(0:00 - 7:39) Welcome sa course na ito mga kapatid kung saan nga pag-uusapan ko kung ano ang panaginip ano ang iba't ibang klase uri at anyo ng mga panaginip ano ang purpose ng mga panaginip na ito at ano ang mga ibig sabihin at paano malaman ang ibig sabihin ng mga panaginip na ito so sana matapos nyo ang course hanggang sa katabusan talaga nito para malaman nyo kung ano nga ba ang panaginip para masulit ang course na ito ay kailangan subaybayan talaga natin ang ating mga panaginip at i-apply or pag-isipan ng mabuti ang lahat nga ng mga konsepto na ituturo ko dito tungkol sa mga panaginip para malaman natin kung ano ang mga katuturan ng mga konseptong ito sa ating sariling mga dream life or mga panaginip ang panaginip sa pinaka-simpling pagsalita ay ang mga karanasan natin sa kabilang mundo at yun yung mga alaala natin kapag bumabalik nga tayo dito sa mundo ng tao isang paraan ng direktang karanasan nga sa spiritual ang panaginip bukod sa mga tinatawag nga nating meditation at iba pang mga altered states of consciousness kung baga ang ating panaginip ay kaugnay na din sa mga tinatawag nating out of body experiences or astral projection at iba-iba ang mga tawag sa mga ito pero ang panaginip ay basically nga yung mga karanasan nga natin sa kabilang mundo tapos yung mga naaalala natin na mga panaginip yun yung mga memories kung baga ng mga pinagdaanan natin sa kabilang mundo totoo ba ang panaginip? marami yung nagsasabi na panaginip lang yan walang katotohanan yan walang kabuluhan at maaring makalimutan lang kapag hindi naman masyado matingkad ang mga detalye at yun nga hindi pinahalagahan at dahil nga hindi pinahalagahan ay kakalimutan lang pero mga kapatid, ang masasabi ko nga dyan ay sayang ang panaginip kapag hindi napagtuunan ng pansin o mga kapatid, mayroon mga panaginip na parang walang katotohan pero sa totoo lang ay lahat yan ay may pinanggagalingang mga dahilan kailangan lang natin matutunan kung ano ang importansya ng ating mga panaginip maraming tao na nagsasabi nga na random lang ang mga nangyayaring panaginip pero hindi lang nila nauunawaan kung ano ang mga simbolo at mga ibig sabihin ng mga simbolo sa panaginip kaya nga ay tatalakayin natin dito kung ano nga ba ang kabuluhan ng mga panaginip na ito kailangan lang natin buksan ang ating spiritual na pangunawa para malaman ang halaga ng mga panaginip mahalaga ang mga panaginip kasi nga isa itong malaking paraan para madeskubrehan natin kung ano ang katotohanan sa ating mga sarili at sa spiritual kailangan lang natin pagtuunan ng saktong atensyo na ating mga panaginip para malaman ang kanilang kabuluhan sa ating mga buhay kada gabi at minsan nga kapag halimbawa ay natulog o naidlip tayo sa mga hapon ay mayroon tayong mga panaginip pero hindi lang natin masyado naaalala dahil nga ay hindi natin pinagtutuonan ng pansin tapos hindi rin natin masyado inuunawa para malaman kung ano talaga ang kanilang ibig sabihin kadalasan din ay kulang sa enerhiya ang mga tao dahil nga sa mga bisyo, kasalanan at hindi lang talaga pinagtutuonan ng pansin ang spiritual kaya nga dahil sa kakulangan ng enerhiya na ito ay hindi nga naaalala o naiintindihan ng mga tao ang kanilang mga panaginip maraming purpose ang mga panaginip na makakatulong sa atin kung malaman lang natin para saan sila. Ang tinatawag kong klase ng mga panaginip ay ang literal at simboliko ang literal siyempre ay direktang yan ang ibig sabihin na kung ano yung nangyari halimbawa sa panaginip mo ay yun din yung gusto niyang iparatingin sa iyo. Halimbawa ang literal ay kung namatay ang kaibigan mo sa panaginip mo ay maaaring literal din na mamatay siya sa totoong buhay pero minsan naman ay yung pagkamatay niya halimbawa ay yung isa pa na klase ng panaginip so yun pala naging simboliko yung pagkamatay ng kaibigan mo na namatay siya dahil nagbago yung buhay niya na matay na yung bisyo niya or dating pamamaraan ng pamumuhay niya kaya yun yung dalawang klase ng panaginip na sinasabi ko. Yung literal na kung ano talaga yung nasa panaginip yun ang nangyari or mangyayari tapos yung simboliko naman ay hindi literal kundi gumagamit lang ng pahiwatig na kung ano yung ibig sabihin ng panaginip mo na iba pala kesa doon sa nakita mong literal na pangyayari sa panaginip mo mas madalas ay simboliko ang mga panaginip kesa literal pero paminsan or bihira ay literal din ang mga panaginip kung ano ang makita natin sa ating mga panaginip ay yun talaga ang mga nangyayari. Ang tinutukoy ko naman sa uri ng panaginip ay ang deretso or kabaliktaran kung deretso ang panaginip ay yun nga. Kung namatay yung tao sa panaginip mo ay namatay din talaga siya sa totoong buhay tapos kung kabaliktaran naman ang ibig sabihin ng panaginip na yun ay maaaring hindi siya namatay kundi naligtas nga siya mula sa kamatayan. So medyo nakakalito pero yun nga yung pagkasalimot ng mga panaginip yung uri nga ng panaginip yung deretso at kabaliktaran kung ano talaga yung nangyari yun na yun or yung pala yung kabaliktaran ang mangyayari doon sa mga nakita mo sa panaginip kung ipagsasama naman natin ang klase at uri ng panaginip, ang tinatawag ko dyan ay ang anyo ng panaginip kung naaintindihan nyo yung mga sinasabi ko doon sa klase at uri ng panaginip ay pinagsama lang natin yung klase at uri ng panaginip. So meron tayong apat na combinations na sinabi ko doon sa literal na deretso literal na kabaliktaran simboliko na deretso at simboliko na kabaliktaran literal na deretso yung namatay sa panaginip tapos namatay talaga sa totoong buhay tapos yung literal na kabaliktaran yung namatay nga sa panaginip pero nabuhayan pala siya dito or naligtas ang buhay niya dito. Tapos yung simbolikong deretso naman ay kung namatay siya sa panaginip niya ay namatay yung mga dating pamamaraan ng buhay niya. Tapos yung simbolikong kabaliktaran naman kung namatay siya ay nabuhay ulit halimbawa yung bisyo niya or yung nakarang uri ng pamumuhay niya isang halimbawa lang na ginamit nga natin yung panaginip ng kamatayan. Pero maaaring mai-apply yung tinatawag nga natin na klase, uri at anyo ng panaginip sa lahat ng klase ng mga panaginip. Tapos habang dumadami nga yung mga pangyayari sa panaginip ay syempre mas nagiging complex or komplikado ang ating mga panaginip. Kaya nga kailangan natin pag-aralan ng mabuti at subay bayan natin para malaman kung ano talaga ang ibig sabihin ng ating mga panaginip. Maraming iba't ibang purpose ng panaginip mga kapatid. Dito natin tatalakayin ang iba't ibang mga purpose ng panaginip. Maaari na meron mas spesipiko na mga purpose ng panaginip. Pero ilalathala ko dito kung ano yung mga pinakabasic na makakasaklao sa lahat. Ang isang purpose ng panaginip nga ay ang pagpredikta sa hinaharap. (7:39 - 8:23) So makikita mo ang hinaharap na mangyayari sa buhay mo o sa buhay ng mga tao na kakilala mo sa inyong mga panaginip. So yun nga, pwedeng maging literal or simboliko, diretsyo o kabaliktaran. Pero makikita mo kung ano ang mga nasa hinaharap. Kasama na nga dito kung ano yung mangyayari na pagtagumpay o pagpalpak, pagkamatay halimbawa o sakuna na nakikita para sa mga tao o hindi kaya para sa mga bayan o sa buong mundo. Kasama na dito yung mga tinatawag na nakikita nila kung ano yung mangyayaring mga dilubyo sa iba't ibang bahagi ng mundo. Pati na din sa kung ano ang mga darating na karma sa buhay ng isang tao o di kaya ang kanilang paparating na kamatayan. (8:24 - 9:12) Pero ang isang kailangan nga bantayan ay kadalasan kapag merong mga panaginip nga na napipredikta ang hinaharap ay kung isang bulat or ibisto mo o di kaya ay ibulgar mo ang mga ito ay maaaring maiba ang hinaharap kesa doon sa pagpredikta na nakita sa mga panaginip. Ang ating panaginip ay karanasan sa kabilang mundo. Mga alaala natin noong nandoon pa tayo sa kabilang mundo bilang mga hari at reina sa mundo ng inkanto o di kaya ay mga anghel sa langit at iba pang mga kaugnay na mga buhay, maaari na makilala nga natin ang ating pagkakilanlan or identity bilang hindi tao kundi mga mahiwagang nila lang. (9:12 - 12:15) Ang mga karanasan natin sa kabilang mundo ay kadalasan nga meron mga marka ng mahiwaga dahil meron tayong mga super power nakakalipad tayo, nakakagawa tayo ng mga hindi magawa ng ordinaryong tao. Pwede rin makakita tayo ng mga mararangya at nagliliwanag na mga kaharian tapos marami tayong mga sakop na milyon milyon tapos iba din yung itsura natin dahil mga sobrang ganda natin na mga tao pero yung pala ay inkanto na tayo. Pwede rin natin malaman ang ating mga tinatawag na past life or past reincarnation kung saan nga ay nakikita natin kung ano yung mga pinagdaanan nating mga buhay habang nandito tayo sa mundo ng tao. Minsan ay lalaki tayo, minsan babae, minsan mahirap, minsan mayaman, minsan maganda, minsan pangit, minsan nasa iba tayong mga lugar kesa doon sa tinitirhan natin nga na bansa ngayon. Iba iba ang ating mga naging kabuhayan at karma sa buhay. Isa pang purpose ng panaginip ay ang pagturo sa atin ng mga lessons. So maraming mga ituturo sa atin na ipapahihwatig sa mga karanasan natin nga sa mga panaginip. Maaaring makatulong ang mga ito para bumuti ang ating kapalaran dito sa mundo ng tao or hindi kaya ay bibigay sa atin ng mga pointers or mga tips sa kung paano maging maayos or maghanda nga tayo para sa ating buhay sa kabilang mundo. Maaring gumamit nga sila ng forma ng mga tao na kakilala na ninyo dito sa mundo ng tao or hindi kaya ay gagamit sila ng mga kakaibang hulagway na hindi mo kakilala dito para nga ipadaan ang mga lessons na parang meron talagang nagtuturo sa'yo na parang teacher at studyante tayo. Sa sarili kong karanasan ay dati nga may mga nagtuturo sa atin na hindi lang tao ang kanilang mga hulagway at mukha silang mga kakaiba na nila lang na hindi mo makikita dito sa mundo ng tao. Kaya nga yung mga nagsasabi na tungkol sa Duende or Capre or mga iba iba na hindi ko nga alam kung ano ang pangalan nila pero mahiwaga silang nila lang na hindi ko nakikita dito sa mundo ng tao. Pero parang malatao din yung forma nila kahit papaano pero medyo iba ang dating nila. Isa pang purpose ka yung pagkilala sa mga tao sa buhay natin. So kaugnay na din ito sa lessons pero mas importante kasing ibukod ito dahil pinapakilala sa atin halimbawa ang ugali at intensyon ng mga tao sa paligid natin. So masama ba sila o mabuti. Tapos ano ba yung nasa isip nila bakit sila nakikisama sa'yo bakit sila may galit sa'yo or bakit nila gusto sa'yo. Masasabi ko na isa ito sa mahalaga at makakatulong nga na kapangyarihan lalo na kapag nagpatuloy ka sa landas ng kabanalan. Para nga ay malaman mo pano protectahan ang sarili mo doon sa mga intensyon ng mga tao sa paligid mo. (12:15 - 12:28) Hindi man mangyari yan instant agad. Paminsan kasi ang mangyayari ay makikipag-usap or makikipag-mabutihan din tayo sa mga tao. Tapos maring meron na tayong na-invest sa kanila na enerhiya o pera o oras. (12:29 - 12:52) Tapos meron lang tayong matutoklasan tungkol sa kanila dahil sa mga panaginip nga natin na pinapahihwate kung sino sila. Kaya dyan na lang tayong mag-a-adjust sa kung ano nga ba ang kailangan natin gawin para tayo ay maligtas sa mga ganyang peligro. Pero hindi may iwasan kasi meron talaga mga pagsubok na ipapagsubo talaga sa atin para malaman kung may pasensya ba tayo. (12:52 - 13:14) Pero makakatulong yan kapag ipapakilala na sa atin kung ano ang mga ugali ng mga tao lalo na kapag manloloko sila. Tapos mapapahalagahan mo din yung kabila nito na banda, yung mabuti kasi makikilala mo din yung mga tao na mabuti talaga ang intensyon sa'yo. Isa pang purpose nga ng panaginip ay ang pag-iwas sa panganib. (13:15 - 13:42) Kaugnay na rin ito sa mga nakikita mo nga yung hinaharap tungkol sa mga dilubyo o di kaya yung mga totoong intensyon o ugali ng mga tao. Yung mga paparating na panganib makikita mo yun para makaiwas ka. So yun nga yung kailangan nating tandaan na nakikita nga natin yung hinaharap dun sa mga posibleng masamang mangyari para makatulong ang mga panaginip sa ating pag-iwas sa panaginip. (13:43 - 15:31) So magiging useless lang din yung panaginip kapag nakita mo nga yung mga sinasabihan ka na na umalis ka dyan o wag mo puntahan yung tao na yan o wag ka tumuloy sa project na yan dahil kapag pakinggan natin nga ang mga panaginip na yan ay makakaiwas tayo sa panaginip. Dapat ay sundin lang natin yung mga payo para hindi nga maging useless yung mga panaginip at makaiwas nga tayo sa mga panganib. Dahil nga ang mga panaginip ay karanasan natin sa kabilang mundo ang mga panaginip na ito ay patikim sa ating mga posibleng buhay sa kabilang mundo at sinasabi ko nga na posibleng buhay dahil nakadepende pa sa kung ano nga ang gagawin natin dito sa mundo ng tao. Habang nandito pa tayo at buhay, yan ang magdidesisyon kasi sa kung saan tayo ilalagay sa kabilang mundo pagdating sa ating kamatayan. Kung mabuti ang ating mga ginagawa ay mapupunta tayo sa mabuting lugar at kung masama ang ating mga ginagawa ay mapupunta tayo sa masamang lugar. Lalo na kapag natuto kayo sa Free Third Eye Meditation na tinuturo ko ay malalaman nyo kung ano nga ba yung langit, impyerno, purgatorio, mga inkantong, kaharian at yung mga iba't ibang mga antas ng kaharian na ito at makakapili ka ayon sa kung ano nga ang desisyon na pinili mo sa anong klaseng buhay ang bubuhay mo habang nandito ka pa. Susundin mo ba ang landas ng kabanalan o ang landas ng kahalayan. Nasa iyo na kapatid kung ano ang pipiliin mo. Ang panaginip mapapakita sa iyo yung mga posibleng lugar na pwede mong mapuntahan pagkatapos sa kabilang mundo na nakadepende na lang sa kung ano ang iyong gagawin na buhay dito yun ang magdi-desisyon sa kung saan ka inalaga. (15:32 - 15:52) Isa pang purpose ng panaginip ay ang paglikha nga natin bilang mga manlilikha. Kung nakarinig ka na nga doon sa mga kwento ng Lucid Dream na nakakakontrol tayo sa ating mga sarili at sa ating paligid ay yun nga. Lalo na kapag nakaranas ka na doon sa Lucid Dream na yun alam mo na yung sinasabi ko. (15:52 - 17:18) Yan nga yung patikim sa kung ano ang buhay bilang isang creator kaya nga ang sinasabi tungkol sa mga engkanto ay mga gods and goddesses, mga devas devatas. Yan ang iba't-ibang mga sinasabi sa iba't-ibang mga kultura nga na mga makakapangyarihang mga nilalang na gumagawa nga ng mundo na sarili nilang mundo ayon sa kung ano ang gusto nilang mangyari. So yan nga nakaranasan na makakalikha tayo ng gusto nating mundo ay isa sa pinakamaganda ang karanasan sa kabilang mundo at yan nga ang papasukin nating mundo kapag nagmission tayo sa landas ng kabanalan at nagtagumpay isa yan sa pinakamaayos na reward na maging manlilikha sa ibang mundo bilang mga makapangyarihang engkanto. Isa pang purpose din ng mga panaginip ay ang makasama ang ating mga minamahal sa ibang mundo. Ang pinag-uusapan ko dito ay ang mga minamahal natin nga sa buhay na yumauna, so nasa ibang mundo na sila. At pwede silang nasa hindi masyado magandang lugar, halimbawa sa imperno or purgatorio, kapag hindi nga sila masyado nagpakaabute at kapag nasa maayos naman ang kanilang pagsikap dito sa mundo ng tao parang nga sa kabanalan ay nasa salibhani sila o di kaya ay nasa waiting area ng langit depende sa kung ano nga ang naabot nila habang nandito sila. (17:18 - 30:53) Mas maganda sana habang nandito tayo sa mundo ay magmission tayo sa landas ng kabanalan bilang mga ofisyon na engkantaong misionaryo nga. Kung gusto nga natin makarating sa magagandang lugar pagdating sa kabilang mundo at yun nga kapag yung kamag-anak mo ay napanaginipan mo kung nasan sila at hindi masyado maganda yung lugar na pinagtitirahan nila ay maganda makamission ka din sa landas ng kabanalan bilang isang ofisyon na engkantaong misionaryo para nga ay matulungan mo sila na umangat ang kanilang mga estado sa mas magandang lugar na hindi na sila masyado nagdurusa dahil nga dun sa mga ginawa nilang kasalanan. Pwede nyo rin silang ritwalaan para sa kalalawa at yun ay isang servisyo na ginagawa namin na kailangan ng bayad at alay para nga ay magawa ang ritual na yan bilang kapalit para matulungan sila na maging mas maginhawa ang kanilang mga buhay at dahan-dahan umangat ang kanilang mga estado sa kabilang mundo dahil nga sa ating mga panaginip ay makakausap, makakasalamuha at malalaman nga natin kung nasaan ang ating mga minamahal sa buhay na nasa ibang mundo, kung nasaan yung mga spirito nila ay mapupuntahan natin kung tayo ay sapat na ang enerhiya natin sa ating mga katawan at sapat na rin yung pagsikap nga natin sa landas ng kabanalan. Kasama na din dito ang ating pagpraktis sa Free Third Eye Meditation. Isa din nga na purpose ng ating mga panaginip ay dito natin makikita o maririnig pala ang mga nagtatawag sa atin para sa tulong. At kaugnay dun sa sinasabi ko kanina, ay ang ating mga minamahal nga sa buhay ay makikita natin kung nasaan sila at kung naghihingi sila ng tulong ay pwede natin silang matulungan dahil alam natin kung ano ang kalagayan nila. At hindi lang para sa ating mga kamag-anak o minamahal sa buhay. Ang iba rin ay merong mga lumalapit sa kanila na kaluluwa nga para maghingi ng tulong at dyan nga lumalabas sa panaginip yan lalo na kapag alimbawa ay nasa isang bahay o lugar lupa ka kung saan may mga namatay na tao na hindi nga pumanaw ng maayos tapos naghihingi sila ng tulong sa'yo at maganda nga na matulungan mo sila kasi palagi silang maghihingi ng tulong sa'yo at hindi ka rin naman papahingahin doon sa lugar mo. Kaya nga mas maganda ritwalaan ang mga kaluluwa na yan lalo na kapag malapit ka doon sa simenteryo o di kaya doon sa mga lugar na kung saan pinatay nga yung mga tao na yan So ang ating mga panaginip ay isang paraan para makita natin at marinate yung mga tawag para sa tulong natin. Kung may budget ka ay magpa-ritwal ka para sa kaluluwa at yan ang isang servisyo nga na ginagawa namin sa Eric Rojas Life Coaching Services. Ang isa pang purpose nga ng panaginip at siguro ito na rin yung isa sa pinag-favorite ng mga tao ay ang makakuha ng orasyon at iba pang kaalaman. O nga mga kapatid ang mga spiritual na kaalaman na pinaka the best ay ang direkta nga na makukuha mula sa ating mga gabay na hindi tao kundi mga engkanto mga anghel o pwede rin direkta mula sa Diyos at yung mga kaalaman at orasyon na yan ay talagang pinapahalagahan Ito yung mga sinasabi na spiritual knowledge na direkta talaga mula sa spiritual Dito tayo mga katuklas ng iba't ibang mga kaalaman lalo na tungkol sa spiritual katulad nga ng pagri-ritwal, panggagamot at iba pa. Kung nakakuha kayo ng mga orasyon o kaalaman sa inyong mga panaginip pero hindi kayo sigurado sa kung ano ang ibig sabihin ng mga yan, ay meron din kaming serbisyo para sa pagtranslate ng mga orasyon na premium service na may bayad po Kailangan natin pagsikapan para maalala ang ating mga panaginip at may iba't ibang mga discarty tayong pwedeng gawin mga kapatid Sa simpleng sanita, ang journal ay isang notebook kung saan nga ay isusulat natin kung ano ang ating mga napanaginipan Para sa akin, isa lang ang journal na ginagamit ko para nga sa meditation at mga panaginip Kung ano yung mga na-meditate ko ay sinusulat ko doon Kung ano din yung mga napanaginipan ko ay sinusulat ko doon Nilalagay ko lang yung M kapag yung ano yung mineditate ko Tapos nilalagay ko naman yung D o pwede nyo ilagay yung P kung gusto nyo ng Tagalog na panaginip kasi yun sa akin dreams Tapos yun, doon ko nilalagay lahat ng mga karanasan ko kasi nga yung meditation saka dreams para sa akin ay mga parehong tinatawag nating altered states of consciousness o lahat yan ay paraan nga para makakita tayo sa ibang mundo So karanasan nga natin yan sa kabilang mundo yung meditation or dreams Kaya nga ay isang notebook lang ang ginagamit ko Pero kayo na bahala kung gusto nyong ihiwalay yung journal nyo para sa meditation at journal para sa dreams Gaya lang din ng libro ng orasyon mo ay ilagay mo yung journal mo para sa panaginip mo sa mataas na lugar. Tapos hindi mo pa palakaran or lalakaran hindi mo itatapon. Pahalagahan mo yung mga panaginip mo para pahalagahan ka din nila. Para mas maalala na nga natin yung mga panaginip natin ay kailangan natin magpataas ng ating mga enerhiya So magagawa nga natin ito sa pamamagitan nga ng pagsunod ng lahat ng mga healthy habits na palagi kong tinuturo nga na pahalagahan natin ang lahat ng aspeto ng ating kalusugad. Physical, emotional mental, spiritual, professional social, financial. Lahat yan ay alagaan sana natin. At pinaka importante nga ang pagsunod sa landas ng kabanalan. Iwasan natin yung mali at gawin natin ang tama sa spiritual na paraan. Nandyan na yung pagdasal, pagmeditate Tapos pagisipan lang din natin yung mga spiritual na mga bagay at pahalagahan natin yung mga panaginip natin meron tayong pagnanasa or desire. Meron tayong kagustuhan na mas maunawaan at mas maalala ang ating mga panaginip na palagi nating binabalik-balikan bilang intensyon. Kada gabi, bago tayo matulog ay magdasal tayo na sana ay matandaan at maintindihan natin ang lahat ng ating mga panaginip. Tapos pwede rin tayong maghiling sa kung ano nga ang gusto nating malaman sa buhay na pwedeng ipapanaginip sa atin. Meron nga palang teknik mga kapatid sa kung paano gumising ng maayos para mas matandaan mo yung panaginip mo. So kapag nagising ka, halimbawa sa gitna ng gabi, ay huwag kang gumalaw agad dahan-dahan, alalahanin mo lang kung ano yung mga panaginip mo. Tapos kung meron kang maalala na isang detalye, saka ka nalang bumangon tapos pumunta nga doon sa journal mo tapos isulat mo yung detalye na yun tapos kapag meron ka nang kuha ng isang detalye, kadalasa naman ay meron ka nang makukuha ng ibang detalye Tapos kung gusto mo, ay pwede mo rin itry na yung isang detalye na yun habang nandun ka pa sa bed, hindi ka pa buwabangon alalahanin mo yung iba pang detalye hanggang maalala mo yung lahat ng iba-ibang detalye ng panaginip mo Ikaw nalang mag-experiment kung okay na yung isang detalye na yun, tapos isulat mo agad at maalala mo or alalahanin mo muna yung isang detalye, tapos alalahanin mo din ang lahat ng ibang detalye na nakaugnay doon sa detalye na yun, doon sa panaginip na yun bago ka bumangon, so ikaw nalang mag-experiment sa kung ano yung mas okay sa'yo sa akin kasi minsan talagang isang detalye lang kailangan ko tapos sunod-sunod na yun na maaalala ko lahat sana pakinggan nyo yung sinasabi ko kasi mailap nga yung panaginip, parang hangin lang yan sa ulo natin na mabilis lang matanggal kailangan natin dahan-dahan gumising mas maganda din kapag halimbawa ay naiihi tayo nga sa gitna ng gabi at nagigising tayo, isunod agad natin habang sariwa pa yung alaala na yun, halimbawa meron kang detalye sa panaginip mo na naalala mo doon sa gitna ng gabi nung nagising ka para umihi, natulog ka nang hindi mo sinusulat, pwede mong pagsisihan yun kasi meron pang ibang panaginip na papasok sa isip mo, tapos makakalimutan mo na yung una mong panaginip na hindi mo na isulat, so mas maganda habang fresh pa yung memory ay isulat mo agad yung panaginip, nakakapasok pa lang sa isip mo ikaw na lang talaga ang mag-discard test sa kung ano yung gagana para sa'yo pero alam ko mga kapatid na medyo mahirap gumising sa gitna ng gabi kasi gusto mong matulog pero nandito nga pumapasok yung disiplina sa kung gusto mo talaga malaman matandaan at maintindihan yung mga panaginip mo, so medyo gisingin mo yung sarili mo pero huwag yung sobrang gising kasi kailangan nandong ka lang sa gitna nung gising saka tulog na consciousness nandito ka sa gitna para makakakuha ka pa rin mula doon sa panaginip na mga alaala tapos ibabalik mo dito sa mundo ng tao para isulat yung isip mo parang nasa gitna ka ng dalawang mundo. Sa katagalan ng mga kapatid ay magiging malinaw na para sa'yo yung mga panaginip mo at yung mga alaala mo sa mga panaginip mo. So kailangan lang ay patuloy kang magpractice at magsulat sa lahat ng mga panaginip mo at gawin yung mga discard test na sinasabi ko na habang sariwa pa ang memory ay isulat mo na ang panaginip mo. Paano maunawaan ang panaginip? Dito pumapasok nga ang sinasabing experience mga kapatid. Ako ay dati pa mula sa pinaka bata pa ako mga 10 years old or 9 years old. Meron ako mga kakaiba talagang panaginip tapos sinubaybayan ko yung mga yun sinulat ko yung mga panaginip ko marami talaga akong panaginip na sinulat. At yung mga ibang journal ko hindi ko na nga nadala dito sa Sikihor. Pero kumbaga dahil doon sa ginawa ko na yun ay naging familiar ako doon sa mga iba't ibang mga simbolo sa panaginip ko at sinubaybayan ko ang mga ibig sabihin nila or mga posibleng ibig sabihin nila kaya natuto ako kung paano nga maunawaan yung mga panaginip ko lalo na ngayon at tinuturo na ako ng aking asawa na puting inkanto na si Rose at ang mga ibang mga puting inkanto sa kung paano nga mas maging maalam tungkol sa kabilang mundo at kasama na dito ang panaginip at meditation. Sumula 10 years old hanggang ngayon na 30 years old na ako ay nagsusulat nga ako sa mga panaginip ko so 20 years na ako nagsusulat at nagbibigay ng pansin sa kung ano nga ba ang mga panaginip ko. Dahil nga dito ay mas naging bihasana talaga ako sa kung ano ang mga panaginip ko at ang ibig sabihin ng mga ito dati nga na wala pa ang asawa kung inkanto, at least hindi po siya nagpakilala sakin, ay nag-aaral na ako sa kung ano ang mga karansan sa ibang mundo or mga simbolo nga sa mga panaginip. Kung gusto nyo na tularan ako ay kailangan subaybayan nyo ang inyong mga panaginip sa matagal na panahon palagi nyong isusulat ang lahat ng mga panaginip nyo at mag-iisip sa kung ano nga ba ang ibig sabihin ng bawat simbolo na nakikita nyo sa inyong mga panaginip dahil nga sa asawa kong puting inkanto na si Rose na isang mataas na inkantadang Rina ay mas natulungan nga ako para malaman kung ano ang mga ibig sabihin ng mga panaginip ko at lahat ng mga panaginip din ng mga nagtatanong sa akin pwede nyo gawin itong long cut nga na pag-aaralan nyo talaga ang lahat ng mga panaginip nyo sa matagal na panahon para malaman ang posibling mga ibig sabihin ng mga ito pero kung gusto nyo ng tulong namin para mas maging maging hawa, mabilis at malakas ang inyong pagtuklas sa mga panaginip ninyo, pwede kayong mag-avail sa premium aura sa panaginip service namin at ang bayad ay nakadepende sa kung ano ang panaginip ninyo. Tutulungan namin kayo para malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ninyo at ano ang kailangan nyong gawin para nga mas mapakinabangan ang informasyon na ilalathala namin tungkol sa panaginip ninyo. Isang huling salita tungkol sa panaginip mga kapatid. Ang panaginip ay isang biyaya para sa atin para matuklasan natin kung ano ang spiritual na katotohanan lalo na tungkol sa ating mga sariling buhay. Isipin nyo mga kapatid, one third or isang katlo para mga 33% ng ating buhay ay tulog tayo at ang ating spirito ay nasa kabilang mundo at nananaginip nga tayo mga kapatid. Kaya importante, sana na mapagtuunan din natin ang pansin kung ano ang ating mga panaginip at ano ang ibig sabihin ng mga ito para makinabang talaga tayo sa kanila. Hindi lang tayo binibigyan ng informasyon ng mga panaginip natin tungkol sa kabilang mundo. Nagtuturo din sila tungkol sa ating buhay dito sa mundo ng tao. Napakarami nilang pakinabang mga kapatid at dahil nga ako ay nakinabang talaga sa aking mga panaginip para malaman kung ano ang katotohanan lalo na sa spiritual ay nagbabahagi nga ako sa inyo nitong free gabay sa panaginip at sana ay magsilbing inspirasyon ito sa inyo na magtuklas talaga sa kung ano ang spiritual na katotohanan sa pamamagitan ng ating mga panaginip. (30:53 - 31:51) Kung gusto mo talagang palalimin ang iyong kaalaman tungkol sa spiritual at seryoso ka na sa landas ng kabanalan ay magmission ka bilang isang official na inkantaong misionaryo pero kailangan ay sundin mo muna ang free gabay sa pagmission. Tignan mo muna kung kaya mo na talaga kasi wala nang bawian ang pagmimission basta nag-commit ka na habang buhay na dapat yan kasi kung tumalikod ka pa ay may penalty na, may mga hindi na magandang mangyayari sa buhay mo kasi seryoso ka na talaga ito mga kapatid. Kung magmission ka sa landas ng kabanalan ay mas lalakas ang enerhiya mo nga para mas makita mo ang mga karanasan sa kabilang mundo sa pamamagitan nga ng panaginip hindi kaya meditation at magkakaroon ka ng kalinawan at mas magagabayan ka sa kung ano nga ba ang mga panaginip mo mas matutuklasan mo ang importansya ng gabay mula sa mga panaginip mo. (31:51 - 32:39) Congrats sa pagtatapos mo kapatid dito sa free gabay sa panaginip course na ito at sana ay magamit mo ito para mas matuklasan mo nga kung ano ang katotohanan sa mga panaginip mo Kapatid sana may share mo akong ano ang feedback mo kung kamusta ang course para sayo para mas marami pa akong matulungang tao at may adjust ko ang course kung kailangan. Kapatid sana ay may share mo ang course na ito sa mga kaibigan mo na maaring interesado nga din sa mga panaginip. Kung interesado nga na mas palalimin pa ang mga bagay na natutunan mo dito ay pwede mong i-avail ang premium aura sa panaginip or i-contact ako sa Eric Rojas Life Coaching Services Facebook page or sa eric at eric rojas dot com. Kita-kits tayo sa mga panaginip mga kapatid ha Maraming salamat po at God bless.