HTML

Pagpalang-araw sa ating lahat, ang karma ay ang batas na nagsasabi na kung ano ang itanim, yan din ang aanihin, kung ano ang gawin, yan din ang gagawin sa’yo. At kadalasan nga dahil nga kapag nagtatanim tayo, ang buto ay maliit pero kapag nagbunga ay mas marami na, kung ano ang ginawa mong kabutihan o kasamaan ay babalik sa’yo ng mas marami pa na pinagpatong-patong tulad ng mga bunga ng ating mga pananim. Ibig sabihin nito halimbawa nagtanim ka ng isang buto, ang bunga nun ay x10 o x100 minsan x1000 pa, depende sa kung ano ang tinanim natin.

At hindi ibig sabihin nga na dali-dali na makukuha natin agad ang pag-ane dahil minsan nga ay inaabot ito ng ilan-ilang taon o minsan nga ay aabot siya sa sunod ng buhay. Ito ay dahil sa tinatawag nating reincarnation. Ang reincarnation ay ang konsepto na marami tayong buhay at paulit-ulit tayong isnisilang dito sa mundo ng tao.

Maaari naririg mo ito mula sa hinduismo o budismo pero may iba bahagi ako sa inyong kakaiba ngayon. Ito ang mga natutunan ko mula sa mga puting inkanto. Totoong may reincarnation at marami tayong buhay, kadalasan ay dumaraan tayo sa buhay ng tao.

Pinapanganak tayo bilang tao. Minsan maipanganak tayo bilang mahirap, minsan mayaman, minsan maputi, minsan maitim, minsan babae, minsan lalaki. Dumaan din tayo sa pagiging hayop.

Kaya nga minsan mapapansin mo mayroon mga hayop na parang ang talino nila kasi nga pinasukan sila ng espiritu ng tao. Pero ang nalaman ko ay hindi tayo dumaan sa pagiging halaman. Hindi rin tayo dumaan sa pagiging bato.

Isa pang natuklasan ko ay totoo nga na marami tayong mga buhay pero hindi walang katapusan ang ating mga buhay. Mayroon siyang taning o limit o bilang sa kung gaano karami ang pwede nating maging buhay bago tayo mahusgahan. Halimbawa ay binigyan ka ng isang daang buhay, pagkatapos na mabuhay ka ng isang daang beses ay titimbangin ang lahat ng isang daan mong buhay at dun ka mahuhusgahan kung saan ka ilalagay na lugar sa walang hanggan.

Ngayon, ikonekta naman natin ang karma at ang reincarnation. Gagamit tayo ng isang kwento mula sa Biblia. Sa John 9, meron tayo makikita na isang tao na nakita ni Jesus Christ at ng kanyang mga disipulo na pinanganak na bulag.

Tinanong ng mga disipulo si Jesus, Guru, sino ang nagkasala? Itong lalaki o ang kanyang mga magulang na pinanganak siyang bulag? Ang sabi ni Jesus ay hindi siya nagkasala at hindi rin nagkasala ang mga magulang niya pero ginawa ito para ipakita ang kaluwalhatian ng Diyos sa lahat. Tapos ang ginawa ni Papa Jesus ay binigyan niya ng kapangyarihan makakita ang bulag. So binuksan niya ang mata.

Dito natin makikita sa kwento na mayroong konsepto ng karma at reincarnation na pinagsama kasi inisip ng mga disipulo na maaari nagkasala ang mismong anak o ang mga magulang para mapanganak ng bulag ang anak. Merong buhay bago siya pinanganak na maaaring doon siya nagkasala para maging epekto ang pagkapanganak niya na bulag. Ang makukuha natin sa kwentong ito ay totoo nga na ang ating mga gawa, kabutihan at kasamaan sa mga buhay natin ay magdudulot ng kabutihan o kasamaan na aanihin din natin sa mga sunod nating buhay.

Kung gumawa tayo ng masama sa mga buhay natin pwede masama rin ang aanihin natin sa ibang mga buhay o susunod na mga buhay kung mabuti rin ang gawin natin sa ating mga buhay ay mas maganda o mabuti rin ang ating aanihin sa mga susunod na buhay at kasama na syempre doon ang buhay na walang hanggan. Kung magmi-mission ka kasama ko at ang mga puting inkanto pwedeng huling reincarnation mo na ito at hindi ka na kailangan bumalik dito sa mundo kapag magtagumpay ka sa mission para merong ka ng kaharian sa mundo ng mga inkanto habang naghihintay tayong lahat para sa pagbabalik ni Papa Jesus sa year 3000 kung kailan mahuhusgahan na ang lahat at pwede na tayong sumama sa Diyos sa langit sa walang hanggan.

Nawa tayong lahat ay magtanim ng kabutihan para mag-aani ng kabutihan sa lahat nating buhay umiwas tayo sa pagtanim ng kasamaan para makaiwas din tayo sa pag-aani sa kasamaan sa lahat nating buhay lalo na ang buhay na walang hanggan Kung interesado kayo, pwede kayong sumali sa Paraisa Meditation Group ko na nagtuturo nga ng third eye meditation at pwede kayo makakita sa inyong mga nakaraang buhay para mas maintindihan din kung bakit merong mga nangyayari sa buhay nyo na tinatanong nyo, bakit po nangyayari sa akin ito?

Maaari na ang mga naranasan mo ngayon ay bunga na dulot sa mga tinanim mo sa mga nakaraang buhay Mag-comment ka lang o mag-click ka lang sa link na lalagay ko sa comment box o sa description na ito Huwag po sana kayong mahiya, libre lang po ito Sali lang kayo sa Paraisa Meditation Group para maturuan ko kayo kung paano mag third eye meditation Kadalas ang ginagawa namin ito sa Sabado at sa Linggo Nago-online ako, nagla-live ako sa profile ko noon 10am at 3pm Salamat po sa pagpaponood nyo at God bless