Dasal para sa Matigas na Ulo ng Anak
Nakakawalang-gana ang magkaroon ng anak na matigas ang ulo. Gusto mo siyang turuan sa mabuting landas, pero tila ayaw niyang sumunod sa iyo. Maaaring may nagawa ang iyong asawa kaya naging ganyan ang iyong anak, o baka napabayaan ninyo siya. Ngunit kahit ano pa man ang dahilan, nais mong baguhin ang inyong samahan ngayon.
Magpasalamat tayo dahil may pag-asa pa—sa pamamagitan ng panalangin.
Sa Diyos pa rin tayo hihingi ng tulong, ngunit para mas maging epektibo ang ating dasal, humingi tayo ng pamamagitan ni Mama Mary at ng Sagradong Pamilya (Holy Family). Narito ang dapat mong gawin:
- Magdasal sa umaga at sa gabi gamit ang gabay na ito: 3 Ama Namin, 3 Aba Ginoong Maria, at 3 Luwalhati.
- Magsindi ng puting kandila.
- Mas mainam kung may imahe ng Sagradong Pamilya sa iyong altar.
Ito ang dasal mo:
“Diyos Ama, maraming salamat sa pagiging mabuting Ama. Humihingi ako ng tulong kay Mama Mary at sa Sagradong Pamilya upang bigyan ng lakas ng pagmamahal ang relasyon ko sa aking anak.
Palambutin Ninyo ang kanyang puso, bigyang-liwanag ang kanyang pag-iisip, at buksan ang kanyang mga mata upang maunawaan ako.
Sana matutunan niya ang pagiging mabuting anak, tulad ni Hesukristo na bumaba sa mundo upang ihandog ang Kanyang sarili bilang masunuring anak sa Iyo. Nawa’y makita niya ang kabutihang-loob na tanging gusto naming para sa kanya, at sumunod siya sa aming mga payo na para sa kanyang ikabubuti.
Alisin ang anumang negatibong enerhiya sa kanyang katawan na nakatuon sa akin. Patawarin Ninyo ako sa lahat ng aking nagawang kasalanan—sa kasalukuyang buhay man o sa nakaraan—na siyang naging dahilan ng aking pagdurusa ngayon. Nawa’y maayos ko rin ang aking mga pagkakamali sa anak ko at masimulan ang paghilom ng aming relasyon.
Nawa ang pagmamahal ni Mama Mary kay Hesus, at ng Sagradong Pamilya, ay sumaatin at sa aking pamilya, upang maging maayos ang aming samahan sa isa’t isa. Amen.”
Pagkatapos, hipan ang kandila. Ulitin ito araw-araw. Palitan ang kandila kung ito ay maubos. Patuloy na gawin ito upang dahan-dahang lumambot ang puso ng iyong anak. Huwag kalimutang gampanan ang iyong tungkulin bilang magulang—iwasan ang magalit, at kung hindi na mapigilan, lumayo muna upang manatiling kalmado.
Kung Gusto Mo ng Mas Malakas na Panalangin:
Kung nais mong palakasin pa ang epekto ng panalanging ito, may opsyon kang magpa-ritwal sa amin.
Mag-aalay kami ng mga pagkain at mas matinding dasal upang mas mabilis at mas mabisang mapaamo ang iyong anak. Gagawin namin ito upang patindihin ang epekto ng inyong panalangin.
Ang ritwal ay may katumbas na bayad, depende sa lakas ng kapangyarihang gusto ninyong iaplay at sa bigat ng sitwasyon ng inyong anak. Ang aming ritwal ay nagsisimula sa 1,000 piso.
Para sa karagdagang detalye tungkol sa Ritwal na Pampaamo sa Anak na Matigas ang Ulo, maaari kang mag-PM sa aming Facebook page:
https://m.me/siqhealers
O mag-email sa:
[email protected]
Maraming salamat at pagpalain kayo ng Diyos!
