Dasal para sa Kaluluwa

Dasal para sa Kaluluwa

Kailangan nating magdasal para sa kaluluwa ng taong naghihingi ng tulong sa atin. Ang espiritu ng taong namatay ay nasa ibang mundo, at ang kanyang kaluluwa ay narito sa mundo ng tao.

Ang kaluluwa ng tao ang naghihingi ng tulong upang siya ang magdala ng tulong na iyon sa kanyang espiritu sa ibang mundo, saan man naroroon ang espiritung iyon. Iba-iba ang lugar na pinaglalagyan ng mga espiritu depende sa kanilang kabutihan o kasamaan, at kung sila ay nagmisyon o hindi.

Ang dasal para sa kaluluwa ay tumutulong sa mga kaluluwa ng mga taong nalagay sa hindi masyadong magandang lugar sa ibang mundo. Ang kaluluwa ang bibigyan natin ng liwanag sa pamamagitan ng dasal at kandila, upang sila ay makapagdala ng liwanag na ito sa kanilang mga espiritu sa ibang mundo. Ang liwanag na ito ay magdudulot ng mas magandang buhay para sa kanila.


Pamamaraan ng Dasal para sa Kaluluwa

Pareho lamang ito sa Gabay sa Araw-Araw na Pagdarasal sa Pagpapalakas na bahagi.

Ngunit bukod pa ang dasal sa perlas sa dasal sa kaluluwa.

Hakbang 1: Una, pakainin ang mga perlas, orasyon, at iba pang mahiwagang gamit.

Hakbang 2: Matapos hipan ang lahat ng gamit, saka idasal ang Dasal para sa Kaluluwa.

Hakbang 3: Magsindi ng kandila. Mas mainam kung bawat kandila ay para sa isang kaluluwa kung maaari.

Hakbang 4: Mainam na makuha ang pangalan at kaarawan nila—kung ipapanaginip o ipakita nila sa inyo sa pamamagitan ng meditation. Isulat ang mga pangalan at kaarawan at ilagay sa altar. Banggitin ang mga ito sa bawat pagdarasal para sa kaluluwa.

Hakbang 5: Idasal ang:

  • Ama Namin
  • Aba Ginoong Maria
  • Luwalhati

I-alay natin ito sa mga kaluluwang naghihingi ng tulong kada gabi.

Hakbang 6: Pagkatapos ng lahat ng dasal sa gabing iyon, patayin ang liwanag ng kandila.

Magpatuloy lamang sa pagdarasal sa ganitong paraan upang matulungan ang mga kaluluwang naghihingi ng inyong tulong.


Karagdagang Paraan ng Pagtulong

Kung nais ninyong mas matulungan pa sila at may budget kayo, maaari kayong magparitual sa amin ng Ritwal para sa Kaluluwa. Ito ay lalo na kung nagbibigay sila ng sakit o malas sa inyo, at kung sila ay inyong kamag-anak na may dalang malaking sumpa o karma.

Kahit hindi kamag-anak na may dalang sumpa, pwede pa ring magparitual para sa mga naghihingi ng tulong upang mas mabigyan ang kanilang mga kaluluwa ng kaginhawaan sa kanilang sitwasyon sa espiritu sa ibang mundo.

siqhealers.com/ritual