Gabay sa Past Life Reincarnation

Nabuhay na tayo dati. Tinatawag ang mga buhay na ito bilang mga reincarnation. Paulit-ulit tayong nabubuhay hanggang umabot sa limit ng mga buhay na mayroon tayo bilang isang nilalang. Iba-iba ang limit ng mga buhay ng mga nilalang at kung umabot na dito ay titimbangin ang lahat ng kanilang buhay sa kabutihan at kasamaan upang husgahan at malaman kung saan sila ilalagay para sa walang hanggang buhay bilang espiritu.

Sa ating mga past lives, namuhay tayo bilang iba’t ibang tao—lalaki o babae, mahirap o mayaman, iba’t ibang lahi, sari-saring kulay ng balat, at iba’t ibang bansa. Minsan normal ang ating mga katawan, minsan may kapansanan. Minsan malas, minsan swerte. Lahat ng ating mga buhay ay magkakaugnay, at ang kasalukuyang buhay natin ay maaaring natutukoy ng ating mga ginawa sa nakaraan.

Para matuklasan ang katotohanan tungkol sa reincarnation, mag-meditate ka sa aking libreng 3rd Eye Meditation tuwing Sabado, bandang 10 n.u., live sa aking mga social media platform. Maaari kang sumali nang live o gumamit ng replay. Sa bawat session, ipagdasal mong ipakita sa iyo ang iyong mga past life reincarnation upang maintindihan mo kung bakit ganyan ang iyong buhay ngayon. Halimbawa: “Lord, sana ipakita Mo sa akin ang katotohanan tungkol sa aking mga past life reincarnation.” Maaaring ganyan o kahalintulad ang iyong panalangin.

Mainam ding magpatuloy ka sa kabanalan. Iwasan ang mga bisyo at isulat ang iyong mga karanasan sa meditation, mga pangitain, at panaginip upang lalong tumalas ang iyong alaala sa mga ganitong karanasan. Hindi sapat na magbasa lamang tungkol sa mga espiritwal na bagay—kailangan nating maranasan ang mga ito. Huwag kang basta maniwala sa sinabi kong may reincarnation; sikapin mong alamin mismo ang mga detalye nito.

Ang pinakamahalagang tandaan ay ang lahat ng ating ginagawa dito ay naitala, binilang, at tinimbang. Ito ang tinatawag na karma. Sikapin nating gumawa ng mabuti upang makapag-ipon ng mabuting karma. Magsisimula ito sa pagiging mulat sa ating sarili at sa epekto ng ating mga desisyon sa ating buhay. Magagawa natin ito sa pamamagitan ng mindfulness meditation. At natural, magagawa nating mamuhay ayon sa Landas ng Kabanalan.

Para sa mas maraming impormasyon tungkol sa reincarnation, karma, huling paghuhukom, at iba pang espiritwal na konsepto, basahin ang Kaliwanagan ng Katotohanan.