Gabay sa Araw-Araw na Pagdasal

Panoorin ang FULL Gabay sa Pagdasal Course (Tagalog):

AUDIO VERSION:

Gabay sa Araw-Araw na Pagdasal

Ito ang paraan ng pagdasal na tinuro sa akin ng mga puting engkanto, anghel at Panginoon. Ganito ako magdasal kada umaga at gabi.

Mas maganda magawa ito sa umaga at sa gabi pero kung busy ka talaga, kahit isang beses mo lang gawin sa umaga o sa gabi. Hindi naman masyado matagal ito gawin. Pwedeng gawin lang ito ng 5 minuto.

Tungkol sa pagluhod:
Kung nahihirapan kayong magluhod, ok lang din na mag-upo habang nagdarasal. Kung kaya niyo pang magluhod, pinaka-importante lang magluhod sa bahagi ng Paghiling (part 2 ng dasal).

Kasuotan:
Magbihis lang tayo ng disente. Huwag lang tayo nakahubad o naka-underwear lang. Magbihis tayo ng kahit sando o shorts man lang.


Simula:
Nagluluhod ako sa harap ng altar kong nasa silangan (nakaharap ako sa silangan) at nagdarasal:

Gawin ang sign of the cross:
“Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo” (huwag muna mag-Amen.)


1. Pagpapalakas:
“Panginoon, nagdarasal ako para pakainin ang lahat ng aking kapangyarihan at kakayahan ng 3 Ama Namin, 3 Aba Ginoong Maria at 3 Luwalhati.”

Idasal mo ang lahat ng iyon at sabihin mong “Amen Hesus” pagkatapos ng huling Luwalhati. Huwag mag-Amen sa pagkatapos ng bawat dasal. Isang “Amen Hesus” lang pagkatapos ng lahat ng dasal, tapos i-ihip mo ang mga dasal sa mga mahiwagang gamit, perlas ng kapangyarihan at libro ng mga orasyon, pagkatapos ng “Amen Hesus”.

Kung may mga orasyon kang inaalagaan, ngayon mo sila sambitin at gawin ito ng tuloy-tuloy sa 49 na araw. Pagkatapos ng 49 na araw, pwedeng hipan mo na lang ang libro ng orasyon kung saan sila nakasulat. Kung ang mga orasyon mo ay pamproteksyon sa katawan, pansarado at pansumbalik — maganda na patuloy mo silang sambitin kahit na pagkatapos ng 49 na araw para mas protektado ka.


2. Paghiling:
Dito ka maghingi ng kapatawaran, proteksyon, blessing, paggabay at hustisya sa buhay mo.

  • “Panginoon, patawarin ninyo ako sa mga kasalanan ko…”
  • “Panginoon, sana protektahan ninyo ang mga minamahal ko sa buhay…”
  • “Panginoon, sana bigyan ninyo ako ng…”
  • “Panginoon, sana gabayan ninyo ako sa…”
  • “Panginoon, sana ay makamtan ko ang hustisya sa…”

Sa bawat hiling natin na pinakaimportante, pwede tayong magsindi ng tig-isang kandila. Pagkatapos ng lahat ng paghiling, “Amen Hesus”.


3. Pagpasalamat:
Dito ka lang magpasalamat sa buhay mo, kalusugan at lahat ng biyaya.

  • “Panginoon, salamat para sa…”

Isarado mo na ang dasal. Sign of the cross ulit:
“Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen Hesus.”

Pagkatapos ng lahat ng dasal, dito natin hipan ang mga kandila para maapula ang apoy.


Hindi kailangan ng napakahabang dasal. Ang importante ay palaging magdasal ng galing sa puso.