Isa itong dasal para makuha ninyo ang pagpaningil sa utang ng nangutang sa inyo. Kung may taong nangutang sa inyo tapos hindi kayo pinapahalagahan o kinakausap ng maayos sa pagsingil ninyo sa kanya, ganito ang gawin ninyo.
Paano Gawin?
Hihingi kayo ng tulong sa Diyos at kay Señor San Antonio de Padua. Si Señor San Antonio de Padua ang tagatulong sa mga taong inaapi. Ang sumusunod na dasal ay idasal kasama ng Gabay sa Pagdasal. Isasama ninyo ito sa pangalawang bahagi ng Gabay sa Pagdasal (Paghiling / Paghingi).
Ang hihilingin natin ay ang palambutin ang puso ng taong nangutang sa atin para magbayad sila, makonsensya sila sa ginawa nila sa ating panloloko at hindi sila patulugin hanggang makabayad sila ng utang nila.
Proseso:
- Sindi ng kandila
- Harap sa Silangan
- Luhod
- Magdasal sa Diyos at kay Señor San Antonio de Padua na sana ay hindi patulugin ang taong nangutang sa inyo at pinapahirapan kayo hanggang magbayad sila ng utang nila o gumawa ng paraan para pahalagahan kayo.
- Pwede ninyo ilagay ang buong pangalan, birthdate o di kaya picture ng taong nangutang sa inyo at ilista ang halagang inutang nila sa inyo.
- Amen, Hesus.
- Hipan ang kandila para patayin ang kandila
Karagdagang Magagawa:
Kung halimbawa ay ninakawan kayo at hindi ninyo alam kung sino, pwede ninyo ring gamitin ang FREE 3rd Eye Meditation na turo ko para matuklasan kung sino ang nagnakaw sa inyo. Hilingin ninyo lang din sa Diyos bilang intensyon sa 3rd Eye Meditation ko at pati na rin sa araw-araw o gabi-gabi ninyong pagdasal para malaman kung sino ang taong nagnakaw sa inyo. Maaaring makita ninyo sa meditation mismo o sa panaginip.
Paalala:
Kailangan siguraduhin ninyo na ang may kasalanan ang pinagdarasal ninyong tao kasi kung kayo ang may kasalanan, kayo ang matatamaan ng pagdasal na ito.
Ang lahat ng pagdurusa natin dito sa mundo ng tao ay pagsubok lang para sa atin kung mananatili ba tayong mabuti sa harap ng mga tentasyon. Huwag tayong pumatay sa mga magnanakaw kasi tayo naman ang mapapahamak diyan.
Mas okay na tayo ang niloloko kesa tayo ang manloloko kasi silang manloloko ang mananagot sa Diyos, hindi tayo. Magpakabuti tayo para ang karma natin ay maging mabuti at mag-ingat palagi sa mga tao sa paligid para hindi tayo maloko.
Palagi tayong magdasal para sa hustisya at mamuhay ayon sa nararapat, kahit ano pa man ang ginawa ng kapwa sa paligid natin.
Ang utang ay nararapat lang bayaran kasi ito ay binigay bilang pansamantalang tulong sa nangangailangan. Kung ang taong nagpautang naman ang nangangailangan, may karapatan naman siyang maningil.
Kung Gusto ninyo ng Mas Mabilis:
May option tayo na gawin ang Ritual sa Pagsingil ng Utang.
May bayad ang ritual na ito at ang bayad ay nakadepende sa kung gaano kalaki ang sisingilin at kung gaano kalakas ang gusto ninyong kapangyarihan na ibuhos sa ritual.
Ang ritual ay mas matindi kesa sa dasal lang dahil may alay na buhay ng hayop at sakripisyo sa parte ng naniningil dahil may bayad na pera na pinaghirapan sa pagsisikap.
Hihingi pa din tayo ng tulong kay Señor San Antonio de Padua sa pagsingil ng utang pero mas magiging malakas lalo dahil binigyan natin siya ng karagdagang enerhiya sa pamamagitan ng alay sa ritual para makatulong sa pagpapatupad ng ating kahilingan.
Si Señor San Antonio de Padua kumbaga ang admin na in-charge sa department na ito ng buhay pero ang pinakapuno at dulo pa din na hinihingian natin ng tulong ay ang Panginoon.
Magkano?
May bayad po ang ritual ayon sa halaga ng sisingilin at kung gaano kalakas ninyo gusto ang power ng ritual. Magkonsulta para sa tamang rekomendasyon.
Interesado?
Kung interesado kayo sa mas maraming detalye tungkol sa Ritual sa Pagsingil ng Utang, mag-PM po kayo sa amin sa aming Facebook page:
Facebook: https://m.me/siqhealers
Email: [email protected]
PM o Email po kayo kung handa na kayong magparitual.
