(0:00 - 0:20) Tuklasin ang Hiwaga ng Buhay sa Pagbukas ng Third Eye mo sa Ligtas at Wastong Paraan. Itong video course na ito ay para sa iyo. Ituturo ko ang lahat ng mga pamamaraan para mabuksan mo ang spiritual mong pananaw sa Ligtas at Wastong Paraan para malaman mo para sa sarili mo kung ano ang spiritual na katotohanan sa direktang karanasan. (0:21 - 0:39) Isa kong inkantaong misionaryo na nagsakripisyo ng matagal na panahon para lang ako ay makapuha nga ng mga ganitong klaseng kaalaman at binabahagi ko sa iyo at sa lahat ng mga tao na gusto ngang malaman talaga para sa sarili nila kung ano nga ba ang spiritual na katotohanan. Sana mag-enjoy kayo. Ito ay free Third Eye meditation. (0:40 - 1:21) Kailangan nyo lang mag-sign up, tapos tingnan nyo na kung ano ang course para gawin nyo na ang mga kaalamang ito. Maraming salamat po at God bless. Welcome sa course. Matapang ka dahil nag-sign up ka dito. Pumasok ka sa course na ito para ikaw ay mismo sumubok dito sa free Third Eye meditation video course na ito. Maraming nga kasing natatakot sa meditation pero alam nyo hindi naman dapat talaga katakutan ang meditation or ang Third Eye kasi normal itong bahagi ng ating mga buhay pero wala lang kasing masyadong nagtuturo. Kaya nga ako ay nagtuturo. Welcome kapatid at congrats sa iyo. Sana ay magpatuloy ka hanggang sa katapusan ng video course na ito. (1:21 - 2:10) Paano nga ba natin masusulit ang video course na ito? Sana ay tapusin mo ang course na ito hanggang sa pinakadulo nito tapos i-apply mo yung mga natutunan mo dito kasi hindi mo rin mapapakinabangan kung hindi mo naman gagawin ang mga kaalamang nakapaloob dito sa video course na ito. Kung baga practical application, pag palagi tayong magmeditate sa ating free Third Eye meditation, yung pagsabay nga doon sa mga live or sa replay ko, sa page ko, sa Facebook or sa YouTube, yan ang maghahasa sa'yo para talagang masulit yung video course na ito. Kung baga nandito yung mga techniques kung paano mo gagawin ng maayos yung Third Eye meditation pero kung hindi mo nga gagawin mismo ay wala ka rin mapapakinabangan masyado. (2:10 - 2:37) Sana gawin nyo ng practical application talaga pagsagawa ng literal na gawin yung mga nandito sa kaalaman na nakapaloob dito sa mga video course na ito. So ano naman ang Third Eye meditation? Ang Third Eye meditation ay ang proseso sa pagbukas ng ating mga spiritual na pananaw. May mga tao na nag-iisip na ang Third Eye ay pwedeng buksan na parang dalidali na katulad ng switch or light switch. (2:37 - 3:06) Pwede naman ganun pero posibleng delikado yan kapag ang mga tao ay hindi naman masyado marunong talaga sa pagbukas ng Third Eye. Pwede kasing magkasakit, masiraan ng ulo or mamatay ang tao kapag hindi tama ang proseso ng pagbukas ng Third Eye. Kaya nga ang tinuturo ko dito sa free Third Eye meditation na ito ay ang pamamaraan na dahan-dahan para mabuksan ang tao sa pinakasafe na paraan. (3:06 - 3:38) Mayroon din naman pong proseso na mas mabilis pero may bayad po yan at kung gusto nyo ay mag-message kayo sa amin para dyan sa proseso na yan. Pero sa video course na ito ay dahan-dahan nating bubuksan ang spiritual nating mga pananaw para malaman natin ang spiritual na katotohanan. Tinatawag ko pong Third Eye meditation ang meditation na ito Pero hindi lang naman sa Third Eye ang ating bubuksan kundi lahat na ng pandama na konektado sa ating spiritual. (3:38 - 4:29) Kung baga shortcut lang sabihin na Third Eye kasi parang alanganin kapag sabihin mo na Third Eye, Third Ear, Second Nose tapos kung baga lahat may third or second na pandama parang nilahat mo na lang na kung baga ang lahat ng senses mo sakop na dito sa Third Eye na yan. So kung baga kasama na dito yung pandinig, pang-amoy, pang-lasa, pang-dama, yung kutob natin tapos syempre yung pananaw kasama yan kasi Third Eye. Gamit nga yung Third Eye meditation na ito ay matutuklasan natin ng direkta ang lahat ng mga spiritual na katotohanan tapos kung dumating na ang panahon na talagang gusto nyo nang seryosohin ang pagtuklas sa spiritual na katotohanan ay pwede na kayong mag-misyon bilang isang inkantaong misyonaryo sa landas ng kabanalan. (4:30 - 4:54) Ano nga ba ang Third Eye? So ang Third Eye ay ang bahagi ng ating katawan kung saan nakasentro ang ating spiritual na pananaw. Ito yung tinatawag nating pineal gland na parang mata na sinisimbola nga dito sa may noo natin dahil dyan banda nga nakalagay ang ating mga Third Eye. Ito ay biyaya mula sa Diyos na binigay sa atin para malaman natin ng direkta ang spiritual na katotohanan. (4:54 - 5:11) Natural na bahagi natin ito, hindi ito galing sa demonyo or kumbaga hindi ito masama. Bakit importante ang Third Eye? Napakahalaga ng Third Eye dahil ito nga ang direktang koneksyon natin sa mga katotohanan spiritual. Wala tayong kakayahan na makaranas sa spiritual na katotohanan kung wala tayong Third Eye. (5:11 - 5:45) Mas importante na makaranas tayo ng direktang spiritual na katotohanan kesa ay magbasa lang tayo ng mga religyosong libro. Ang mga taong nagbabasa lang ng Bible at iba pang mga sacred scriptures ay hindi naman sapat ang kanilang mga kaalaman dahil wala silang direktang karanasan tungkol sa mga binabasa nila. Kagaya ng sinasabi ko palagi, ang mga taong nagbabasa lang ng libro, parang nagbasa lang sila tungkol sa lasa ng cake pero never pa sila nakaranas ng paglasa ng cake mismo sa personal. (5:45 - 6:13) So kumbaga nagbabasa lang sila sa isang bagay na hindi naman nila naranasan para sa sarili nila. Binasa lang nila yung karanasan ng iba pero wala silang sariling karanasan. Kung kaya, nagtuturo nga ako kung paano buksan ang ating mga spiritual na pananaw sa free Third Eye meditation para ang tao na mismo ay ang direktang dumanas sa spiritual na katotohanan na hindi na nila kailangan umasa lang sa pagbasa ng libro ng karanasan ng ibang tao. (6:13 - 6:42) Direkta na tayo, kumbaga makakalasa na tayo mismo ng cake at hindi na tayo magbabasa lang ng paglasa ng ibang tao sa cake na yon. Masama ba ang Third Eye? Isa sa pinakamaling pag-iisip o maling akala ng mga tao ay masama ang Third Eye. Lalo na dahil sa mga horror movies at mga horror stories na kapag nabuksan daw ang Third Eye ay puro masama na lang ang mangyayari tapos galing yan sa demonyo. (6:42 - 7:18) So mga kapatid, meron talaga kasing mga tao na kapag binuksan nila kanilang Third Eyes sa maling paraan ay mayroong mga masasamang nangyayari sa kanila. Kung kaya ako ay nagtuturo sa kung ano ang ligtas at wastong paraan para nga hindi maranasan ng mga tao ang ganyang klaseng mga maling karanasan or kumbaga masama o negatibong karanasan. Kung nagamit natin ang ating Third Eye sa wasto at ligtas na paraan, ito ang biyayang binigay nga ng Panginoon sa atin para direktang kumunekta sa spiritual na katotohanan. (7:18 - 7:30) So kapag nagamit natin sa ganyang paraan ay mabuti ang Third Eye. Ang Third Eye ay hindi galing kay satanas. Hindi ito paraan para papasukin ang mga masasamang espiritu. (7:31 - 8:22) Basta magamit natin ang Third Eye sa wastong paraan ay magiging mabuti ang ating karanasan para mas mapalawak pa ang ating kaalaman tungkol sa Diyos, mga anghel, mga inkanto, sa lahat ng spiritual na realidad at katotohanan sa iba't ibang lugar na pwede nating mapuntahan gamit nga ang free Third Eye meditation. Karamihan kasi sa mga tao ngayon ay hindi naman nila alam kung ano ang mga sinasabi nila tungkol sa Third Eye dahil nga ay wala namang nagturo na gobyerno, paaralan, or reliyon tungkol sa pagbukas nga ng mga spiritual na pananaw or yung Third Eye nga na sinasabi natin dito. Kaya nga po ako nagtuturo ng wastong pamamaraan sa kung baano buksan ang spiritual na pananaw. (8:22 - 9:13) Kung totusin, lahat ng mga kinikilala ng tao bilang mga propeta or mga banal na tao mula sa Panginoon ay nabuksan ang kanilang mga spiritual na pananaw para nga makita nila ng direkta kung ano ang mga spiritual na katotohanan. So kung baga, hindi masama ang Third Eye dahil nga lahat ng mga kinikilala natin halimbawa kasama na si Jesus Christo at iba pa na mga propeta na pumunta dito sa lupa ay gumagamit nga ng Third Eye para nga sila ay makakita sa spiritual na katotohanan. Hindi lang sinabi sa Bible kung ano ang mismong Third Eye na yan dahil nga ay hindi pa napaliwanag yung mga simbolo na nasa Bible na na nagpapahiwatig tungkol sa mga spiritual na pananaw. (9:13 - 9:46) Kaya nga gusto ko ituro na ng direkta na wala ng simbolismo para matutunan ng mga tao kung ano ang talagang literal na kailangan natin gawin para malaman kung ano ang spiritual na katotohanan. Bukod pa rito, meron akong ituturo na natatanging pamamaraan sa Third Eye meditation ko para malaman nyo na totoo at mabuti ang Third Eye meditation na tinuturo ko. Mayroon ba akong Third Eye? Maraming tao ang nagtatanong kung meron nga ba silang Third Eye. (9:46 - 10:06) Ang simpleng sagot dyan ay oo. Lahat ng tao sa buong mundo ay may Third Eye. Tapos may pagkabukas ang lahat ng mga Third Eye ng mga tao kahit kaunti kasi yung Third Eye ay nakaugnay sa lahat ng ating mga memory, imagination at dreams sa ating isipan. (10:07 - 10:42) Kung ikaw ay nananaginip, nag-i-imagine or nakakaalala ng mga bagay ay bukas ang Third Eye mo kahit papaano tapos mas lalo pa nating bubuksan para mas makasagap ka tungkol sa mga ibang spiritual na kaalaman. Karamihan din kasi sa mga tao ay kulang sa enerhiya sa spiritual dahil nga ay wala pang nagturo sa kung paano nga bapalakasin ang enerhiya. Tapos sa makamundoong kultura natin ay puro nalang kasalanan at bisyo ang pinopromote. (10:43 - 11:31) Kaya nga ang mga tao ay kulang sa enerhiya para nga malaman kung ano ang Third Eye, malaman kung ano ang spiritual at para mapalawak yung spiritual na kaalaman dahil nga sa pagpapataas ng enerhiya. Kadalasan mga kapatid, mga tao ngayong modernong panahon ay kulang sa enerhiya dahil nga sa makasalanang kultura tapos palaging distracted sa makamundong mga bagay lang kaya ay hindi umaabot sa mataas na enerhiya ang katawan nila para makatuklas sa spiritual na katotohanan. Pero ang katotohanan nga ay lahat tayo may Third Eye at kailangan lang nating palakasin ang ating mga enerhiya para maabot natin ang mga iba't ibang klaseng spiritual na kaalaman. (11:31 - 12:06) Hindi talaga posible na walang Third Eye ang tao dahil magiging bobo ang tao kapag walang Third Eye dahil nakaugat ang Third Eye natin sa ating imagination at memory. Tapos lahat nga tayo ay nananaginip pero hindi lahat ng tao ay nakakaalala sa kanilang mga panaginip dahil nga kulang ang kanilang enerhiya. Ang mga iba naman ay may kababalaghan na sana na lumalapit sa kanila pero dahil nga ay kulang sila sa enerhiya ay hindi nila madama o maranasan kung ano yung mga lumalapit na sa kanila. (12:06 - 12:25) Kaya nga nandito tayo para palakasin ang ating mga enerhiya para matuklasan natin ang hiwaga ng buhay. Paano ko malalaman na bukas ang Third Eye ko? Maraming iba't ibang signs na makikita natin para malaman na bukas ang ating mga Third Eye. Natatandaan natin ang ating mga panaginip. (12:25 - 12:36) Bukod pa rito meron tayong mga lucid dreams o yung mga sobrang linaw na panaginip. Tapos tayo pa yung nagkocontrol sa mga bagay sa panaginip na yun. Makakita din tayo sa Third Eye Meditation. (12:36 - 12:53) Meron tayong iba't ibang visions o pangitain na mga nakikita sa ating pananaw. Makasalita din tayo ng mga wika na hindi nauunawaan ng mga ordinaryong tao. Malalaman din natin ang iniisip o pakiramdam ng mga tao sa atin. (12:53 - 13:07) Malalaman din natin kung ano ang mga inaharap bago ito mangyari. Makakita tayo sa mga kaluluwa, engkanto at iba pang mga hindi nakikita sa ordinaryong tao. Makakita tayo ng mga enerhiya at aura ng mga tao. (13:07 - 13:20) Maramdaman din natin ang mga maramdaman ng iba. Makarinig tayo ng mga boses na hindi naman tao. Tapos makaamoy at makalasa din tayo ng mga bagay na wala naman dyan sa mismong material. (13:22 - 13:51) Ang sagot dyan ay oo basta marunong ang naggabay. Kung ang mga tao ay hindi naman talaga nila alam kung ano ang ginagawa nila tapos bigla na lang silang magbubukas ng mga tao dahil nakapulot lang sila ng orasyon sa internet na hindi naman nila alam kung ano ang ibig sabihin ay pwede silang makadisgrasya sa mga tao. Pwede silang makadisgrasya sa sarili nila pero lalo na sa ibang tao kapag sila ang magbubukas na hindi naman nila alam kung ano ang ginagawa nila. (13:51 - 14:18) Huwag sana tayong magmadali kung hindi naman natin sigurado kung ano ang ginagawa natin lalo na kapag mandamay pa tayo sa ibang tao kung hindi naman natin sigurado para sa sarili pa natin kung ano yung ginagawa natin. Sa totoo lang marami talagang panganib sa pagbukas sa ating spiritual na pananaw kung hindi natin alam kung ano ang ginagawa natin. Matagal na panahon akong nagsikap at naghanap sa spiritual na katotohanan hanggang nahanap ko para sa sarili ko. (14:18 - 14:39) Kumbaga 16 years mahigit ako naghanap ng spiritual na katotohanan. Tapos kamakailan ko nga lang nahanap dito sa Landas ng Kabanalan kasama ang mga puting inkanto papunta sa Panginoon. Sa matagal na panahon na naghahanap ako ay halos na baliw ako at nagpakamatay dahil nga ay sobrang daming pasikot-sikot sa spiritual na paglalakbay. (14:39 - 15:03) Pero dahil nga sa lahat ng pagsisikap ko na yun ay nabuo ko ang aking mga kaalaman tapos ang pagbuo ng kaalaman na ito ay ang tinuturo ko sa inyo ngayon dito sa free Third Eye Meditation Video Course na ito. Kaya po ako naggabay ngayon para safety ang mga tao. Dahan-dahan natin gagawin ang pagbukas sa ating mga Third Eyes sa ligtas at wastong paraan. (15:03 - 15:41) Kasama na rin dito ay ang paano magpalabas ng mga Perlas ng Kapangyarihan mula sa ibang mundo para kayo mismo ay makapreweba na totoo talaga ang kabilang mundo dahil may souvenir kayo mula doon. Paano ko malalaman na totoo ang mga nakikita ko sa meditation? Maraming iba't ibang guro na nagtuturo nga ng mga spiritual na practices at kasama na dito yung mga kanilang mga version ng Third Eye Meditation. Ang tanong natin dito ay paano natin malalaman na ang mga nangyayari sa atin sa meditation ay hindi lang kathang isip natin kundi mga katotohanan talaga. (15:41 - 16:09) Magandang tanong yan, kung magsaliksik ka ng mabuti tungkol sa iba't ibang karanasan ng iba't ibang mga guro ay malalaman mo na iba iba rin ang mga tinuturo nila sa kung ano ang spiritual na katotohanan. Mayroon ding mga turo na magkasalungat sa isa't isa. Kung kaya kung meditation lang talaga ang basihan natin at dun sa mga turo ng mga iba ibang meditation teacher ay maaaring magkalito-litohan tayo. (16:09 - 16:37) Matatanong natin ano ba talaga yung totoo at ano yung hindi totoo? Ang ibig ko sabihin na totoo dito ay may basihan tayo na common or pangkaraniwan sa ating lahat bilang realidad. Kung baga makita natin o maranasan natin lahat bilang pare-pareho ang maranasan natin. Kung sa gayon ano nga ba ang pangkaraniwang realidad na magsisilbing proweba at patunay sa atin na totoo nga ang nakikita natin sa meditation. (16:37 - 16:56) Ang ilan ay gustong magsabing ang kapangyarihan nga makapagpagaling sa mga sakit ay ang basihan nila na totoo ang mga spiritual nilang pananaw o kaalaman. Pero may mga albularyo nga na iba iba rin ang sinasabi tungkol sa ano ang spiritual na katotohanan. Iba iba rin sila nang nakikita. (16:56 - 17:17) Limbawa sa dahilan kung bakit nagkasakit ang pasyente. Tapos kung lahat sila ay makapagpagaling, sino ang paniniwalaan mo sa kung ano talaga ang nangyayari sa spiritual na katotohanan? Gayon din, hindi lang sa mga albularyo kundi sa mga spiritual teachers. Kung iba iba ang kanilang mga tinuturo kung ano ang spiritual na katotohanan pero lahat sila nakakapagpagaling. (17:17 - 17:49) Sino talaga ang nagsasabi sa totoo sa spiritual na katotohanan? O sa mga nangyayari sa kabilang mundo? O sa spiritual na mundo? Kumbaga, sa gayon, nauuwi nalang tayo sa pagpaniwala. Hindi naman natin talaga mapatunayan sa sarili natin kung ano ang talagang totoong pananaw. So ano nga ba ang gagawin natin sa gayon? Ano ang panghahawakan natin bilang patunay na pangkaraniwang realidad para sa lahat? Dito na nga po papasok ang kaibahan sa meditation ko. (17:49 - 18:34) Ang kakaiba sa third eye meditation ko ay makakapagpalabas ka ng perlas ng kapangyarihan mula sa kabilang mundo na magiging patunay mo na souvenir mula sa ibang mundo na hindi lang imagination yung mga pinagdaanan mo sa isip mo kundi talagang galing ang spirito mo sa ibang mundo at nakakuha ka ng bagay mula doon na pinalabas mo dito na parang magic nga or milagro para makita mo na ito talaga pala yung kabilang mundo kasi meron akong nakuha mula doon. Oo mga kapatid, talagang parang magic lalabas na lang dyan na parang wala lang, wala sa hangin. Ito ang kakaiba sa third eye meditation na tinuturo ko na wala sa ibang spiritual na teacher. (18:34 - 19:22) Ito ang binigay sa akin ng Panginoon bilang kapangyarihan para magsilbing patunay sa mga tao na totoo nga ang mga tinuturo ko tungkol sa kabilang mundo at iba pang mga spiritual na katotohanan. Para malaman lang talaga ng mga tao na totoo ang mga sinasabi ko, marami na sa mga sakop ko sa iba't ibang lugar at bansa ang nakapagpalabas ng mga perlas ng kapangyarihan dahil nga sa free third eye meditation na tinuturo ko. So para saan ang perlas ng kapangyarihan? Bukod sa patunay ito para sa free third eye meditation na tinuturo ko na kumbaga totoo talaga yung mga nakikita nyo sa meditation at hindi lang ito imaginasyon, mayroon iba't ibang power ang perlas ng kapangyarihan depende sa kung ano ang i-activate sa mga ito. (19:22 - 19:54) Lahat ng perlas ng kapangyarihan kapag nakita nyo ay may default ng power na pampaswerte. Tapos kung gusto nyo pang palakasin lalo at magkaroon ng iba't ibang mga powers ay pwede nyo ipapremium aura sa gamit o magpakarga ng power sa gamit para ito ay mas mapakinabangan nyo na ma-activate talaga ang perlas ng kapangyarihan mga ito. Banggiting ko lang ang lahat ng iba't ibang powers ng perlas ng kapangyarihan mga ito. (19:54 - 20:42) Pampaswerte, pampalakas, pampatapang, pampaamo, pampatalino, pampagwapo or ganda, pangkaibigan, pagmamahal, pampainvisible na mawawala ka sa mga kalaban mo kapag emergency, pangdepensa sa physical, pangdepensa sa spiritual, pangbukas sa third eye at panggagamot. Ang ibig sabihin lang talaga ng perlas ng kapangyarihan ay perlas dahil ito ay mahalaga hindi ibig sabihin nito na sea salt pearl o yung mga galing sa dagat sa seashell ha ibig sabihin lang ng perlas ay mahalagang gamit or bagay. Maraming iba't ibang hugis ang perlas na ito tapos ng kapangyarihan dahil nga ay may kapangyarihan ang mga perlas na ito. (20:42 - 21:01) Pwede nyo basahin ang gabay sa mahiwagang gamit or gabay sa perlas for more information. Ano ang gamit ng bukas na third eye? Kung maabot mo na ang malakas na pag-activate sa third eye mo ay maraming benepisyong mahatid ito sa buhay mo. Pwede ka makalakbay kahit saang mundo. (21:01 - 21:12) Makakita ka sa kaharian na pinanggalingan mo. Malalaman mo kung ano ang kinabukasan mo at ng ibang tao. Matutoklasan mo kung saan ka pupunta pagkatapos mong mamatay. (21:12 - 21:26) Makikipag-usap ka sa mga engkanto, anghel, Diyos at iba pang mga nila lang sa buong kalawakan. Matitingnan mo ng direkta ang mga spiritual na katotohanan. Hindi mo na kailangan dumaan lang sa mga pagbabasa sa libro. (21:26 - 21:43) Magagawa mo na din ang remote viewing or ang pagtingin sa mga malalayong lugar. Makadiskubre ka sa mga sari-saring nila lang. Maaayos mo na din ang mga problema na uukol sa mga hindi nakikita ng mga ordinaryong tao. (21:44 - 21:56) Malalaman mo na din ang mga spiritual na ugat ng sakit. Malalaman mo kung ano ang mga sakit ng tao sa pagtingin mo lang sa kanila. Makakausap mo na din ang mga minamahal mo sa buhay na yumauna. (21:57 - 22:29) Maiintindihan mo na din ang mga kababalaghan sa buhay. Tapos, mawawala na din ang takot mo sa mga bagay na hindi mo alam, lalo na tungkol sa kamatayan. Ano naman ang benepisyo ng mismong Third Eye Meditation? Maraming nang tao na nagbabalita sa mga benepisyong inaani nila dahil sa patuloy nilang pagsikap sa free Third Eye Meditation na tinuturo ko, bukod pa doon sa mga nasabi kong gamit sa pagbukas ng ating Third Eye na nabanggit ko na. (22:29 - 22:37) Gumabata at gumaganda ang itsura ng mga tao. Gumagaling ang mga sakit sa katawan. Gumiginhawa din ang tulog. (22:38 - 22:44) Mas nagiging mabuting tao. Lumalakas ang kalooban o tumatapang. Nawawala na din yung stress. (22:44 - 22:49) Kaya nga nagiging mas kalmado sa buhay. Gumaganda yung pakiramdam. Lumilinaw yung isipan. (22:50 - 22:56) Kaya nakakaisip ng mas mabuti at mas malalim. Nagagabayan sa buhay. Nakakagawa ng mas mabuting desisyon. (22:57 - 23:22) Tapos sa pangkalahatan ay mas masaya sa buhay. Paano maghanda sa Third Eye Meditation? Iwasan natin ang lahat ng klase ng alkohol o droga na nakakapagiba ng daloy ng ating mga isipan for at least 3 days. Lalo na dito yung mga tinatawag nating psychedelics, psychotropics or psychoactives dahil yan ang pinakakasagabal sa ating Third Eye Meditation. (23:22 - 23:46) Kung 3 days ay kung linggo ang meditation huwag ka ng gumamit ng kahit anong droga simula ng Huwebes. Mas maganda talaga ay more than 3 days pero at least yung 3 days para makapasok kayo ng kahit papaano at hindi kayo mapunta sa mga mapeligrosong lugar. Para naman sa Yossi kung nagsisigarilyo ka ay maghilamos ka at magsipilyo bago magmeditation. (23:46 - 24:05) Yung mga puting inkanto ayaw nila kasi sa mga mababaho katulad ng Yossi. Para naman sa pagkain siguraduhin nyong kumain kayo ng mabuti bago kayo magmeditate kasi kakailangan ninyo ang enerhiya na yan. Hindi ito katulad ng ibang mga meditation na kailangan ay magfasting kayo para makameditate kayo. (24:06 - 24:34) Sa meditation na tinuturo ko ay kailangan busog kayo para makapasok kayo doon sa mga matataas na lagusan. Para naman sa mga gamit ay kailangan nating tanggalin ang lahat ng mga alahas, pera, metal, kristal, sumpa at anting-anting na hindi mula sa amin. Tapos yung mga metal or alahas at pera ay makakabigat naman sa atin at hindi tayo masyado makakapasok sa meditation natin. (24:34 - 25:08) Para sa mga sumpa, anting-anting at habak mula sa ibang tao ay hindi kasi kami nakakasigurado kung merong mga nakakasarado sa spiritual na pananaw dyan kaya mas maganda ay itabi nyo na lang ang mga gamit mula sa ibang mga spiritual na nakuha ninyo. Ibalik nyo na lang mamaya pagkatapos ng third eye meditation kung gusto ninyo. Ang pwede nyong ipanatili nga yung mga gamit mula sa amin katulad ng perlas ng kapangyarihan habak de spiritual o kaya mga third eye bracelet dreamcatcher portal or magic meditation mat. (25:08 - 25:34) Tanggalin nyo rin yung mga belt nyo na may bakal. Tapos kung may plano din kayo na magpabaon ng mga motya sa inyong katawan, ay sana hindi nyo na lang gawin ang pagbaon na yan dahil nga ay makakabigat yan sa inyo, sa inyong pagmeditation at mahihirapan kayong makapasok sa mga lagusan. Para naman sa kasuotan, magsuot kayo ng puting t-shirt at komportabling kasuotan para sa pagmemeditate ninyo. (25:34 - 26:26) Hindi naman required ang puting t-shirt pero mas maganda lang talaga ang puting t-shirt para mas maganda ang pagpasok ninyo sa third eye meditation. Tapos ang the best sana ay makabili kayo ng sutanan na binlesinga namin para mas maganda lalo ang inyong pagmeditate. Lalo na kapag magiging misyonaryo kayo ay magipon sana kayo para sa sutana para yan ang magagamit nyo palagi sa pagmeditate o di kaya sa paggawa ng mga misyon. Para naman sa ilaw nasa sayo na kung gusto mong nakabukas o nakapatay ang ilaw. Kung gusto mo, pwede ka naman sa lugar na madilim pero huwag ka lang gagamit nung peering or blindfold kasi mawawala ang spirito mo. Para naman sa tunog, mas maganda ay may katahimikan ka para makafokus ka doon sa tunog mula sa ibang mundo. (26:26 - 26:50) Pero kapag halimbawa ay maingay doon sa lugar mo ay pwede ka nalang mag headphones para hindi mo marinig yung mga ingay. Tapos magplay ka nalang ng music na kalmado or nature sounds. Pero huwag kang gagamit nung tinatawag na binaural beats kasi ay pwedeng mawala ang spirito mo sa pagpakinig sa ganyan at kainin ka ng kumakain ng spirito. (26:50 - 27:16) Pero pinaka the best talaga ay maghanap ka ng tahimik na lugar. Para naman sa hangin, mas maganda na nandoon ka sa lugar na may hangin. Kung nasa loob ka ng kwarto or bahay ay maganda nakabukas ang bintana mo. Para naman sa pwesto, maganda ay umupo ka sa solid na upuan. So kumbaga, firm yung surface na yun. Tapos siyempre dapat ay komportable ka. (27:16 - 28:06) Pwede rin na may sandalan ang upuan na yan. Kung may magic meditation mat ka ay pwede mong ilatag yan sa mismong upuan mo. Or kahit anong meditation mat kung meron kang mga yoga mat dyan ay ilagay mo lang para lang mas komportable yung pagupo mo. Pero huwag kang gagamit nung kutsyon na masyadong malambot kasi makakasumpa yan or sarado sa iyong memory at wala ka ng matatandaan sa paglalakbay mo sa third eye meditation. Pwede ka rin magdo yan kung gusto mo kasi ako, halimbawa, ay madalas nga do yan ang pagmeditate ko dahil hindi rin naman ako nakakatulog sa do yan. Ang ipapayo ko lang ay huwag sana kayong humiga sa pagmeditate ninyo kasi kapag makahiga kayo tapos makatulog kayo ay pwede kayong bangungutin. (28:06 - 29:51) Mas safety nga ay magdo yan kayo or di kaya ay magupo na lang kayo sa inyong pagmeditate. Hindi nyo kailangan na nakaupo sa sahig or naka-yoga positions para kayo ay magmeditate pwede kayong nakaupo lang or naka-do yan tapos pwede kayong gumalaw kung nangangawit na yung mga bahagi ng katawan nyo or di kaya may sumasakit importante lang ay magfocus kayo doon sa meditation tapos pwede nyo i-adjust kaunti ang katawan ninyo kapag kailangan ninyo sa inyong pagmeditate sa matagal na panahon kasi baka mangawit na pagkatapos ng ilang minuto tapos hindi pa tapos yung 15 minutes okay lang yun basta importante ay focus kayo sa meditation ha. Para naman sa dasal, magdasal ka lang sa Diyos na gabayan ka sa tamang daan at matandaan mo kung ano ang mga karanasan mo sa third eye meditation. Para malakas ang spirito mo ay sana patuloy kang nagdarasal sa araw at gabi sa tinuturo kong gabay sa pagdasal para naman sa computer or cellphone, patayin mo lang yung computer screen or itago mo yung cellphone mo para hindi mo makita yung screen pero marinig mo pa rin yung sound para magising ka kapag ginigising na kita pagkatapos ng 15 minute timer. Ang meditation mismo ay 15 minutes at kung mawala nga yung internet mo maganda may sarili kang timer na 15 minutes para makagising ka pa rin sa saktong oras kahit mag brown out or mawala bigla yung internet connection mo. Siguraduhin sana na isilent ang lahat ng ibang notifications para hindi ka madistorbo sa pagmemeditate mo. (29:51 - 31:52) Paano gawin ang third eye meditation? Yung mismong third eye meditation na tinuturo ko ay simple lang so sasabayan nyo lang yung free third eye meditation ko na live or yung replay kada sabado ng 10am ang live ko tapos pwede nyo gamitin ang replay sa sarili nyong oras at convenience sabayan nyo lang yun 15 minutes yung meditation nakapikit, nakaopo, magdasal kapag kailangan magdasal doon sa instruction ko. Tapos yun makakakita na kayo doon sa third eye meditation ko lalo na kapag tuloy tuloy ang pagsikap nyo para gumaling sa third eye meditation ko na yan. Yung mga oras na binabanggit ko dito ay Philippine Time GMT plus 8 kaya mag-adjust na lang kayo ng oras kung gusto nyong makasabay sa live. Kung hindi kayo makaabot sa live walang problema yan sabayan nyo lang ang replay sa sarili nyong oras at convenience. Pwede nyong gawin ang meditation once or twice a day. Basta pakiramdaman nyo lang ang inyong mga katawan Paano ako magpalabas ng perlas ng kapangyarihan? Gaya nang sabi ko sa inyo ay pwede tayong magpalabas ng perlas ng kapangyarihan kapag sinsero tayo sa ating pagmeditate. Pagkatapos ng mismong meditation ay magsikap kayong hanapin yung perlas ng kapangyarihan sa paligid nyo within 30 minutes ng meditation natin kasi pwedeng matunaw yan. Pero huwag kayong mag-alala kahit na matunaw yan ay posible pa rin lumabas yan sa paligid nyo sa susunod na mga tatlong araw or mahigit. Basta kung patuloy kayong magmeditate ay mas lalong mataas ang posibilidad ninyo na makakuha kayo ng perlas ng kapangyarihan. Maaaring lumabas ito sa loob or labas ng bahay. Kailangan ay kutuban mo lang kung saan ito lalabas tapos kung may makita kayo sa meditation or marinig ay sundan nyo kung saan yung clue para mahanap yung mga perlas ng kapangyarihan na yan. Madalas ang mga perlas ng kapangyarihan ay makikita natin sa mga ugat ng halaman or puno, sa kalikasan, sa ating paligid. (31:53 - 32:10) Maraming pwedeng labasan na mga lugar pero yan ang mga karaniwan. Lalo na yung mga puno ng balete. Ang mga pinaglalabasan ng mga perlas ng kapangyarihan ay ang mga tinatawag nating lagusan or mga pinto papunta sa kabilang mundo. (32:10 - 33:32) Minsan lumalabas ang perlas sa aquarium. Minsan naman ay pwedeng lumabas ito sa harap mo or sa mismong bulsa mo o sa ilalim ng kamamol, sa ilalim ng unan. O minsan pwedeng lumabas lang din mismo sa mismong kamay mo. Minsan mayroon kayong mga maririnig na sign katulad ng huni ng ibon, pagtunog ng trompeta or di kaya pagsabog ng bomba. Tapos puntahan nyo kung saan banda yun kasi malamang ay nandoon ang perlas ng kapangyarihan. Pwede rin dumapo ang mga alibangbang or butterfly kung saan banda ang perlas ng kapangyarihan. Minsan pwede rin ang ibon. Doon sila maglalaro tapos mag-iingay sila para pumunta ka doon sa lugar na yan. Sa una, ang posibling mangyari nga ay may mga bato na nasa paligid mo na nandoon na sa pagmeditate mo pero dahil sa meditate mo ay matatamaan sila ng liwanag kaya magkakaroon sila ng kumikinang na mga bahagi sa kanila tapos sa katagalan ng panahon kapag naging magaling na kayo talaga sa third eye meditation ay makakapagpalabas kayo ng perlas ng kapangyarihan mula sa kawalan na maganda na talaga yung forma nakakaiba na at katulad nung mga nakikita natin sa meditation pero kailangan talaga ay magpractice talaga kayo ng patuloy magsikap kayo sa meditation para mangyari ang ganyan kalakas na kapangyarihan. (33:32 - 34:56) Sana ay huwag kayong ma-discourage kung hindi agad maganda yung mga perlas ng kapangyarihan na makukuha ninyo kasi ganyan talaga sa simula kapag mahina pa yung enerhya ninyo pero huwag kayong mag-alala kasi sa katagalan ng panahon ay gaganda ang mga nakukuhan yung mga perlas ng kapangyarihan na parang katulad na din ng mga nakikita ninyo sa meditation ninyo. Ito na nga yung sinasabi ko sa inyo na perlas ng kapangyarihan na magsisilbing patunay sa inyo na totoo nga ang mga nakikita nyo sa free third eye meditation na tinuturo ko. Para malaman nyo kung talaga totoo ang perlas ng kapangyarihan ay sana ipa-aura nyo sa akin sa free basic aura sa gamit. Kung gusto nyo ng detalyadong pagbasa sa mga gamit ay meron kaming premium aura sa gamit at ang presyo ay nakadepende nga sa gamit mismo na ipabasa ninyo at kung gaano kalakas ang activation ng power na gusto nyo para doon sa gamit na yan. Pwede ba gawin ng mag-isa na hindi na sumasabay sa third eye meditation na live ko or replay ang third eye meditation? Sa una kapatid huwag ka muna magmeditate na wala ang aking live or replay or di kaya kapag wala ka pang perlas ng kapangyarihan kasi maaari kang mawala sa pagmeditate mo. Hindi rin kasi basta-basta ang mga lagusan na binubuksan ko dito sa free third eye meditation dahil matataas ang enerhiya ng mga ito. (34:56 - 39:11) Pwede ka kasing magkasakit, masiraan ng ulo or mamatay kung magkamali ka kaya sana ay seryosohin talaga natin yung mga instructions ko dito. Sana sundin nyo ang gabay ko. Ano ang dapat isipin sa third eye meditation? Pwede mong iisipin ang intensyon ng gusto mong makita sa meditation na yan. Sa pagdasal ko bago nga magsimula ang third eye meditation ay nag-aanyaya ako sa mga tao na idasal nyo kung ano ang intensyon na gusto nyo makita or mangyari doon sa third eye meditation na yan. Kung kaya pwedeng yan ang pagpokusan mo habang nagme-meditate ka. Halimbawa ay pinagdasal mo na gusto mong makausap ang namatay mo ng minamahal sa buhay so pwedeng pagpokusan mo ang pangalan niya o di kaya ang mukha niya tapos siya ang lalabas para makipagusap sa iyo. Isa pa sa hinihikayat kong gawin ng mga tao ay tuklasin kung sino ka bilang hari o reina sa kabilang mundo at malalaman nyo din kung sino nga kayo bilang hari o reina sa kabilang mundo sa pamamagitan ng free aura sa kabilang mundo na binibigay ko sa mga tao. Ang taong nais malaman nga kung sino sila sa kabilang mundo ay magpapadala ng picture sa akin. Babasahin ko ang pangalan nila bilang hari o reina. Ang pangalan ng kanilang kahariyan ang kanilang grupo ng hari o reina na kinabibilangan ang kanilang ranggo sa grupo na yan at ang kanilang kulay bilang Kung hindi ka pa nakakapagpabasa ng aura para sa kabilang mundo ay pwede kang magpa-aura. Send ka lang ng picture mo na bago walang filter, walang make-up sa aking page sa Eric Rojas Life Coaching Services o di kaya sa aking email na eric at ericrojas.com Ilagay nyo din sa title ang aura para sa kabilang mundo. Pwede mong pag-isipan nga ang mga detaling ito tungkol sa kung sino ka sa kabilang mundo para matuklasan mo ng mas mabuti at mapalalim ang kaalaman mo tungkol sa sino ka sa kabilang mundo Ano ang maaari makita sa Third Eye Meditation? Kalimitan ang unang makikita ng mga tao sa Free Third Eye Meditation na tinuturo ko ay ang mga ibat-ibang kulay na tinatawag nating lagusan Yan ang mga pinapasok nating mga pintuan para makapunta tayo sa ibang mundo. Ito yung mga tinatawag nating portals or gateways para sa ibat-ibang mga pupuntahang lugar or dimensyon. Kadalasan parang yun yung mga umaandap-andap tapos iba-iba yung mga hugis nila Iba-iba yung mga kulay ng mga lagusan. Lahat ng kulay ng lagusan ay mayroon. Tapos ipapaalala ko lang ulit na ang babala ko, yung itim na lagusan, huwag nyo munang pasukin yan kung hindi pa kayo handa kasi baka matakot kayo hindi na kayo umulit sa meditation Unahin nyo muna yung mga mas magagandang lugar. So yung puti or yung ROYGBIV RED, ORANGE, YELLOW, GREEN, BLUE, INDIGO, VIOLET Yan muna yung unahin ninyo Pero huwag kayong mag-alala mga kapatid basta ay nakasabay kayo sa live or replay ko or di kaya may perlas ng kapangyarihan ay hindi kayo masasaktan kahit makapasok kayo doon sa itim na lagusan. Medyo matatakot lang kayo kasi mapunta kayo sa mga lugar ng mga itim na inkanto or sa impyerno or purgatorio mga ganyan. Kung patuloy kang magsikap kapatid ay makakapasok ka sa mga lagusan na ito at makakakita ka na ng ibat-ibang mga mahiwagang bagay sa kabilang mundo. So nandyan na yung mga ibat-ibang tao na inkanto na pala, mga kaharian mga mararangyang mga lugar, natirahan, magandang mga bukid, bundok, dagat. Nakakaiba ang mga hugis, anyo at kulay kesa dito sa mundo ng tao. Sa una pwedeng malabo pa yung mga nakikita nyo hanggang luminaw na ng luminaw sa katagalan ng panahon. Pwede kang maglakbay sa iba-ibang mundo ayon sa kung ano yung gusto mong puntahan. Tapos makipag-usap ka sa mga iba-ibang nila lang dyan. (39:11 - 39:54) Tapos maghingi ka ng impormasyon or di kaya per last or kahit anuman na gusto mo, makipag-usap ka lang sa kanila. Tapos tingnan mo na lang kung ano yung mga request mo na papayag sila. Subukan mong magpalabas ng mga per last ng kapangyarihan mula sa kabilang mundo. So maghingi ka ng per last doon. Tapos ipalabas mo dito. Kung nakakapaso ka na sa mga iba-ibang lagusan ay congrats. Tapos mag-enjoy ka. Patuloy ka sa pagtuklas sa spiritual na katotohanan at lalo na kapag magmission ka na ay seryosohan na para malaman mo na talaga kung ano ang mga katotohanan at makauwi ka ng matiwasay bilang isang mataas na hari or reina. Kailangan pagsikapan yan sa landas ng kabanalan. (39:55 - 40:03) Gaano katagal bago gumaling ako sa Third Eye Meditation? Naka-depende ito sa maraming factors. Lakas ng spirito mo. Kalinisan ng buhay. (40:04 - 40:45) Pagsisikap mo sa meditation. Paggawa ng iba ko pang mabuting payo sa landas ng kabanalan. Ang mga sumpa sayo mula sa nakaraan. Ang ranggo mo sa kabilang mundo. Ang kalusugan ng katawan mo. Ang saktong pagtulog at exercise. At ang mission mo sa buhay. Ang ilang tao unang beses pa lang nila magmeditate ay nakapasok na sila at nakapagpalabas na sila ng magandang perlas ng kapangyarihan. Ang ilan naman ay kailangan abutin muna ng ilang linggo or buwan. Tapos meron din tao na ilang taon talaga abutin bago magkaroon sila ng resulta. Naka-depende talaga ito sa tao mga kapatid. Hindi pare pareho ang magiging karanasan ng mga tao. (40:45 - 41:17) Kailangan lang talaga ay patuloy tayo sa ating pagsikap sa araw-araw sa meditation at kabanalan. Ang dahang-dahang pagbukas ng third eye na tinuturo ko nga dito ay free palagi para sa mga tao dahil may karapatan ang lahat ng mga tao na matuklasan ang spiritual na katotohanan para sa kanilang sarili sa direktang karanasan. Kailangan lang talaga ay magsikap tayo ng patuloy hanggang meron tayong resulta na makamtan. (41:17 - 41:56) Ano pa ang magagawa ko para gumaling ako sa third eye? Simple lang naman magpatuloy sa lahat ng payo ko sa landas ng kabanalang tinuturo ko. Gawin ang tama, iwasan ang mali. Maging mabuti, mabait at matatag. Tanggalin ang lahat ng bisyo, magdasal sa araw at gabi, at magmisyon sa landas ng kabanalan bilang isang official, ingkantaong misyonaryo. Ang kalakasan ng ating spirito at ang lahat ng spiritual nating kakayahan ay nakasalalay sa ating kabanalan. Pagkat ang kabanalan ay ang kabuuan ng ating enerhya. (41:57 - 47:00) Kaya nga ako nagtuturo ng landas ng kabanalan mga kapatid para ito ay maging paglilinaw nga sa mga tao sa kung ano ang kailangan nating gawin para tayo ay magkaroon ng buong enerhya sa ating buhay. Lahat ng kasalanan ay nagbabawas sa lakas ng ating spirito, lalo na ang mga tinatawag nating mga mortal sins or mortal na kasalanan na pagpatay, paglandi, at pagnakaw. Hindi natin maiiwasan na makakagawa tayo ng mga mas magaan na kasalanan na tinatawag nating immortal sins, pero hindi yan kasing bigat nga ng mga mortal sins or mortal na kasalanan. Pero sa katagalan ng panahon sa pagsisikap natin sa kabanalan ay halos kaunti na lang ang natitira nating mga kasalanan na immortal na kasalanan. Kung interesado ka nga sa mga iba pang paraan para palakasin ang third eye mo ay mayroon din tayong mga produkto at serbisyo para dyan at magpaconsulta para tayo ay gumaling sa pagmeditate at mabuksan ng tuluyan ang ating spiritual na pananaw Ibahagi mo ang isang karanasan mo sa Third Eye Meditation na tinuturo ko Isulat mo dito sa comment form sa baba o di kaya mag-upload ka ng video kung gusto mo Kapatid, sana ay isulat mo ang review mo o ano ang tingin mo dito sa free Third Eye Meditation video course na ito Makakatulong ito para mas galingan ko pa ang mga pagturo ko sa sunod At mas maipapakalat pa natin ang mabuting balita Pakisulat lang ang review mo sa form na nasa ibaba Ibahagi natin ang course na ito sa mga taong interesado So kung meron kang mga kaibigan na gusto rin buksan ang kanilang mga Third Eye at malaman kung ano ang spiritual na katotohanan ay sana maibahagi mo ang link dito sa course na ito para sila ay maliwanagan din sa spiritual na katotohanan Kapatid, maraming salamat ulit at congrats sa pagtapos mo sa free Third Eye Meditation video course na ito Baka mainteresado ka sa iba ko pang lalabas na produkto at serbisyo Katulad ng mga courses at memberships Abangan nyo na lang po yan sa mga susunod na kabanata Ipagdasa nyo na lang na magtagumpay ako sa paglatag sa mga ganyang mga produkto at serbisyo Maraming salamat po at God bless