Hi. Pwede mo ako tawaging Bro Eric.

Ako si Bro Eric Roxas, ang spiritual healer life coach na founder ng Siquijor Healers Life Coaching Services.

Simula pa noong bata ako ay naghanap na ako sa spiritual dahil sa biglaang pagbukas ng 3rd eye ko. Naguluhan ako noong una talaga at maraming pinagdaanang pagsubok.

Mata ko ito at inedit ko para maging simbolo sa pagbubukas ng spiritual kong pananaw sa murang edad na 7 years old.
Nagtanggap ako ng award bilang top student sa batch ko ng AB Social Sciences 2015.

Nag-aral ako sa Ateneo de Manila University mula grade school hanggang college habang nakatira sa Quezon City. Naggraduate ako na top student ng AB Social Sciences noong 2015. Gayunpaman, hindi ko naman priority ang pag-aaral sa skwelahan noon kundi ang spiritual na pag-aaral.

Masugid akong naghanap ng spiritual na kasagutan sa madaming kulto, grupo, relihiyon, pilosopiya kahit nag-aaral pa ako sa skwelahan at kahit natapos na ako sa pag-aaral sa school. Nag-aral ako ng iba ibang disiplina at gawain.

Ito ang selfie ko na naglalakbay ako para sa paghahanap ng spritual na katotohanan. Papunta ako sa bundok ng Banahaw dito.
Naglalagay ako ng mga dahon sa vermicomposting pit para kainin ng mga bulate sa Layog Country Farm sa Mountain Province.

Nag-aral ako ng permaculture at organic farming para matutunan ko ang kaugnayan ng tao sa kalikasan at ang pangkalahatang pangangasiwa dito. Napunta ako sa Mountain Province, Laguna, Antique at Palawan para dito.

Nag-aral ako tungkol sa fitness at kalusugan. Nagworkout ako para sa kagandahan ng katawan at sa pangkalahatang performance. Weightlifting, calisthenics at running ang kadalasang ginagawa ko.

Ito ang picture ng katawan kong nakaflex noong nagfocus pa ako sa aesthetics.
Ito ang picture namin ng graduation day sa AV108.

Nag-graduate din ako sa AV108 bilang 200-hr certified yoga teacher. Bukod sa pag-aral ko sa kanila ay marami na din akong sinalihan at ginawang yoga practices sa una. Ang mga teacher ko si Jovan at si Noreen.

Nag-aral din ako ng martial arts. Boxing, muay thai, arnis at brazilian jiu-jitsu. Nakatulong ang mga ito sa akin para mahasa ang disiplina at ang katapangan harapin ang pagsubok at away sa buhay.

Ito ang championship match sa Novice cup bilang white belt ako sa Brazilian Jiu Jitsu. Nanalo ako ng gold.

Nakatanggap din ako ng formal life coach training mula sa ICF and CCA certified na school. Ginawa ko ang 24 week success online coaching program nila na nakatulong sa akin para sa paghasa sa mga skill bilang life coach. Nakatanggap ako ng guidance kay Dr Randin Brons at Coach Steven Kiges.

Ito ang logo at pangalan ng sinalihan kong grupo.
Nakilala ko ang mga kasamahan ko sa pagmimisyon bilang engkantao sa Landas ng Kabanalan. Mga kasama ko si Amay, Noel, Ate TC at Ivan.

Dahil sa kapaguran ko sa paghalughog sa katotohanang spiritual, inakala ko na imahinasyon lang natin ang lahat at walang kwenta ang ginagawa ko. Magpakamatay na sana ako noong October 2019 pero biglang nagbago ang ihip ng buhay ko at ginabayan ako sa mga panaginip at nakilala mga kasamahan ko.

Sa patuloy kong pagsikap, lumipat ako sa Siquijor at nagtagumpay sa 5 na taon nang nagmimisyon sa Landas ng Kabanalan sa November 2024. Ngayon naliwanagan na ako sa ano ang mga katuturan ng pinagdaanan ko at pinagsama ko ito lahat para magturo ng Pangkalahatang Self-Improvement Papuntang Langit.

Ito ako na nakasuot sa natagumpayan kong mataas na korona.
Ito ang picture ko sa isang pagritual ko sa Byernes ng gabi.

Nakakuha ako ng mahiwagang kapangyarihan.

Nabuksan ang spiritual kong mata sa murang edad ng 7 years old. Dulot nito, nagsikap ako tuklasin ang spiritual na katotohanan sa paghalungkat ng relihiyon, grupo, pilosopiya, guro at mga spiritual na pamamaraan. Nagsimula ang misyon kong pinakaseryoso noong 2019 na nagkaroon ako ng near-death experience sa Siargao. Ginabayan ako para makapunta dito sa Siquijor kung nasaan ako nakatira na.

Dito ko natuklasan ang Kaliwanagan ng Katotohanan na hinahanap ko buong buhay ko at dahil sa taimtim na pagsisikap ay nabigyan ako ng iba’t ibang kapangyarihan bilang isang spiritual healer life coach para maging kabuhayan ko.

Ngayon ay nagtutulong ako sa mga tao sa iba’t ibang problema nila sa buhay gamit ang makapangyarihang spiritual na pamamaraan katulad ng ritual, blessing, aura at tawas. Nagtuturo ako ng mga mahalagang paksa sa Pangkalahatang Self-Improvement Papuntang Langit, nag-coach sa mga tao para kumilos papunta sa Mahusay na Buhay at nagsisikap na manatiling mabuting halimbawa sa Landas ng Kabanalan.

Sa kasalukuyan ay patuloy akong nag-improve sa sarili, nagturo, nanggamot, nag-consult at nagritual.

Gusto mo ba magpaconsult? Schedule ka rito: