FREE ang ganitong klaseng pagpa-aura.
Paalala ko lang po na ang aura na gawa ko rito ay di katulad ng pagbasa ng kapalaran niyo sa mundo ng tao katulad ng ibang manghuhula. Para sa kabilang mundo po ang ginagawa nating pagbasa sa klase ng pag-aura na ito para malaman niyo ang buhay niyo sa kabilang mundo.
Ang binabasa namin ay:
- Pangalan niyo sa kabilang mundo,
- Pangalan ng Kaharian niyo
- Anong grupo ang kinabibilangan niyo
- Ang ranggo niyo sa grupong yun
- Kulay niyo bilang engkanto
Send kayo ng bagong disenteng picture na pokus sa mukha niyo na malinaw, maliwanag, walang filter, walang make up, at walang salamin. Bawal may nakalagay na ganito kasi papangit kayo kapag aurahan ng mayroong ganito.
Pwede niyo ipost sa:
https://www.facebook.com/groups/paraisa.tagalog
Pwede niyo rin i-PM sa:
https://www.facebook.com/ericroxas.lcs
Kapag binigay ko mga pangalan niyo at kaharian, tandaan niyo. Di ko na pwede ulitin.
Kung makalimutan niyo, kailangan kayo na ang tumuklas para sa sa sarili niyo sa pagsikap sa meditation.
Kung magbigay ako pangalan ulit sa inyo, ibang pangalan na at mas mahina na kesa sa unang binigay ko sa inyo kaya hindi ko na sana ulitin.
Yan kayo bago kayo nagkasala para ibagsak sa mundo ng tao at yan ang babalikan niyong pagkatao at kaharian pagkatapos mamatay kung nagpakabuti kayo rito sa mundo ng tao – lalo na kung magmisyon kayo ay pwede pa kayo umangat ng ranggo.
Magagamit niyo yan bilang guide sa meditation o panaginip niyo para makapasok kayo sa kaharian niyo at maalala sino kayo sa kabilang mundo. Pag-isipan niyo lang yan habang nagmeditate o bago matulog.