat.
Yung Alignment na ito ay mababago ayon sa kung nagpatuloy ang engkanto
sa kasamaan o kabutihan.
Iba pa ito sa mga kulay na nagsasabi tungkol sa color ng kanilang MATAAS
NA KAHARIAN.

Paano naman ang mga Ibang Kulay ng Engkanto?
sa (Color ng Mataas na Kaharian)
Marahil nakarinig kayo na may iba ibang kulay ng engkanto, lalo na kapag
nagpa-aura kayo sa akin. Alam niyo na kung ano ang kulay niyo bilang
engkanto dahil dito. Red, orange, yellow, green, blue, indigo, violet, silver,
gold, brown, white, black at iba pa. Oo, mayroon talagang mga ganyang
kulay. Iba pa yan sa color ng alignment.
Yan ang mga kulay ng kanilang MATAAS NA KAHARIAN.
Ang mga kulay na ito ay iba pa kesa sa puti at itim kasi ang puti at itim na
sinasabi ko kanina. Pero teka, bakit may puti at itim din sa sinasabi mong
kulay? Nakakalito ba?
Gaya ng binanggit ko ang pagiging Puti at Itim na Engkanto ay ang
ALIGNMENT sa kabutihan o kasamaan. Ito yung kulay ng puso na ayon sa
pagsunod mo sa mabuti o masama. Pero yung kulay ng engkanto na hindi
lang puti at itim ay ang COLOR ng kanilang MATAAS NA KAHARIAN ayon
sa kung ano ang pinakamalakas na color ng kanilang enerhiya. Parang
apelyido ito or address kumbaga.
Walang mas mataas o mas mababang color. May mga mataas at
mababa sa bawat color depende sa pagsikap ng isang tao.
Halimbawa, ako ay yellow na engkanto dahil ang pinakamalakas na kulay ko
ayon sa kung anong mga kaharian ang naabot ko ay yellow. Dati ay orange
na engkanto ako dahil yun pa lang ang color na naabot ko. Dahil sa pagsikap
ko ay naabot ko yung mga kaharian ko sa color yellow. So ibig sabihin nito na
ang Color ng Mataas kong Kaharian ay Yellow.
Para naman sa alignment, ako ay Puting Engkanto dahil ang pinipili ko ay ang
kabutihan. Dati noong nagkasala ako sa dati pang panahon ay naging Itim na
Engkanto ako at dahil sumobra na ang kasalanan ko ay tinapon ako dito sa
mundo ng tao para mag-reincarnate paulit-ulit para magsisi.

Page of 9 40 ericroxas.com

Dahil sa pagmimisyon ay naging Puting Engkanto na ulit ako at nakuha ko
yung mga matataas kong Kaharian na nasa collor Yellow. Mayroon din akong
mga kaharian na nasa ibang kulay pero ang pinakamadami at pinakamalakas
kong mga kaharian ay nasa collor Yellow ayong sa naabot kong misyon.
So tandaan mo iba ang ALIGNMENT (Puti at Itim) at ang mismong
COLOR NG MATAAS NA KAHARIAN.
So ulitin ko rito para malinaw. Ang Alignment ko ay Puti.
Ang Color ng Mataas na Kaharian ko ay Yellow.
Ang pinakanakakalito ay kung ang alignment mo ay puti tapos ang color ng
mataas na kaharian mo ay itim kasi puti ka na nga pero itim ka pa din. So
mag-ingat lang kayo sa pagsasabi tungkol sa mga colors.

Ano Ngayon?
Kilalanin natin ng mabuti ang mga engkanto, lalo na ang mga puting
engkanto kasi galing nga tayo sa mundo ng mga engkanto at ang mga puting
engkanto ang naggabay sa atin para makabalik tayo sa pinanggalingan
nating mga kaharian.
Hindi ito fantasy o fairy tale lang na pwede nating kalimutan kasi
haharapin din natin ito bilang realidad balang araw.
Habang buhay pa tayo, magsikap tayo magtuklas sa katotohanan gamit ang
FREE 3rd Eye Meditation na turo ko, sundin ang Landas ng Kabanalan at
kung seryoso na talaga tayo ay magmisyon billang official na engkantaong
misyonaryo.
Ito ay para mataas ang ating mga maaabot na mga kaharian pagdating sa
kabilang mundo.

3 Antas ng Buhay
May 3 Antas ng Buhay sa pinaka-basic na pananaw sa buhay.
1. Diyos at Mga Anghel
2. Mga Engkanto
3. Mga Tao

Page of 10 40 ericroxas.com

Lahat ng klase ng buhay na tatalakayin natin dito ay ang mga ginawa sa
imahe at kawangis ng Diyos. Maraming iba’t ibang klase ng buhay sa mundo
at kalawakan pero hindi natin sila tatalakayin dito dahil ang tatalakayin natin
dito ay ang mga bagay na kaugnay sa atin bilang mga ginawa sa imahe at
kawangis ng Diyos.
Dahan-dahan, ang ating pinagsisikapan sa buhay at pagmimisyon ay
umangat sa mga antas ng buhay para makasama natin ulit ang Diyos bilang
mga Anghel sa Langit. Pero kailangan dumaan muna tayo sa mundo ng mga
engkanto bilang engkanto. Ang bahaging yan na pagdaan sa engkanto ay
ang hindi alam ng karamihan sa mga tao dahil hindi pa nga napag-uusapan
yan sa mga spiritual na katuruan mula noon hanggang ngayon.
Ang mga matataas na Anghel at Engkanto ay mga Hari at Reyna din sa
kanilang mga lugar na pinanggalingan. May mga anghel at engkanto na hindi
binagsak sa lupa at sila ay nanatili sa Langit o Engkantong Mundo pero hindi
naman sila may masyado mataas na antas katulad ng mga binagsak dito sa
lupa. Gaya ng nabanggit ko, hindi nagkasala ang mga sakop ng mga Hari o
Reyna sa Langit o Kabilang Mundo pero nagkakasala ang mga Hari o Reyna.
Kung kaya, lahat ng mga Tao na narito sa mundo ngayon ay mga Hari o
Reyna sa Langit o Kabilang mundo na nagkasala at kailangan tuloy natin
magsisi para makabalik sa pinanggalingan natin.

1 Diyos at Mga Anghel

Ang pinakamataas na antas ay ang Diyos at mga Anghel sa Langit. Ang Diyos
ay ang nag-iisang pinakamakapangyarihan sa lahat at ang mga Anghel
naman ang kanyang mga kasama na nagpapatupad sa kanyang kalooban.
Iba ang trabaho ng mga Anghel kesa sa Puting Engkanto pero minsan
nagkakatugma ang dalawa. Ang anghel ang nagprotekta sa mga tao mula sa
disgrasya at sila din ang magsundo sa mga taong namatay. Ang mga
personal guardian angel din natin ay may trabaho para giyahan tayo pero iba
pa yan sa trabaho ng ating mga gabay na puting engkanto.

2 Mga Engkanto
Sumunod ay ang mga engkanto na parang mga tao na may kapangyarihan.
Sila ay ang tumitira sa kabilang mundo. Tinatawag sila mga fairies, gods,
devas, nature spirits at iba pang mga tawag. Sa ilang panahon din sa
kasaysayan at hanggang sa ngayon ay napagkakamalan silang mga alien.
Sila ay nangangasiwa at nangangalaga sa mga iba’t ibang lugar sa kalikasan.
Ang mga puting engkanto din ay ang nagtuturo sa mga tao paano maging

Page of 11 40 ericroxas.com

banal. Maraming silang mga kapangyarihan. Kaya nila lumipad, magpalabas
ng mga gamit o pagkain mula sa hangin, magbago ng kanilang mga anyo,
magpadami ng katawan, magpagalaw ng bagay gamit ang isip, gumawa ng
pera mula sa dahon at marami pang iba. Gaya ng nabanggit sa naunang
kabanata, may mga itim na engkanto din na gumagawa naman ng masama.

3 Mga Tao
Ang alam ng tao kadalasan syempre ay ang tungkol sa tao. Ang tao ay ang
sinumpaan para mamuhay dito sa mundo ng tao na puno ng pagdurusa.
Mahirap magpanganak, mahirap maghanap-buhay at mahirap mabuhay.
Magkakasakit, papangit, tatanda at mamamatay ang tao.
Madali din maloko, nagkakamali at maraming tentasyon. Makasalanan ang
tao lalo na dahil sa nangyari ngang kasalanan ni Adan at Eba sa unang
panahon. Bagama’t ganito ang sitwasyon, narito nga ang mga tao para
magsisi sa kanilang mga kasalanan at makauwi sa pinanggalingang kaharian
sa kabilang mundo sa pamamagitan ng kabanalan at pagmisyon.
Ang tao ay binubuo ng 3 bahagi:
• Katawan (solid)
• Kaluluwa (liquid)
• Spirito (gas)
KATAWAN: Ang Katawan ay ang balat, laman, buto at lahat ng mahahawakan
na solid sa katawan. Narito ang ating porma bilang tao at mukha na
makikilala dito sa mundo ng tao. Syempre, ito ang nakikita natin sa mga burol
dahil ito ang ineembalsamo para ilagay sa kabaong. Pinorma ang ating
katawan para maging kapareho ng porma sa Diyos. Oo, ibig sabihin ay
nakatayo, may 2 paa at 2 kamay. 10 daliri sa mga kamay at 10 daliri din sa
mga paa. May 2 mata, isang ilong na may 2 butas, 2 tenga at isang bibig.
Makinis ang balat at may ari. Ang Diyos ay hindi pareho sa tao sa pagkaroon
ng ari kasi hindi naman siya hiniwalay para maging 2, pero ang tao ay
hiniwalay para maging lalake at babae.

KALULUWA: Ang Kaluluwa ay ang dugo, laway, ihi, tamod at iba pang
nananalaytay na mga likido sa katawan. Kung mamatay ang isang tao at
tumagas ang dugo sa isang lugar, masasabi na nandoon ang kaluluwa ng
tao. Ito ang dahilan na may nakikitang santelmo ang mga tao o parang
singaw na ilaw mula sa lugar kung saan namatay ang tao. Ito din ang sanhi
na may haunted house kasi malamang ay namatay doon ang tao at hindi
naging maayos ang pagpanaw niya. Kaya sinasabi din na binibigay ng isang
tao ang kaluluwa niya sa asawa niya dahil naghahalo na ang likido ng
katawan nila.

Page of 12 40 ericroxas.com

SPIRITO: Ang Spirito ay ang hangin na dumadaloy sa baga o mga oxygen/
nitrogen gases na nasa katawan ng tao. Sa madaling salita, ang spirito ay
hangin. Ito ang lumalabas pagdating sa kamatayan ng tao para pumunta sa
iba ibang lugar. Ito ang pinaka-ugat natin bilang Tao kasi spirito tayo na
pumapasok sa isang katawan para ito ay buhayin. Kaya may kapangyarihan
din ang tao gumawa ng mga tinatawag na milagro dahil sa spirito natin – kaya
nga ang mga dasal o orasyon ay iniihip sa mga bagay na Kargahan ng power
o di kaya ay sa gamutan na tao. Ito ang basehan ng lahat ng pag-aaral ng
spiritual – ang ating hininga. Kasi kung walang hininga, walang buhay – dito
man o sa kabilang mundo.

Bukod sa tao: Ibang nilalang
Hindi naman masyado importante pag-usapan ang lahat ng klase ng nilalang
pero maraming nilalang na mahiwaga pero hindi sila engkanto.
Ilang halimbawa sa mga nilalang na ito ay ang tinatawag na:
• Tambaloslos
• Serena
• Shokoy
Hindi na importante para malaman ng tao ang lahat ng bagay tungkol sa iba’t
ibang mga nilalang na ito pero nagbabahagi lang ako na hindi lang engkanto
ang klase ng nilalang na hindi tao.
Mas malapit pa ang lahi ng tao sa engkanto kesa sa lahat ng ibang mga
nilalang na hindi naman ginawa sa imahe at kawangis ng Diyos.

Sanib
Isa sa importanteng pag-usapan ay ang mga nilalang na nabubuo bilang
sanib sa tao.
Ang sanib ay ang pangmatagalang pag-anib ng spirito na hindi tao sa tao. Ito
ay kakaiba sa sapi na mas panandalian lang. Mas matagal ang sanib at
maaaring habambuhay na kung hindi matanggal mula sa katawan ng tao.
Aswang = impeksyon ito ng dugo na nagdudulot ng pangangailangan ng
katawan na kumain ng karne o dugo. Maaaring karneng hilaw o luto, karne
ng hayop o tao. Ang itlog ng aswang ay tumutubo sa loob ng tao para
maging ibon hanggang mamatay na ang tao sa kanyang pagka-aswang.

Page of 13 40 ericroxas.com

Tikbalang = ito ay ang halimaw na may ulo ng kabayo pero katawan ng tao.
Ito ay isa ring klase ng pagka-aswang kasi ang tikbalang ay tao na
nagtransform para maging ganito.

So ano ngayon na mayroong ibang nilalang?
Ang pinakaimportante lang malaman ng tao ay ang 3 Antas ng Buhay na
tinalakay ko kanina. Ang mga iba ibang nilalang na hindi napapasok sa 3
Antas ng Buhay ay parang mga hayop. Bagama’t mas matalino ang hayop
galing sa kabilang mundo kesa sa hayop sa mundo ng tao, hindi pa din sila
kasing taas ng antas kumpara sa tao.
Isang pahapyaw lang na pagbanggit ito sa kanila para lang malaman mo
na mayroon palang ibang klaseng mga nilalang bukod sa atin.
Ang pinakakailangan lang pagkaingatan ay ang pag-iwas na masaniban tayo
ng mga nilalang na ito. Kung kaya’t maganda na may spiritual na proteksyon
tayo sa pamamagitan ng pagpapakabanal, pagdarasal, pag-alaga sa habak
de spiritual na pwede niyong mabili sa Engkantao Shop o iba pang mga
agimat na proteksyon at ang pagmisyon sa Landas ng Kabanalan bilang
official na engkantaong misyonaryo.

Karma, Reincarnation at
Paghusga
“Makakarma ka sa ginagawa mo.” Marahil ay narinig mo na ang pagsasabing
yan. Ang ibig sabihin ng mga tao kapag sinabi yan ay kung ano ang
ginagawa mong masama sa ibang tao ay babalik din sa yo bilang masama.
Sa kabilang banda, totoo din na kung ano ang ginawa mong kabutihan sa
ibang tao ay babalik din sa yo bilang mabuti.
Linawin ko kung ano ang Karma.
Ang Karma ay ang batas ng buhay na nagsasaad na kung ano ang
itinanim ay ganoon din ang aanihin.
So kung nagtanim tayo mabuti, mabuti ang anihin. Kung nagtanim tayo ng
masama, masama din aanihin. Ganoon lang kasimple.
Ang pag-ipon natin ng kabutihan ay tatawaging Good Karma. Ang pag-ipon
natin ng kasamaan ay tatawaging Bad Karma. Para magtagumpay tayo,

Page of 14 40 ericroxas.com

dapat ay mag-ipon tayo ng Good Karma para mas marami yun kesa sa Bad
Karma.
Good Karma minus Bad Karma = Karma
Ang Good Karma ay masasabi ding pagtaas ng points o enerhiya. Ang Bad
Karma naman ay ang magpapababa sa points o enerhiya.
Ang Points at Enerhiya ay magkaugnay pero magkaiba. Ito ang mga
kayamanan, kalakasan o salapi sa kabilang mundo.
Points ay ang mabibigyan ng numero. Ito ay kantidad o quantity.
999,999,999 points halimbawa.
Enerhiya ay ang mabibigyan ng paglalarawan. Ito ay kalidad o quality.
Malakas na enerhiya galing sa ilalim ng dagat halimbawa.
Oo, parang mundo lang din ng tao na lahat ay may presyo at halaga na
kaakibat sa merkado.
Ganoon din sa kabilang mundo. Lahat ng mga ginagawa natin pag-isip,
pagsalita at pagkilos dito habang nandito pa tayo sa mundo ng tao ay
bibilangin at titimbangin para makuha natin ang karampatang halaga ng
kayamanan sa pamamagitan ng points at enerhiya pagdating sa kabilang
mundo.
Isipin mo parang nagtrabaho tayo sa abroad para mag-ipon tayo ng
kayamanan para pagbalik natin sa bayan natin ay mayroon na tayong
paggastos para makagawa ng magandang bahay, makagawa ng negosyo at
makasustento sa maayos na pamumuhay.
Minsan ay hindi naman sa parehong parehong paraan babalik ang mga
ginawa natin sa ibang tao. Pero ang importante tandaan ay kung mabuti ang
ginawa, mabuti din ang gawin sa atin. Kung masama ang ginawa, masama
din ang gawin sa atin.
Kunsagayon, bakit nagkakaroon ng pagkakataon na ang mga mabuting tao
ay nagkakaroon ng kamalasan o may mga ginagawang masama sa kanila?
Ang nakikita lang natin ay ang buhay na ito, pero hindi natin nakikita ang
ibang buhay. Kung lawakan natin ang ating pananaw ay makikita natin na
may ginawa ding masama ang mga mabuting tao sa nakaraang mga buhay
nila kaya sila ay nararapat din magawan ng masama. Isang dahilan yan o di
kaya ay sinusubukan lang talaga sila ng Diyos para malaman ano gagawin
nila sa mga pagkakataong yan – kung magpapakabuti pa din ba sila.

Page of 15 40 ericroxas.com

Baka nagtatanong ka sa ano ibig ko sabihin sa ibang buhay. Ibig ko sabihin
ay hindi lang isa ang buhay natin sa mundong ito. Balik-balik na tayo sa
mundo sa iba ibang buhay at iba iba ang katauhan natin.

Reincarnation: maraming iba-ibang buhay
Ang Reincarnation ay ang batas ng buhay na marami tayong buhay dito sa
mundo ng tao at balik-balik tayo sa mundo para isilang sa ibang buhay
pagkatapos nating mamatay.
Sa tingin mo, nakailang buhay ka na?
Sa ilang buhay ay mahirap tayo. Sa iba naman mayaman.
Sa ilang buhay ay babae. Sa ibang buhay ay lalake.
Minsan nga ay nakaranas na din tayo maging hayop.
Mayroon din iba iba tayong buhay na iba iba din ang mga lahi natin.
Minsan may sakit o kapansanan. Sa ibang buhay ay malusog.
Lahat tayo ay dumaan sa iba’t ibang klase ng sitwasyon dito sa mundo ng
tao dahil kailangan natin yun para matuto sa kailangan nating matutunan at
sinusubukan tayo sa ano ang gagawin natin sa bawat sitwasyon.
Ang tanong ngayon ay hanggang kailan tayo magreincarnate dito sa
mundo? Wala bang hanggan itong pagbalik-balik sa mundo?
Ang sagot diyan ng mga Hindu o Buddhist ay balik-balik daw tayo rito
hanggang natutunan natin ang mga lessons. Pagkatapos ng pagkatuto ay
makaabot na daw tayo sa Nirvana na maging isa na tayo sa lahat ng bagay.
Ang masasabi ko diyan na narinig ko sa mga puting engkanto ay iba. Totoo
ang Huling Paghusga para ilagay tayo sa nararapat na lugar sa atin para sa
Walang Hanggan. Ang kakaiba sa sinasabi ko kesa sa alam ng mga
Kristiyano kadalasan ay mayroon tayong maraming buhay, hindi lang isa.
Limitado ang numero ng buhay na mayroon tayo.
Depende din ito sa anong ibigay sa isang tao para buhayin. Ang ilang tao
mabigyan ng 20 buhay. Iba naman ay 50 buhay. Mayroon ding mga may 70
buhay. Tapos mayroon ding may 99 buhay. Hindi one-to-sawa ang buhay
natin. Nauubos din ang buhay.
Kaya dapat tayo mag-ingat at hindi magkumpyansa.
Hindi tayo dapat magtatanga-tangahan kasi kung mabusan tayo ng
buhay tapos hindi natin pinagbutihan ang mga buhay natin ay

Page of 16 40 ericroxas.com

mahuhusgahan tayo para mailagay sa masamang lugar katulad ng
impyerno.
Ang gagawin pagkatapos ng lahat ng mga buhay ay titimbangin ang lahat ng
ginawa nating kabutihan at kasamaan sa lahat ng mga buhay natin.
Mayroong mga puntos at enerhiya itong katumbas sa kabilang mundo. Kung
ano ang maging pangkalahatang timbang, yun ang magiging basehan sa
desisyon saang lugar ilalagay ang isang nilalang sa Walang Hanggan.
Ang Huling Paghusga para sa desisyon kung saan tayo ilalagay sa Walang
Hanggan ay gagawin nga sa pagbalik ng Panginoon sa year 3000.
Samantalang wala pa ang paghusga, mayroon na din temporary na
paglalagayan ang mga tao na katugma pa din sa kanilang naipong karma sa
lahat ng kanilang mga buhay.
So kahit na wala pa ang Huling Paghusga, kung nagpakabuti ka ay
mapunta sa mabuting lugar. Kung nagpakasama ka ay mapunta ka sa
masamang lugar.
Gayunpaman, habang wala pang Huling Paghusga, pwede pa magsisi ang
mga tao sa kanilang mga kasalanan. So halimbawa ay nasa impyerno ang
isang tao, kung magsisi siya sa impyerno habang wala pang Huling
Paghusga, maaari pa siyang maligtas mula sa impyerno pagdating ng Huling
Paghusga. Pero wag na natin sana paabutin na maitapon pa tayo sa
impyerno bago tayo magsisi…

Bakit Tayo nasa Earth?
Ang Earth ay ang Tapunan para sa mga spiritong nagkasala. Narito tayo sa
mundo ng tao tinapon dahil sa ating mga kasalanan. Dito ko ibabahagi sa
inyo ang mga kasaysayan ng ating mga lahi para tayo ay mabagsak dito sa
mundo ng tao. Sa madaling salita, tinapon tayo sa Earth para magsisi at
makabalik sa Engkantong mundo at balang araw sa Langit.
Sa pangkalahatan, ang lahat ng mga kaganapang ito ay scripted kumbaga
dahil hinayaan talaga ng Diyos na mangyari ang mga bagay na ito para
mangyari ang pagbuo sa mundo.

Diyos at Satanas
Ang lahat ng kabutihan at kasamaan ay nakaugat sa pakikipagtalastasan ng
Diyos at ni Satanas. Isang importanteng kailangan isipin ay ang Diyos nga
ang may kontrol at kapangyarihan para likhain, panatiliin o sirain ang lahat ng
Page of 17 40 ericroxas.com

bagay kung kaya’t nilikha din niya si Lucifer na naging Satanas para gawin
ang trabaho niya.
Si Satanas ay nilikha talaga para maging kaaway, kalaban at tagatukso
sa sangkalibutan. Ito talaga ang trabaho niya.
Bakit? Kasi siya ang magbibigay ng pagkakataon sa lahat ng mga nilalang na
masubukan ano talaga ang paninidigan nila kung dumating na ang mga
tentasyon sa buhay. Kung maintindihan mo ito, hindi mo na iisipin bakit may
kasamaan o Satanas. Gagawin mo na lang ang lahat para manatiling malakas
at pumasa sa mga pagsubok.
Paano naman yung mga sinusuguan ni Satanas para magpakalat ng lagim sa
mundo? Sila ang mga demonyo. Ang demonyo ay mga tao dati na
napasailalim na kay Satanas kaya ginawa niyang sugo para gawin ang mga
kasamaan. Pinaparusahan pa din sila dahil sa ginawa nilang kasalanan pero
ginagamit na lang din ni Satanas para gawin ang gusto niyang gawin na pag-
alok ng tentasyon sa mga tao para mas dumami pa ang kanyang mga
masasakupan sa impyerno.

Kabutihan at Kasamaan
Dulot nga sa pagkakagawa ng Diyos kay Satanas, nagkaroon ng kabutihan at
kasamaan. Ito ang pagtutunggali ng magkasalungatang pwersa. Narito ang
pagsubok ng lahat ng tao sa mundo – maging ang mga engkanto. Ano ba
ang pipiliin natin sa dalawa? Gagawa ba tayo ng mabuti o masama?
Ang kabutihan ay ang paggawa ng naaayon sa kalooban ng Diyos. Ang
kasamaan ay ang pagsuway sa kalooban ng Diyos.
Sa pinakasimpleng paraan, binigay ang mga unang kautusan ng Diyos sa
mundong ito sa pamamagitan ng mga batong inukitan direkta ng Diyos. Dito
nilinaw ang kabutihan at kasamaan. Gayunpaman, inukit din ng Diyos ang
kabutihan at kasamaan sa puso ng bawat tao para malaman nila ang
kabutihan at kasamaan. Ito ang tinatawag nating konsensya.

Melodena at Hakob
Maraming tao ang nakakakilala na kay Adan at Eba pero bihira ang mga
taong makakilala kay Melodena at Hakob. Ipapakilala ko ngayon.
Si Melodena at Hakob ang pinakaunang mag-asawang Engkanto sa mundo
ng Engkan. Sila ang nagsiping at nagpadami sa mga Engkanto. Ang binigay
na batas ng Panginoon sa kanila ay dapat hindi na magsiping ang ika-3
salinlahing magkapatid.
Page of 18 40 ericroxas.com

Pwedeng magpinsan ang magsiping kada ika-3 salinglahi. May mga
engkanto na hindi sumunod sa ganitong batas dahil. gusto nilang panatiliin
ang kayamanan sa loob ng kanilang mga pamilya. Dito na nagsimula ang
mga gulo ng patayan, landian at agawan ng kaharian.

Adan at Eba
Alam na ng tao ang nangyari sa Bible tungkol sa unang dalawang tao.
Karamihan naman sa sinabi sa Bible ay totoo pero mayroon ding mga kulang
sa kwento ni Adan at Eba.
Ang pinagbawal kay Adan at Eba ay ang pagkain sa prutas puno ng
kaalaman para malaman ang tama at mali. Papakainin naman sana sila ng
Panginoon sa prutas na yun pero hindi lang tamang panahon.
Pero kung tutuusin, hinayaan din magkasala ang mga tao para makakain sa
prutas at magsiping para dumami ang tao. Kasama din ito sa ritual na
kailangan para magkagulo muna ang mundo bago ito ligtasin.
Gayunpaman, ang kwento ni Adan at Eba ay hindi literal na nangyari dito
sa mundo ng tao kundi ito ay ginawa sa kabilang mundo.
Hindi din ginawa ang tao sa putik lang bagamat may mahiwagang putik na
ginamit – pero pag-uusapan pa natin ito ng mas detalyado mamaya.
Pagkatapos nito si Cain at Abel at lahat ng iba pang mga kwento mababasa
natin sa Bible tungkol sa mga taong nagkasala.

Sakripisyo ni HesuKristo
Alam natin ang ginawa ni HesuKristo na pagpakamatay sa krus na hinayaan
niya mangyari kasi kahit alam niyang may papatay sa kanya, pumunta pa rin
siya sa Herusalem. Ito ay ginawa niya dahil hindi nakinig ang mga tao sa mga
mensahe niya. Siya kumbaga ang naging alay sa ritual para tanggalin ang
mga epekto ng orihinal na sumpa sa mga tao na kaugnay sa ating mga
ninuno.
Hinid ibig sabihin nito na pwede tayong magkasala ng walang patumangga
tapos maghingi lang ng tawad sa huling bahagi ng buhay natin at makapunta
na tayo sa Langit.
Maaaring mapatawad pa tayo pero hindi na tayo makakakuha ng mataas na
pwesto sa Kaharian ng Diyos. Kumbaga magiging alipin na lang tayo sa
kabilang mundo. Mas okay na din yan kesa mapunta tayo sa impyerno.

Page of 19 40 ericroxas.com

Pagbayad sa Utang
Si HesuKristo ang nagbukas sa atin ng pagkakataon para makabayad tayo sa
iba nating mga kasalanan. Tinanggal niya ang sumpa ng mga ninuno nating si
Adan at Eba pero hindi ibig sabihin noon na mapatawad lang tayo sa ating
mga kasalanan kahit patuloy lang tayo sa mga kasalanan natin.
Kailangan magsikap tayo sa iba’t ibang mga buhay natin habang
nagreincarnate pa tayo sa lupang ito (habang may mga reincarnation pa
tayong natitira) bago tayo timbangin sa huling paghusga na titingnan na ang
lahat ng mga buhay natin.
Narito tayo sa mundo ng tao para magbayad sa ating mga utang sa
pamamagitan ng pagdurusa.
Mas maganda kapag nagmisyon ka sa Landas ng Kabanalan bilang official
na engkantaong misyonaryo, pero kahit na hindi ka nagmisyon ay magdurusa
ka pa rin naman sa buhay para magbayad sa mga kasalanan. Kung kaya’t
mas maigi magmisyon ka na lang para masimot mo ang panahon mo at
magkaroon ng mas malaking pakinabang sa pagdurusa mo.

Para Makauwi ng Matiwasay
Narito tayo hindi para mag-enjoy o gumawa lang ng kahit anong gusto natin
dito sa mundo ng tao habang narito tayo.
Ang tanging puno’t dulo natin dito ay makauwi ng matiwasay.
Oo, may mga bagay din tayong pwedeng ma-enjoy dito sa mundo ng tao.
Importante din yan basta naaayon sa karapatdapat lang. Kailangan din natin
ng kaligayahan kahit papaano para tayo ay magsurvive. Pero dapat ay
nararapat pa din sa kabanalan ang kaligayahan, hindi sa kasalanan.
Nandito din tayo para matuto sa iba’t ibang mga karanasan sa ating mga
buhay. Pero ang punto ng pagkatuto o pag-aarall natin ay ang matutunan nga
ano ang mga tama at mali para maayos natin ang ating mga sarili. Narito tayo
para magtrabaho sa sarili nating pag-unlad sa material at spiritual tapos
ibahagi ang kabutihan sa mga tao sa buhay natin.
Ang pag-ayos ng ating sarili ay ang magiging karampatang dahilan para
maging karapatdapat na tayong makauwi ng matiwasay sa ating mga
kaharian pagdating sa panahon na wala na tayong mga reincarnation sa
mundo ng tao.

Page of 20 40 ericroxas.com

Saan Napupunta ang Tao
Pagkamatay?
Lahat ng tao ay pupunta sa Kalbaryo pagkatapos mamatay.

Ang Kalbaryo ay ang lugar na tanggapan para sa lahat ng taong hindi
nagmisyon kapag namatay na sila.
Kung may iba ka pang reincarnation pagkatapos ng reincarnation na ito,
pupunta ka sa Kalbaryo na tanggapan sa lahat ng spirito tapos ililipat ka sa
tinatawag na Aladen na lugar.
Ang Aladen ay parang waiting area para sa mga spirito na may sunod buhay
pa pero naghihintay sila kung maging available na ang katawang papasukan
nila. Ang katawan ay maaaring maging bagong sanggol na wala pang spirito
o hindi kaya katawan ng tao na namatay pero pwede pang buhayin ulit (walk-
in or insert ang tawag nito).
Ang pinakamaganda para sa mas malakas na paggawa ng karma ng
isang tao ay ang pagpasok sa isang katawan mula sa sa pagkasanggol
nito dahil ibig sabihin na ikaw ang original na may-ari ng isang katawan.
Mas mahina ang magawang karma ng isang tao kung walk-in or insert lang
siya sa isang katawan na namatay na at umalis ang kanyang original na may-
ari.
Kung may bakante nang katawan na pwedeng pasukin ng spirito, papasok
na siya rito.
———
Kung ikaw naman ay tapos na sa lahat ng mga reincarnation mo sa mundo
ng tao tapos namatay ka na, mayroon tayong mga titimbangin para
madesisyonan tayo sa kung saan tayo pupunta.
Depende sa 2 bagay:
• Karma dulot ng mga ginawa sa buhay
• Misyon ng taong namatay o ng kanyang mga kamag-anak.
(Ipapaliwanag ko kung ano ang MISYON na ito mamaya.)

Page of 21 40 ericroxas.com

Depende sa karma dulot ng ginawa sa buhay. Simple ito. Kung mabuti
ginawa mo, mabuti din puntahan mong lugar. Kung masama ginawa mo,
masama din puntahan mong lugar.
Depende kung nagmisyon ang tao o hindi. Kung hindi man nagmisyon ang
mismong taong namatay, pwedeng nagmisyon ang kanilang kamag-anak at
makakatulong din ito sa taong namatay.
Ang mga taong nagmisyon tapos bumagsak o tumigil sa misyon ay kasama
na din dito sa mga spiritong pupunta sa Kalbaryo. Ang Kalbaryo ay ang
mundo na timbangang kung saan mananatili ang spirito ng mga namatay ng
3 araw bago sila ipapunta sa sunod na mundo.
Ang sunod na mundo kung saan dalhin ang mga spirito ay ang Purgatoryo.
Sa salita sa kabilang mundo, ito ay tinatawag na Salibhani. Dito mananatili
ang tao ng 7 hanggang 9 araw habang tinitimbang pa ang lahat ng kanyang
mga buhay para malaman saan siya ilalagay na lugar habang naghihintay pa
sa huling paghusga.Sa pinakabasic, may 3 Lugar na mapuntahan ang tao sa kanilang
pagkamatay. Ang tatlong lugar na ito ay ang Aden, Salibhani at Ronezo.
Malalagay ang mga tao sa lugar ayon sa kung ano ang naabot niyang point
habang narito siya sa buhay sa mundo ng tao sa kanyang mga reincarnations
– kahit na nagmisyon siya o hindi bilang engkantaong misyonaryo.
Sa Aden ay maliwanag, maganda at maaliwalas na lugar at dito nilalagay ang
mga tao na hindi masyado malaki ang mga kasalanan pero hindi nakamisyon
sa loob ng mga reincarnation nila habang nandito sa mundo ng tao. May
tubig sa lugar na ito. Maganda ang mga tanawin. Maginhawa ang paghinga
at paglibot sa lugar. Hindi pa ito ang lugar na Langit pero papunta na ito sa
Langit. Ito ay isang Paraiso.
Sa Salibhani ay walang tubig, puro buhangin at hangin may init at lamig.
Umaaraw dito at kumukilimlim. Dito ilalagay ang mga tao na medyo malaki na
ang kasalanan. Gaya ng binanggit sa itaas, ito ang kinikilala ng mga tao na
Purgatoryo. Nasa katamtaman lang ang lahat ng bagay. Hindi masyado
maganda, hindi masyado pangit. Parang katulad din dito sa mundo ng tao na
may halong mabuti at masama ang mga pangyayari.
Ang Ronezo ay ang lugar na medyo madilim na makulimlim at umaapoy sa
sobrang init na hangin na nakakapagpahiyaw sa sakit. Ito ang kadalasang
tinatawag ng mga tao na impyerno. Dito nilalagay ang mga tao na may
pinakamalaking kasalanan. Ito na ang tinatawag ng Impyerno ng mga Tao.
Dito namumuno si Satanas sa kanyang mga sinasakupan. Bukod sa mainit na
hangin doon na nakakasunog sa lahat ay nagbibigay pa ng parusa si Satanas

Page of 22 40 ericroxas.com

para mas lalong pahirapan ang mga spirito doon. Iba iba din ang parusa nila
depende sa kung ano naging kasalanan nila.
Ipaliwanag ko ulit ng mas simple ito.
Kung walang misyon ang tao pero nagpakabuti siya, makakaranas siya ng
ginhawa na parang aircon pero wala siya katawan o bibig. Nakalutang lang sa
malamig at komportableng lugar siya hanggang sa paghusga. Hindi pa yan
Langit kasi hindi pa pwede pumasok sa Langit habang wala pang paghusga.
Ang mapuntahang lugar sa Langit ay hindi ang main na lugar sa Langit kundi
tanggapan pa lang.
Kung walang misyon ang tao pero nagpakasama siya, mapunta siya sa
madilim, masikip at mainit na lugar. HIndi pa ito impyerno talaga pero medyo
malapit na. Kung sobrang sama talaga ng tao, mapupunta ang tao sa
napakainit na lugar na palagi na lang siya mapapahiyaw sa sakit. Hindi pa din
ito impyerno pero parang ganoon na din ang epekto. Ang totoong impyerno
ay mabubuksan lang ulit pagdating ng Huling Paghusga ng Panginoon sa
year 3000.
Mas may advantage talaga ang taong nagmisyon lalo na kung
nagtagumpay dahil diretso na ang taong namatay sa kaharian niya sa
mundo ng Engkanto.
Hindi na niya kailangan dumaan sa Kalbaryo.
Gayunpaman, kahit na nagmisyon ang tao o kamag-anak niya, kailangan pa
din niya dumaan sa Kalbaryo kung nakapatay siya ng tao dahil mabigat ang
kasalanan ng pagpatay ng tao. Kahit na hindi masama ang naging pagpatay
dahil ginawa ito para sa self-defense o di kaya pagpatay sa kabit ng asawa,
dadaan pa din ang tao sa Kalbaryo dahil sa pagpatay.
Kung nagmisyon ang tao at nagpakabuti siya para magtagumpay sa misyon,
magiging kilalang Hari o Reyna siya na may milyun-milyong sakop, malawak
na kaharian, umaapaw na kayamanan, nakakamanghang kapangyarihan,
nakakabighaning kagandahan at lahat ng kagustuhan ng tao. Maibibigay ito
bilang reward sa kanyang pagtagumpay sa misyon. Ito na din ang sinasabing
Kaharian ng Diyos.
Kung nagmisyon ang tao pero hindi seryoso at nagkakasala pa din pero
mayroon din siyang points kahit papaano, pwede siya maging Hari o Reyna
pero mababa lang ang kahariang maabot niya. Kung mas makasasala pa,
gagawin na lang siyang katulong ng ibang Hari o Reyna. Mas maganda pa
din maging katulong kesa magdusa sa impyerno.

Page of 23 40 ericroxas.com

Kahit saan tayong lugar mapunta pagkatapos ng ating kamatayan,
maghihintay pa din tayo sa Huling Paghusga sa bandang year 3000.
Mas maganda syempre na ang waiting area natin ay maginhawa at maganda
kesa mahirap at pangit diba?
So habang may panahon pa tayo sa mundo ng tao ay mag-invest tayo para sa
titirahan natin sa kabilang mundo.
Paano naman ang Langit?
Ang Langit ay ang pinakamagandang at pinakamaginhawang lugar na ang
mga nakapasok na spirito ay tinatawag na Lino. Lino ay ang color na parang
puti na may pagninging na yellow. Parang ivory ang dating. Ang mga Lino ay
ang mga pinakamalilinis at pinakamabubuting mga tao ayon sa pagtimbang
nila sa lahat ng kanilang mga buhay.
Ang Langit ay mabubuksan lang para makapasok ang mga tao sa Huling
Paghusga. Sa ngayon ay hindi pa nagtatanggap ng mga tao doon at ang
akala ng mga tao na nakikita nilang parang Langit sa mga near-death
experiences nila ay ang Aden pala na lugar. Ang Aden ay ang paraiso bago
dumating sa Langit.
Mas maganda na makamisyon ang tao sa Landas ng Kabanalan para mas
malaki ang pagkakataon na makapunta sa Langit pero kahit hindi nagmisyon
bilang official na engkantaong misyonaryo ay pwede makaabot sa Langit
pero kailangan muna maghintay sa Aden.
Kung nakaabot ang Tao dito, pwede siya maging anghel o utusan ng
Diyos mismo.

Misyon: Pagsikap para sa
Magandang Spiritual na
Kinabukasan
Maraming beses ko na binanggit sa inyo ang misyon at dito ko lang mas
linawin. Ang misyon sa simpleng salita ay ang pagseryoso sa kabanalan
habambuhay. Lahat ng tao rito ay may misyon kahit papaano pero hindi lahat
ng tao ay nagseryosong misyon na alam talaga nilang nagmimisyon sila.

Page of 24 40 ericroxas.com

Ang sinasabi kong Misyon ay ang Misyon bilang Official na Engkantaong
Misyonaryo sa Landas ng Kabanalan na tinuturo ko.
Ito ay nangangailangan ng pormal na pagpapasa ng Buong Pangalan at
Birthday sa akin bilang tagapagmisyon at nangangahulugang nangangako ka
na mamuhay sa kabanalan hanggang kamatayan mo.
Pinaliwanag ko kanina kung ano ang Tao at Engkanto. Kung magmisyon tayo,
magiging Engkantao na tayo. Ibig sabihin ay kalahating engkanto, kalahating
tao. Sa totoo lang, lahat nga tayo ay may ugat na engkanto pero hindi lang
alam ng mga tao.
Kaya ang pagmimisyon natin ay ang pag-alala or pag-remember natin sa
sino nga ba tayo.
Dahan-dahan nating matutuklasan ang spiritual na katotohanan at lahat ng
mga nagawa natin dating panahon. Magsisikap tayo para baguhin ang lahat
ng kailangan nating baguhin para maging mabuti nang tao at karapatdapat
na bumalik sa ating tahanan.
Mayroon akong mga sinulat nang gabay tungkol dito at ibabahagi ko ang
mga links para sa mga gabay dito pero magandang maisabi ko dito kahit
na kaunti.
Ang pinaka-basic na gawain sa misyon ay ang pag-iwas sa mga mortal na
kasalanan habambuhay.
• Pagpatay
• Paglandi
• Pagnakaw
Yan lang ang mga kailangan iwasan habambuhay.
Alam ng tao ang investment sa mundong ito na naglalagay tayo ng pera para
lumago ito upang maging ipon natin para sa ating kinabukasan.
Ang Misyon ay parang investment din para sa sunod na buhay, hindi para
dito.
Sa halip na pera ang iniipon, ang iniipon natin ang points at enerhiya na
Good Karma dahil ito ang kayamanan na kailangan para makakuha sa
mga gusto natin sa kabilang mundo.
Ito na nga yung pag-ipon ng points at enerhiya pero mas malakas ang pag-
ipon ng mga ito kung nagmisyon kesa hindi ka nagmisyon.

Page of 25 40 ericroxas.com

Lahat ng tao dito sa Earth sa mga buhay ay nakakaipon ng points at enerhiya
pero kumbaga mas pinataas natin ang kakayahan natin “kumita” kapag
nagmisyon tayo. Pero syempre mas strikto na ang misyon at mas malaki din
ang pagbawas sa points at enerhiya kung gumawa pa tayo ng kasalanan.
Nag-promise na kasi tayo sa Diyos at mga puting engkanto na
magpapakabanal na tayo hanggang sa katapusan ng ating buhay.
Wala ng bawian ang misyon kaya dapat seryoso ka na sa desisyon
magmisyon bago ka magsabi sa akin.
Habang narito pa tayo ay dapat magtrabaho at mag-invest na tayo para may
magandang kinabukasan tayo sa kabilang mundo.
Kung interesado ka malaman ang Landas ng Kabanalan na kailangan nating
sundin para maging banal tayong tao, click mo ito at basahin:
https://ericroxas.com/landas
Kung interesado ka na maging offiicial na engkantaong misyonaryo, click mo
naman ito at basahin:
https://ericroxas.com/misyon
Sana ma-explore mo ang mga links at libro na mga yan para makadesisyon
ka ng maayos.
Hindi biro ang misyon pero lalong hindi biro ang mga gantimpalang
matatanggap pagdating ng panahon.

Paligsahan laban sa Sarili para Tumaas ang Ranggo
Bukod sa makauwi ng matiwasay, mayroong paligsahan para malaman sino
ang mas karapatdapat sa mataas na posisyon at sino ang sa mas mababa.
Ito ang dinedetermina ng performance ng tao sa kabanalan habang narito pa
sa mundo ng tao. Habang mas nagiging banal ang tao, mas mataas ang
kanyang posisyon.
Kung nagpa-aura ka na sa akin, alam mo na ang color mo bilang engkanto at
ang ranggo mo sa grupo ng mga Hari o Reyna na kinabibilangan mo.
https://ericroxas.com/aurakabila

Page of 26 40 ericroxas.com

Kung magpa-aura ka sa akin, tandaan mo na kasi hindi ko na pwede
ulitin.
Kung makalimutan mo ang aura mo at magpa-aura ka ulit, makakabigay na
ako ng ibang aura na mas mababa na kesa sa una at maaaring mapalitan ang
spirito na mayroon sa loob ng katawan mo.
Ang sa akin, nagsimula ako na ako ang huli sa 5 Hari sa ngayong
reincarnation na ito. So naging #5 ako sa 5 Kings. Tapos dahil sa pagsisikap
ko na magpakabanal at pagsunod sa lahat ng mabuting utos ng mga puting
engkanto, naging #1 ako sa 5 Kings na kinabibilangan kong grupo.
Ang ating ranggo ay nagbabago ayon sa ating performance sa grupo ng
kinabibilangan nating hari o reyna.
Hindi naman magkalaban ang mga nasa loob ng isang grupo na mga
Hari o Reyna.
Ang pinakakalaban ng mga misyonaryo sa pagmimisyon ay ang kanilang mga
sarili. Pero ang performance mo sa pagiging banal at pagsunod sa alituntunin
ng misyong binigay sa yo ang magiging basehan ng ranggo mo sa grupo at
sa gayon anong pwesto na ibibigay sa yo.
Ang pinakakalaban talaga natin sa misyon ay ang ating sarili.
Kailangan natin talikuran at iwasan ang lahat ng kasamaan natin sa nakaraan
at gawin ang lahat ng kabutihan ayon sa kalooban ng Diyos na kabanalan.
Kung magtagumpay tayo dito, aangat tayo sa ating pagmisyon.
Kung desidido ka na magmisyon, ang kalaban mo ang sarili mo. Ang hamon
ay labanan mo ang lahat ng kasamaan na nasa sarili mo at gawin ang lahat
ng kabutihang utos ng misyon.

Ayon sa Pagsikap ang Matanggap
Bukod nga sa pagkuha mo ng ranggo ayon sa ano ang pagsisikap mo, ang
lahat ng points, karma o enerhiya nga na matatanggap mo ay ayon sa kung
ano pagsikap mo.
Ang mga points, karma o enerhiya na ito ay dumadami at lumalakas
ayon sa kung mas nagsikap ka ng mabuti.
Ang mga points na ito ay magagamit mo para makakuha ng magandang
kinabukasan sa kabilang mundo, makaligtas sa mga kamag-anak mong nasa
impyerno o ibang masamang lugar, pagkuha ng mga kapangyarihan katulad

Page of 27 40 ericroxas.com

ng panggagamot, maging swerte sa kabuhayan, maging maayos ang
relasyon sa pamilya at lahat ng iba pang magagandang bagay.
Ito ang pag-ipon ng spiritual na kayamanan sa madaling salita. Yan ang
purpose natin sa buhay na ito kung spiritual na pananaw ang ating gamitin.

Pagsimula ng Mundo
Sa simula ng lahat ay ang Diyos. Ang Diyos ay ang Liwanag na Lino. Dahil sa
kapangyarihan niya, nabuo sa pag-iisip niya na gumawa siya ng mundo.
Nakatira siya sa Langit na nariyan na sa pinakasimula.
Ang unang niyang ginawang mundo ay ang spiritual na mundo ng mga
engkanto. Sa katagalan ay naging magulo ang mundo ng engkanto dahil
nagkasala na ang mga engkanto. Kaya kinailangan gumawa ng Diyos ng
material na mundo (Earth) para ihiwalay ang mga mababait at masasamang
engkantong nilalang.
Kung kaya’t ginawa ang material na mundo para mapaghiwalay ang mga
mabubuti at masasama.
Madalas itatanong ng tao ay paano nga ba nagsimula ang lahat ng buhay
dito sa kalawakan? May katotohanan sa tinatawag na Big Bang Theory na
lahat ay nagsimula sa isang pagsabog ng mga atoms mula sa kawalan. Ang
sinabi naman din ng Judaeo-Christian na naratibo ay nariyan na ang mundo
bago ang lahat at nagsabi na lang ang Diyos na magkaroon ng liwanag sa
mundong madilim. Sabi naman din ng ibang relihiyon katulad ng Hinduismo
na binuga ng Diyos ang buong kalawakan mula sa kanyang hininga.
Alam niyo, may katotohanan ang lahat ng mga sinasabi ng iba’t ibang grupo
o -ismong ito.
Ang relihiyon ay madalas gumamit ng simbolismo na hinalo na din sa mga
literal kaya minsan ay malito ang mga tao sa ano talaga ang nangyari sa
sinulat. Ang siyensiya naman ay literal ang sinasabi. Kung palawakin natin
ang ating isipan sa kung ano talaga ang nangyari, makikita natin na
konektado ang lahat ng mga kwento tungkol sa pagsimula at paglago ng
mundo at kalawakan.
Sa madaling salita, tama ang Big Bang na ito at ang mga Creation
stories sa mga relihiyon na iba iba lang ang simbolikong pagkakalathala
sa nangyari sa una.

Page of 28 40 ericroxas.com

Oo, totoo ang pangmatagalang panahon na niluwal ng Panginoon ang
material kalawakan. At bago pa nga ang kalawakang material na kinalalagyan
natin, mayroong iba pang kalawakan na nauna. Ang Langit at
Engkantohanong mga mundo ay nauna kesa sa mundo ng tao.
Maraming bahagdan ang realidad na lumalampas sa material na mundo.
Hindi na natin masyado pag-uusapan yan kasi gusto ko panatiliing simple
ang pagpaliwanag dito. Ang gusto ko lang linawin ay walang alitan sa pagitan
ng siyensiya at relihiyon. Kailangan lang ng mga tao unawain ang
simbolikong pagpaliwanag sa relihiyosong mga aklat para matuklasan ang
literal na ibig sabihin para sa siyensiya. Kung kaya’t talakayin natin ang
pagsimula ng Tao.

Pagsimula ng Tao
Pag-usapan naman natin kung saan nga ba nanggaling ang tao. Galing
ba tayo sa putik, aliens o unggoy?
Ginawa ng Diyos ang mundo ng Earth na may halaman at mga hayop.
Nakagawa siya ng unggoy na medyo may pagkahawig sa porma niya.
Nagdesisyon tuloy siya na dahan-dahan niyang gawin ito na katulad niya.
Laganap na ang mga ebidensya sa evolution na nanggaling nga tayo sa
unggoy. Tama yan.
Pero ang tanong ngayon ay ano nga ba ang naging sanhi ng pagtransform ng
unggoy para maging tao?
Diyan na nga pumapasok ang mga ginawa ng Diyos para mag-evolve ang tao
mula sa unggoy para maging tao.
Ang iba ay iisipin na ang aliens daw ang naging sanhi na magbago ang
unggoy para maging tao. Ang Diyos at mga engkanto ay hindi maunawaan ng
tao kaya madaling sabihin lang ng tao na “alien” ang gumawa nito. Kahit ano
tawag mo sa naging sanhi na mahiwaga o di maipaliwanag sa ebolusyon ng
tao, nasa yo na yun. Sinasabi ko lang sa yo ang natuklasan ko sa spiritual
kong pag-aaral.
Sa una, ang mga unggoy ay hindi marunong magsalita.
Pinakain ng Kaliwanagan ng Diyos at natuto sila magsalita. Ang unggoy ay
may balahibo dati, pinakain ng Kalinisan ng Diyos para matanggal ang mga
balahibo at maging makinis na ang balat. Tapos ang mga spirito ng mga

Page of 29 40 ericroxas.com

engkantong Hari at Reyna na nagkasala sa kabilang mundo ay nilagay sa
loob ng mga katawang unggoy na ito at ito ang isang naging sanhi ng
maraming pagbabago ng mga unggoy para maging Tao.
Kasabay nito ang pagkain ng mga pagkain na niluto sa apoy na nagdulot din
ng pagbabago sa unggoy para maging Tao. Nadiskubre ng tao ang apoy
dahil sa pagkaskas nila ng bato at kahoy. Nakita nila na pwede pala
makagawa ng apoy dahil dito. Nakasubok tuloy sila ng mga pagkaing naluto
sa apoy. Mga 931 million years ago nagsimula magsaing ang mga tao gamit
apoy.
Totoo na mayroong evolution mula sa ibang mga medyo mukhang tao na
unggoy. Mayroong mga fossils o buto na nakukuha na nagpapatunay nga na
may ganitong pangyayari dating panahon.
Ang nangyari lang ay kinuha nga ang mga hayop na ito at pinasukan ng
spirito ng Diyos para maging tao. Ang spirito na ginamit ay ang mga spirito
ng mga engkanto na nasa ibang kalawakan. Spiritual universe na ang
kalawakang pinanggalingan ng mga engkanto. Ito na ang tinatawag na
parallel universe pero mas mataas ang enerhiya or frequency kesa sa
universe natin. Ang mga spiritong nilipat dito mula sa mundo ng engkanto ay
ang mga engkantong Hari at Reyna na nagkasala nga sa mundong
pinanggalingan.
Ginawa ang mga tao ng Diyos sa pamamagitan ng pagpakain ng
pagkain na dahan-dahan mag—evolve ang tao na mukhang unggoy para
maging tao.
Mula Australopithecus ay dahan dahan nag-evolve tayo ng 49 na iba ibang
evolution hanggang naging mukhang tao na tayo. Ang porma na tinutukoy sa
kay Adan at Eba ang kamukha na ng porma ng Diyos – tao na ang hitsura.
Ginawa silang tao na kahalintulad sa imahe at kawangis ng Diyos at ginawa
ito sa pamamagitan ng paglagay ng spirito sa mga sinaunang hominid o
primates na parang tao ang hitsura pero hindi pa masyado tao hitsura. Ito din
ang dahilan na may mga may-akda na nagsusulat na gumawa daw ng
genetic manipulation sa mga taong unggoy para gumawa ng tao.
Homo sapiens sapiens na ang ating lahi pagkatapos ng pag-iba sa atin dahil
nga sa pagpasok ng spirito. Kumbaga, ang spirito ang naging sanhi ng
evolution natin bilang tao mula sa mga mala-unggoy na tao.
Ang kwento ni Adan at Eba ay ginawa daw sila sa putik. May ginamit na
parang putik ang Diyos pero hindi literal na putik para gawing Tao ang
unggoy pero ito ay makapangyarihang putik.

Page of 30 40 ericroxas.com

Ito na lang din ang finishing touches galing sa power ng Diyos para maging
kawangis na talaga ng Diyos ang Tao pagkatapos ng milyon-milyong taon ng
ebolusyon.
Noong naging Tao na talaga ang nilikha ng Panginoon, nagkaroon ng
panahon na sobrang haba ng buhay ng mga tao kasi wala pa silang sumpa
ng kamatayan. May sumpa na sila sa paghihirap para mabuhay at sakit na
mararamdaman sa pagpanganak, pero hindi pa sila namamatay. Umaabot ng
libu-libong taon ang mga tao sa panahong yun.
Saka na lang nagkaroon ng kamatayan ang tao noong kinailangan nang
linisin ang mundo dahil bumaho na sa mga taong naaagnas na katawan ng
tao pero hindi namamatay. Umabot sa panahon na kahit putik ang kinakain
ng tao at nakahiga na lang sa ilalim ng mga ugat ng puno ay nabubuhay pa
din sila
Kaya nga ginawa ang paglunod o pagbaha sa buong mundo sa panahon ni
Noah na pinagawa ng Arka para mabigyan na ng kamatayan ang mga tao at
malinis ang mundo.
Mula dito, dahan-dahan na nangyari ang mga kwento na ang ilan ay
mababasa natin sa Bible hanggang makaabot sa panahon natin ngayon.

Hanggang Kailan ang Mundo?
Isang palaisipang tanong. Kailan nga ba matatapos ang mundong itong
kinikilusan natin? Ika nga, kailan ang paggunaw ng mundo? Maaari ang
maraming tao ay hindi maniniwala na mayroong nakatakdang panahon para
sa mundo pero ang binahagi sa akin ay mayroon nga itong katapusan.

Ayon sa Siyensiya
Ayon sa mga siyentipiko ay maaaring matapos ang mundo dahil sa
pagpipinsala natin dulot ng digmaan at industriyalisasyon sa susunod na mga
dekada. Dahil sa mga kalakasan ng sandata sa digmaan, maaari daw masira
ang buong mundo kung magamitan ng mga malakas na weapons of mass
destruction katulad ng atomic bomb. Sa isa pang banda, ang mga
teknolohiya natin ay nagdudulot ng maraming toxic waste at basura na
nakakasira sa kalikasang kailangan natin para mabuhay.
Ayon naman sa mga physicists na nag-aaral sa takbo ng kalawakan ay
matatapos daw ang mundo pagkatapos ng ilang milyong taon kung naabot
na ng kalakawan ang dulo ng entropy. Ang entropy ay ang batas daw ng
kalawakan na ang lahat ng bagay sa kalawakan ay nasa patuloy na kalagayan

Page of 31 40 ericroxas.com

ng pagkabulok o pagkabaklas. Ang dulo daw ng entropy ay ang katapusan
hindi lang ng mundo natin kundi ng buong kalawakan.
Ibabahagi ko rito ang sinabi sa akin ng mga puting engkanto.
Babalik daw sa tinakdang panahon si HesuKristo. Totoo ang mga nilagay sa
Bible sa Revelations pero hindi lang maunawaan ng mga tao ang lahat ng ibig
sabihin nito.
Ang mga sasabihin ko sa susunod ay mahahanap din sa Bible pero
pinaliwanag ko lang kung ano talaga ibig sabihin.
Sinabi sa 2 Peter 3:8 MBB na “Mga minamahal, huwag ninyong kalilimutan na
sa Panginoon, ang isang araw ay tulad ng sanlibong taon, at ang sanlibong
taon ay tulad ng isang araw lamang.”
Sinabi naman sa Juan 2:19 MBB: “Sumagot si Jesus, “Gibain ninyo ang
Templong ito, at sa loob ng tatlong araw ay muli ko itong itatayo.”

Ang Tinakdang Panahon
Ang nangyari sa panahon ni Hesus ay pinatay siya at nabuhay muli
pagkatapos ng 3 araw. Pero may 2 ibig sabihin ang sinabi ni Hesus. Hindi
lang ang kanyang resurrection o ang kanyang pagkabuhay muli ang tinutukoy
niya. Ang ibig niya din sabihin ay ang pahiwatig kailan siya babalik dito sa
mundo ng tao para husgahan ang lahat.
Ibig sabihin ay pagkatapos ng 3 Araw ng Panginoon (3000 years ng Tao) ay
babalik sa HesuKristo para husgahan ang buong sangkalibutan.
Gayunpaman, ang pagdating niya sa mundo ay magiging parang
magnanakaw. Hindi natin alam kung ano ang saktong araw ng pagdating niya
dito pero mayroon na tayong estimate kung ilang taon na lang banda bago
siya pumunta.

Mga Signs of the Times
Gaya ng sinabi sa Revelations at inaasahan mangyari ng mga masugid
magbasa ng Bibliya at mga makakita sa paparating na mga pangyayari,
magkakaroon ng maraming pagkakagulo at digmaan sa mundo bago
dumating si Kristo.
Mula ngayon hanggang sa panahon ng year 3000 ay magiging mas malala
ang kalagayan ng mundo. Mas magiging laganap ang kasalanan at tentasyon

Page of 32 40 ericroxas.com

kaya dapat talaga maging mas maingat ang mga tao para hindi madala sa
kasamaan.

Maghanda tayo… habang may Oras pa
Karamihan sa atin sa buhay na ito ay hindi na aabot sa pagbalik ng
Panginoon sa mundo. Maaaring makaabot tayo sa pagdating niya kung ma-
reincarnate tayo sa panahong darating siya, pero hindi na natin maalala ang
mga buhay natin ngayon. Tapos baka maubos na din ang mga reincarnation
natin bago dumatin ang panahon ng pagbabalik niya. Ibig sabihin
maghihintay na lang tayo sa Huling Paghusga sa kabilang mundo, hindi na
dito sa mundo ng tao.
Mas maganda sana ay kahit hindi nga dumating pa ang Panginoon ay
magsisi na tayo at magbago para maging maayos na ang ating mga sarili.
Kahit ano ang mangyari, mahuhusgahan pa din tayo sa ating mga gawa sa
buhay kahit anong panahon tayo nabuhay. Kapag namatay tayo, ilalagay tayo
sa mga lugar na karapatdapat sa atin hanggang dumating ang panahon ng
paghuhusga at kukunin tayo para ipa-harap sa Panginoon para sa huling
paghuhusga.
Kung seryoso kayo at gusto niyong maligtas, hindi sapat na tumawag lang sa
pangalan ng Panginoon. Dapat ay gawin natin ang mabuti ayon sa kanyang
kalooban.
Sundin natin ang Landas ng Kabanalan:
https://ericroxas.com/landas

Kamatayan
Kung mayroon isang bagay na hindi natin maiiwasan bilang tao na may
katawan sa lupa, ito yun. Lahat tayo ay balang araw mamamatay. Masama ba
o mabuti ang kamatayan? Depende paano mo ito tingnan at ano ang naging
buhay mo dito sa mundo bago ka namatay.
Ang kamatayan ay ang katapusan ng isang buhay.
Ito ay ang tuldok sa dulo ng isang pangungusap – at ang paksa ay ang
isinabuhay ng tao sa lupa. Ito ay maaaring maging inspirasyon sa banal na
tao na magpakabuti lalo dahil hindi naman siya tatagal sa mundong ito.
Pwede din itong katakutan ng mga makasalanan dahil mauudlot ang kanilang
mga kasiyahan at kahalayan.

Page of 33 40 ericroxas.com

Gayunpaman, kahit ano ang tingin natin sa kamatayan o ano ang
ginagawa nating buhay, darating ang kamatayan para sa ating lahat.

Handa man tayo o hindi, darating ito. Kung kaya’t mas maganda nga ay
mapag-isipan natin ito habang hindi pa ito dumarating.
Hindi din natin alam kailan ang eksaktong kamatayan natin. Kung magmisyon
ka ay mabigyan ka ng ideya sa kailan banda, pero hindi pa din ibigay sa yo
ang eksakto.
Limitado ang panahon natin sa lupa.
Kaugnay sa kamatayan ay ang iba ibang aspeto ng pagdurusa na
nagtutulong-tulong para makaabot sa kamatayan.
• Katandaan
• Sakit
• Kahinaan
Ang katandaan ay makikita naman sa hitsura ng tao. Kumukulubot ang
mukha at dumadami ang linya sa mga matatanda. Oo nga pala, kasama na
dito sa katandaan ay ang kapangitan kasi kung mukhang matanda ay
pumapangit na din.
Ang sakit naman ay nararanasan ng lahat ng tao sa kahit anong edad.
Walang takas kahit ang bata sa sakit. Minsan nga ay ipinapanganak ang mga
bata na may sakit na.
Ang kahinaan ay natural na nangyayari kapag tumatagal ang tao dito sa
mundo. Nawawala ang lakas ng laman at buto. Bumabagal ang paggana ng
mga laman-loob hanggang sa hindi na ito gagana.
Kasama sa sumpa sa atin bilang mga tao na dulot nga sa kasalanan ng ating
mga ninuno na si Adan at Eba na maghirap tayo para sa ating kabuhayan.
Dati nga kasi ay mayroon tayong lahat ng klaseng pagkain sa ating paligid na
hindi na sana tayo maghirap para kumain. Dahil sa kasalanan ay magkakayod
tayo para lang tayo ay makakain at mabuhay. Mas lalong magdulot ito ng
kahinaan kasi mauubos din balang araw ang lakas sa pagpapagod dito sa
mundo ng tao. Hindi din natin maiwasan maghirap kasi kung walang exercise
ang tao ay mamamatay din siya.
Isa pang kailangan tandaan ay upang mabuhay tayo rito sa mundo ay dapat
may mamatay para maging pagkain natin. Maging halaman o hayop, may
kailangan tayong patayin para yun ang maging pagkain natin. Kung hindi tayo
papatay ng halaman o hayop, hindi tayo makakakain at tayo naman ang
mamamatay. Lahat ng pagpapanatili sa buhay ay kailangan kumitil ng buhay

Page of 34 40 ericroxas.com

ng iba. Sa kaso natin, hayop o halaman ay pinapatay natin para mabuhay
tayo.
Medyo nakakalimutan ng mga tao ang ganitong katotohanan lalo na ang mga
taong nasa siyudad na malayo sa pinanggagalingan ng mga pagkain kasi
hindi nila nakita ang pagpatay sa halaman at lalo na sa hayop para sila ay
makakain. Kung isa ka din sa hindi pa nakakakita or nakakapatay pa ng
hayop (kahit manok man lang), maganda ay makakita ka ng personal kahit
isang beses. Mas mapapahalagahan mo kung ano ang buhay.

Pag-alis ng spirito sa katawan
Kung namatay na ang tao, ang nangyayari ay humihinga ng isang huling
beses ang tao. Ang kanyang pag-exhale ay ang paglabas ng kanyang spirito
sa katawan.
Kung mainit-init pa ang katawan at hindi pa nga naembalsamo, maaaring
bumalik pa ang spirito ng tao sa kanyang katawan at mabuhay ito muli.
Maaari ding ibang spirito ang pumasok sa katawan para buhayin ito ulit. Mas
madalas na ibang spirito na ang pumapasok sa katawan kapag bubuhayin ito
ulit.
Kadalasan naman ay hindi masyado matagal ang panahon na walang spirito
sa loob ng katawan. Papasok agad ang spiritong bubuhay sa katawn ulit.
Sa karaniwang sitwasyon para sa mga spirito ng namatay na hindi
nagmisyon, ganito ang mangyari. Sa loob ng 3 araw, babalik ang spirito ng
namatay sa katawan niya para maging sigurado lang siya na patay na talaga
siya.
Pagkatapos nito ay aalis na siya na mahihigop siya paalis o di kaya may
susundo sa kanya para maghatid sa Kalbaryo.
Kung ang tao ay nagmisyon at tapos na ang kanyang mga reincarnation,
direkta na siya sa mundo ng Engkan.
———
Ang punto ko lang sa pagsulat dito ay isang paalala na lahat tayo ay
mamamatay at wala tayong takas dito. Kung kaya’t maganda ay harapin natin
ang katotohanang ito at tuklasin ano nga ba ang ugat ng paghihirap at
pagkamatay natin.
Katulad nga din ng kailangan mamatay ang hayop para tayo ay makakain at
mabuhay, kailangan din magpakamatay si HesuKristo para tayo ay makakuha
din sa buhay na binibigay niya. Hindi natin siya direkta kinakain sa kanyang
Page of 35 40 ericroxas.com

pisikal na katawan pero ang enerhiya ng alay niya para sa mundo ay
makukuha natin sa spiritual na paraan – sa pagsunod sa kabanalang turo
niya.
Kung pati nga si HesuKristo na Anak ng Diyos ay kailangan mamatay, paano
pa kaya tayong mga tao rito sa lupa? Kung gusto natin mabuhay muli at
magkaroon ng magandang buhay sa walang hanggan, dapat sumunod tayo
sa kabanalang turo niya.

Diyos
Ano ang hitsura ng Diyos? Baka isipin ng tao na hindi sila pwede makakita
dahil matutunaw sila kapag makakita. May katotohanan naman diyan kung
direktang magpakita ang Diyos sa lahat ng kapangyarihan niya. Pero may
pahiwatig na para sa ating lahat kung ano ang hitsura ng Diyos Amahan.

Ang simbolong ito ay ang mata na nasa loob ng tatsulok. Inisip ng mga tao
na ito ang simbolo ng Illuminati at ito ay masamang grupo pero hindi naman
yun ang original na purpose ng simbolo. Maraming grupo na gumamit sa
simbolo at pangalan ng Diyos sa masamang purpose na hindi ayon sa
kalooban ng Diyos. Mayroon din na ginamit ang simbolo na may saktong
pagrespeto. Ang simbolo na ito ay ang simbolo ng Diyos at kailangan lang
gamitin sa tama.
Ang Diyos ay ang mata na nakakakita sa lahat. Wala siyang katawan. Triangle
ang simbolo na nakataas dahil siya ang pinakamataas. Ang tatsulok ay may
talong sulok dahil ang Diyos ay may tatlong aspeto ng Ama, Anak at Espiritu
Santo.
Ang nakikita niyong picture dito ay isang simbolo pero may pagkaliteral din
yan kasi ang Diyos nga sa kanyang pinakakaibuturan ay ang purong

Page of 36 40 ericroxas.com

kamalayan o pure consciousness na nakakaalam sa lahat ng bagay at siya
ang pinakamakapangyarihan.
Pero balik tayo sa mas basic. Marahil ang pinaka-misteryosong palaisipan ng
tao sa kanyang buhay ay ito. Totoo ba ang Diyos? Kung mayroon mang
Diyos, ano at sino siya? Ano ang gusto niya para sa atin? Paano ba natin
mararanasan o makikita ang Diyos? Magagandang mga tanong yan lahat.
Dito na tayo pumapasok sa mga teritoryo ng mahiwaga at sa larangan din ng
pananampalataya.
Kung ang ordinaryong mata lang ang gagamitin natin, hindi natin makita ang
Diyos. Wala naman nasa paligid natin na sobrang makapangyarihang nilalang
na kayang gawin ang lahat. O baka nandyan siya pero hindi lang natin siya
makita. Pero paano tayo makakasigurado kung hindi natin siya makita. Ika
nga kasi, ang tao kasi ay may paniniwala na to see is to believe.
Pwede naman tayo makakita sa Diyos pero hindi gamit ang dalawang matang
material natin. Dito na nga pumapasok ang importansya ng pagkakaroon ng
3rd Eye kasi ito ang Spiritual na Pananaw natin para makakita sa Diyos at iba
pang mga mahiwagang bagay sa spiritual na mundo.
Gawin mo kapatid ang tinuturo kong FREE 3rd Eye Meditation para
dahan dahan makilala ang Diyos.
Makikita mo siya dahan-dahan at mas mararamdaman din ang kanyang
presensya.
Ang Diyos ay para kasing hangin. Naniniwala kahit ang mga atheist o hindi
naniwala sa Diyos na mayroong hangin. Bakit? Kahit hindi nila ito nakikita ay
nararamdaman nila ito sa pagdampi nito sa kanilang balat. Ito din ay
nagpapainog ng mga windmill, nagpapasayaw sa mga puno at
nagpapawasiwas sa mga dahon.
Kamakailan lang natin nadiskubre dahil sa siyensiya ang iba’t ibang klaseng
frequency ng electromagnetic radiation na hindi makikita sa mata ng tao pero
masusukat sa mga high-tech na instrumento. Kahit na nariyan na ang mga
radiation na yan na hindi pala nakikita ng mata ng tao, hindi natin iisipin na
totoo sila hanggang nadiskubre natin ang mga high-tech na instrumento para
sukatin sila.
Ganyan din ang spiritual na mga bagay katulad ng mga engkanto at lalo na
ang Diyos. Hindi natin sila paniwalaan kasi hindi natin sila masukat gamit ang
mga material na instrumento na mayroon tayo. Hindi pa kasi natin sila
masklaw sa kung ano ang gamit na mayroon tayo.

Page of 37 40 ericroxas.com

Pero ang masasabi ko nga tungkol diyan ay mayroon tayong mga teknolohiya
sa loob ng ating mga katawang tao na magagamit nga natin para makilala
ang Diyos at ang iba pang spiritual na katotohanan. Nandyan nga ang 3rd
Eye at ang ating Puso na kaugnay sa ating 3rd Eye. Diyan natin makikita at
mararamdaman na totoo ang Diyos.
Kung material na ebidensya sa pagkalikha ng lahat ang tingnan,
mukhang may intelligent design o matalinong pagdisenyo sa lahat ng
mga bagay dahil may kaayusan ang lahat.

Maaaring isang pruweba yan para sa katotohanan ng Diyos.
Kung may Diyos, bakit may pagdurusa? Pinaliwanag ko na nga sa mga
naunang kabanata na dulot yan sa kasalanan natin sa una at ginawang
pagsubok para sa atin para malaman ano ang gagawin natin sa mga
ganitong sitwasyon – magpapakatatag pa din ba tayo sa kabutihan?
Kilalanin natin ang Diyos kasi siya nga ang naglikha sa atin at sa kanya
tayo pabalik pagkatapos ng lahat ng pagdaanan natin dito.

Alam ko na ang lahat ng sasabihin ko dito sa yo ay hindi kapani-paniwala
kung hindi mo nga naranasan.
Kung kaya’t ok lang yan. Ang ihihikayat ko na gawin mo ay ang pagdanas ng
direkta sa mahiwaga sa pagsikap sa kabanalan at FREE 3rd Eye Meditation
na turo ko.
Ang Diyos ay ang ating pinanggalingan at siya ang ating babalikan.
Ang Diyos ang naglikha sa buong kalawakan at sa ating mga nilalang na nasa
loob nito.
Ang Diyos ay ang buong dagat at tayo ay mga patak sa loob ng dagat na ito.
Ang Diyos ay spirito at ang spirito ay hangin. Hindi tayo mabubuhay kung
wala ang Diyos.
Ang Diyos ay ang tagalikha, tagapanatili at tagasira.
Ang Diyos ay ang Walang Hanggan.
Ang Diyos ay Nakakagawa, Nakakaalam at Nandito sa lahat.
Napakaraming pangalan ng Diyos ayon sa napakadaming relihiyon at lahat
sila ay may katotohanan. Pero walang isang totoong pangalan lang ang Diyos
kasi hindi siya masasakop sa pangalan.
Page of 38 40 ericroxas.com

Ang totoong Diyos ay hindi masasaklaw sa Salita. Siya ang Salita ika nga
pero hindi siya limitado ng Salita. Ito ay mahirap unawain at ito ang tinatawag
na paradox na lampas na sa pagkakaunawa na masasakop ng salita.
Lahat ng mga sinasabi ko ay maaaring narinig mo na sa unang panahon pero
dahil ay wala ka pang masyadong karanasan ay wala ring laman ang mga
salita na ito.
Ang imbitasyon ko sa sinasabi kong ito ay dumanas ka sa lahat ng mga
sinasabi ko para magkaroon ng kahulugan ang mga sinasabi ko rito.
Ang Diyos ay isang ideya lang kung wala kang karanasan at pagdama sa
katotohanan niya. Dati nga din ay hindi ako naniwala sa Diyos hanggang
nakaranas ako sa katotohanang spiritual.
Magpakabanal, magmeditate sa turo ko at magdasal para makadanas
ka sa direktang presensya ng Diyos.

Ang Kaliwanagan ng
Katotohanan ay nasaan?
Itong librong ito ay hindi ko sinulat para lamanin ang lahat ng kaalaman
tungkol sa lahat ng bagay sa spiritual. Ito ay ang nagbigay lang ng mga
pinaka-basic para matutunan mo ang purpose ng buhay natin, saan tayo
galing at saan tayo papunta.
Ang Kaliwanagan ng Katotohanan na lampas pa sa nabasa mo rito ay
manggagaling na sa sarili mong karanasan. Kung kaya, kung gusto mo mas
palalimin ang spiritual na kaalaman mo ay magmeditate ka sa FREE 3rd Eye
Meditation na turo ko.
Ang librong ito ay patikim lang. Isang hamon din kumbaga. Nag-challenge
ako sa yo na tuklasin mo kung totoo nga ba ang sinasabi kong mga bagay sa
yo.
Basahin mo ang Landas ng Kabanalan kung gusto mo malaman ang lahat ng
detalye sa pagiging isang banal na tao:
https://ericroxas.com/landas
Basahin mo din ang lahat ng mga spiritual na Gabay na nasa isang
pagdownload:

Page of 39 40 ericroxas.com

https://ericroxas.com/gabayform
Mag-aral ka din sa Eric Roxas Academy na maraming FREE video courses na
nagtuturo sa Pangkalahatang Self-Improvement Papuntang Langit:
https://academy.ericroxas.com
Basahin mo din ang Gabay sa Pagmisyon kung desidido ka na magmisyon
bilang isang Official na Engkantaong Misyonaryo:
https://ericroxas.com/misyon
Kung may tanong ka o desidido ka na sa desisyon mo magmisyon,
magmessage ka sa akin sa Facebook:
https://m.me/ericroxas.lcs
Or di kaya mag-email ka sa akin:
[email protected]
Ang totoong pagtuklas sa Kaliwanagan ng Katotohanan ay makukuha sa
pagsisikap na makakuha ka ng direktang karanasan.
Handa ka na ba maranasan ang Kaliwanagan ng Katotohanan?
Magsikap tayo, kapatid.
———
Kung gusto niyo mag-donate para suportahan ako sa aking misyon na
pagpapakalat sa Kaliwanagan ng Katotohanan, welcome. Malaking tulong po
yan.
Pwede din po kayong bumili ng mga produkto at magtangkilik sa mga
serbisyo ko.
Maraming salamat po at God bless!

Page of 40 40 ericroxas.com