Ito ang MuscleMeron Training Program na sa tingin ko pinaka-efficient para sa pagpalaki ng muscle na hindi kailangan ng masyadong maraming oras sa gym. 2x a week lang na mga tig 1 hour lang kada session or even less.
Maraming program na kumakalat sa internet hindi gumagana kasi karamihan sa nagbebenta ng program ay nagsteroid drugs para sa katawan nila. Kaya hindi gagana ang program nila para sa mga taong hindi nag-drugs.
Kaya nga kaya nila magworkout halos araw-araw kasi nagdrugs sila para mabilis lumaki muscle nila! Kung walang steroids at natural ang tao, kailangan ng mas maraming pahinga.
Parang katulad sila ng 45-day steroids chicken na mula sisiw ay malaki na ang manok! Pero ang native chicken na natural no steroids ay aabutin ng 6 months para maging husto ang laki!
Hindi maganda ang pagdrugs ng steroids kasi mas magkakasakit ka at mawala ang balanse ng hormones. Mas mabilis pa mamatay. Pero saka na natin pag-usapan yan ng mas detalyado.
Sa madaling salita, ang totoong program para sa mga drug-free lifters ay may karampatang recovery time. Kaya nga 2x per week lang para makapahinga. Kasi ang totoong paglaki ng muscle ay sa oras ng pahinga, hindi sa gym!
Mas gumanda ang katawan ko ngayon na hindi na ako palagi nagworkout. 2 beses lang kada linggo pero intense para may dahilan na lumaki ang muscle. Tapos patuloy pa akong lumalakas at lumalaki sa katagalan ng panahon.
Maganda dito ay pwede to gumana lalo na kapag mas matanda ka na. 40 years above, pwede pa din gumawa ng ganito at makakuha ng magandang results.
Natural, no drugs and safe. Healthy para sa katagalan!

Ito ang overview ng training program at paano gumawa ng sarili mong version gamit ang iba’t ibang paraan:
I-download mo ito para maintindihan mo paano gumagana ang program at pwede ka gumawa ng sarili mong version.
Ito naman ang Barbell edition para sa mga taong may access sa barbell:
Ito naman ang Bodyweight or Calisthenics edition: