Gabay sa Kaluluwa
Ano ang Kaluluwa?
Ang kaluluwa ay ang mga likido sa ating katawan. Dugo, tamod, ihi, laway at iba pang tubig kumbaga sa ating katawan. Ang pinaka-pangunahing anyo ng kaluluwa na madalas maranasan ng tao sa isang lugar ay ang dugo.
Ang singaw ng dugo ang nagbubuo ng mga nakikita nating anyo na tinatawag na santelmo. Ito ay ang bahagi ng isang tao na nagpaparamdam sa atin sa mundong ito. Ang dugo kasi ay naglalaman ng impormasyon o ala-ala sa kung ano ang nangyari sa buhay ng isang tao.
Maaaring ang spirito ng isang tao ay nasa kabilang mundo na pero maiiwan ang kaluluwa dito lalo na kung may mga bagay na hindi natapos at napakawalan ang taong yun sa kanyang buhay o di kaya hindi siya naalayan ng sakto.
Ang kaluluwa kasi ay ang tagapamagitan ng spirito ng tao at ang mga tao sa mundong ito. Kaya nga ay nag-aalay tayo sa mga kaluluwa para ang makain o mahigop nilang enerhiya dito ay maihahatid nila sa kabilang mundo sa kanilang spirito.
Ito ay lalo na sa mga nasa hindi masyadong magandang lugar sa ibang mundo. Halimbawa ay nasa impyerno o purgatoryo ang spirito. Ang kaluluwa nila na naiwan sa mundong ito ay ang naghihigop ng mga enerhiya para makuha at mapakinabangan ng mga spirito nila na nasa ibang mundo na.
Paano makita ang kaluluwa?
Maaaring nakakita ka ng kaluluwa sa panaginip o meditation. Pwede rin na naka-aninag ka ng kaluluwa sa mismong paningin mo. Pwedeng nakakita ka lang ng parang anino o di kaya hulagway na hindi masyado malinaw. Maaaring makakita ka din ng klarong mukha ng taong alam mong namatay na. Minsan hindi mo din kilala ang mga nakita mo.
Minsan ay hindi mo makita sa meditation, panaginip o personal ang mga kaluluwa. Minsan may mga insekto na tinatawag na moth or anunugba na magpapahiwatig nga na may kaluluwa na lumalapit sa yo.
Bakit nga ba ginagambala tayo?
May iba ibang dahilan:
- Napatay o nagawa sila ng kasalanan ng mga ninuno natin
- Namatay silang mga kamag-anak na hindi nadasalan o naalayan
- Mga kaluluwa sila ng mga may-ari ng isang lugar na di rin naalayan
- Namatay sila doon sa lugar na tinitirahan mo
- Nakita nila na bukas ang spiritual mo para makaparamdam sila sa yo
- Mga bata silang nalaglag o nilaglag
Kung titingnan mo ng mabuti, ang lahat ng mga dahilang ito ay pwede nating lahatin sa isang ugat. Lahat sila ay mga kaluluwa na naghihingi ng tulong sa mga tao.
Ano ang gagawin natin?
- Kilalanin mo sila.
Matuto ka magmeditate sa tinuturo kong FREE 3rd Eye Meditation at aralin ang FREE Gabay sa Panaginip. Subaybayan mo ng mabuti ang mga nakikita mo. Ipagdasal mo na ipakita sa yo kung sino sila. Try mo sila kausapin din. Mas maganda ay malaman mo kung ano talaga ang pangalan nila, hitsura, kwento at birthdate. Kung kamag-anak mo sila, mas madali mong malaman ang mga detalyeng ito. Madalas din naman mga lolo/lola at iba pang mga ninuno ang mga nagpapakita na kaluluwa. - Alamin ano kailangan nila.
Kung nakikita at nakakausap mo na sila, alamin mo ano ang kailangan nila. Kadalasan ay nangangailangan sila ng alay o dasal. - Magsindi ka ng kandila para sa kanila.
Sa pagdarasal mo para sa kanila, magsindi ka ng kandila para sa kanila at ito ay magsisilbing liwanag lalo na sa mga kaluluwang nawawala sa dilim. - Gawin ang pag-alay sa ritual na hinihiling nila.
Lahat ng sila ay matutulungan ng ritual para sa kanilang kaluluwa. Base sa ano ang mga pinapahiwatig sa kanila, ito ang dapat mong gawin sa ritual para sa kaluluwa. Maaaring may hihilingin silang paborito nilang pagkain. Hindi naman kailangan sobrang dami ng ihain mong pagkain na yan pero basta may maihanda ka para sa kanila. - Gawin ang ritual sa tamang oras.
Ang ritual ay magandang gawin sa 8 pm sa Martes at Byernes kasi yan ang panahon na malakas ang enerhiya at bukas ang lahat ng mga lagusan sa ibang mga mundo. - Ulit-ulitin ito hanggang tumigil na paggambala nila.
Pwede niyong gawin ito paulit-ulit hanggang tumigil na sila kasi natulungan mo na sila ng sapat. - Respetuhin ang mga kaluluwa.
Mga tao din sila tulad natin pero wala lang silang katawan. Hindi mo naman dapat din sila katakutan. Bigyan lang natin sila ng respeto bilang kapwa tao.
Kung hindi niyo po magawa ang nasa itaas o hindi kaya ay nahihirapan kayo, pwedeng magparitual na lang kayo sa amin at kami na ang bahala sa lahat. Ang kalakasan ng ritual na magagawa ng isang tao ay nakadepende din sa kanyang kabanalan, lakas ng kanyang spirito at misyon sa buhay. Ang ritual ay hindi basta-basta gawin dahil may mga pakikipag-away at striktong pagsunod sa kabanalan na kailangan gawin. Ito ay lalo na kung ritual tanggal sa mga spiritual na atake na malakas ang kalaban. Maaaring makamatay ito sa mahina o kulang sa kaalaman sa ritual at spiritual na labanan.
Kung interesado kayo magparitual sa amin, pm lang sa m.me/siqhealers sa Facebook o di kaya mag-email sa [email protected].
Maraming salamat po at Godbless!
